Chapter 44

18K 353 2
                                        


Mahigit isang linggo na akong tinuturuan ni Tom sa pag-e-ensayo para ihanda ang aking katawan sa ngayong linggong pagsasanay. Tuturuan na niya raw kasi akong makipaglaban.

"Ready, wife?"

Hinarap ko siya at nakangiting tumango.

Kinakabahan ako pero excited akong matuto. Mas excited pa ako rito sa gagawin namin kumpara no'ng nag-umpisa akong magturo sa paaralan. Hindi ko alam na gugustuhin ko ang ganitong bagay sa buhay ko.

"By the way, look gorgeous," sabi niya saka lumapit sa akin at hinalikan ang pisngi ko.

Namula naman ako. Ano ba kasi itong si Tom. Unexpected lagi ang mga galaw. Nakapang-sports outfit lang naman ako eh. Parang feeling ko tuloy ang ganda-ganda ko na.

"Let's go?" tanong niya no'ng hindi ako nakaimik.

Tumango ako bilang sagot.

Hinawakan niya na ang bewang ko at sabay kaming lumabas ng kwarto at tinungo ang basement.

Pagdating namin sa basement ay nakahintay na sa amin ang mga tauhan niya.

Binigyan niya ako ng mabilis na halik sa labi tapos umalis agad si Tom sa tabi ko at umupo doon sa isang upuan sa gilid kaya naiwan ako rito sa gitna.

Nagtaka ako sa ginawa niya. Akala ko tuturuan niya ako pero bakit umupo naman siya doon?

Nabaling ang attention ko kay Red no'ng nakita kong lumapit siya sa akin.

Nakapang-sports attire rin siya kagaya ko. Ang cool niya talagang tingnan kahit ang payat-payat niya.

"Handa na po akong turuan kayo, madame. Gusto niyo na po bang magsimula na tayo?"

"Ikaw ang magtuturo sa akin?" takang tanong ko.

"Opo."

Napatingin ako kay Tom. Binigyan niya lang ako ng tango.

Akala niya ba hindi ako kasing galing niya kaya babae ang inatasan niyang turuan ako? Pwes, ipapakita ko sa kanya at sa kanilang lahat na magaling din naman ako.

Bumaling ako kay Red.

"Sige, ready na ako."

Pumuwesto kami sa gitna.

In-explain niya sa akin ang basic ng pakikipaglaban. Mula sa simpleng self defense hanggang sa sumipa at sumuntok.

Ang galing nga ni Red eh. Mukhang sanay na sanay na siya base sa mga kilos niya. Nasangga niya lahat ng suntok na pinapakawalan ko.

Napapunas ako ng pawis sa noo ko.

"That's enough."

Napatingin kami pareho kay Tom. Nakita ko ang pagtayo niya saka niya ako nilapitan.

Pinunasan din niya ang pisngi ko gamit ang kamay niya saka hinalikan ako sa noo.

"You did great, wife."

Proud siyang tumingin sa akin.

"Bukas, I'll teach you how to use a gun."

"Talaga??"

"Yup."

Natuwa ako. Mas lalo akong na-excite para bukas.

Bumaling si Tom kay Red. "Thank you for patiently teaching my wife."

Tumango lang siya bilang sagot.

The Secret IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon