"A-Anong ibig mong sabihin?"Tumatawa siyang lumalapit sa akin saka siya nag-snap ng mga daliri niya tapos may biglang lumabas mula sa dulo.
May dalawang lalaking lumabas mula doon tapos may hawak silang lalake na punit-punit ang damit. Para bang binugbog ito.
Nakayuko ito kaya hindi ko makita ang mukha niya.
"Nakikilala mo ba siya?!"
Tiningnan ko ng maigi ang itsura niya pero wala naman akong maalala. Hindi ko siya kilala.
"Apo, huwag kang makinig sa kanila. Hinayaan mo na lang sana kami rito. Hindi ka na sana pumunta pa," sigaw ni lola na kinaiyak ko.
"Tumahimik kang matanda ka! Baka gusto niyong patayin ko kayong magpamilya lahat ngayon mismo?!"
Pamilya?
Agad kong tiningnan ulit ang lalaking bugbog sarado saka sinipat ng mabuti ang mukha niya.
Nanlaki ang mga mata ko noong umangat siya ng tingin sa akin. Kita ko na ang buong mukha niya.
Napasinghap ako sa gulat.
"P-Papa?"
Kamukha niya ang papa ko.
Imposible.
Patay na ang papa ko. Nilibing pa nga namin siya, eh. Hindi siya 'to. Kamukha lang siguro.
Pero sino ang niloko ko?
Kahawig niya ang papa ko at base sa klase ng pagkakatingin niya sa akin, para bang may longing at awa sa mga mata nito. Pamilyar na pamilyar ang tingin na 'yon.
"Sarah? Ikaw na ba y-yan?"
Tumulo na ng tuluyan ang mga luha mula sa mga mata ko. "A-Ako nga po."
Ngumiti siya sa akin kahit mukhang may masakit sa kanya.
Siya nga ang papa! Sa ngiti niya pa lang.
Naaalala ko noong bata pa ako kung gaano kami ka close.
"P-Papa," hagulgol ko.
Hindi ko maintindihan kung bakit siya nandito. Ibig sabihin, hindi siya namatay at matagal na siyang nasa kamay ng mga lalaking 'to? Bakit pinatagal nila ang paghihirap ng papa ko?
Akmang lalapit na ako sa papa ko pero hinarangan nila ako.
"Sinong nagsabi sa 'yo na pwede kang lumapit sa kanya?!" sigaw no'ng lalake sa akin saka mabilis akong sinampal na dahilan para maiyak ako. Ang sakit kasi.
"Huwag mong saktan ang anak ko," mahinang sabi ni papa dahil nanghihina na siya. Pinahirapan nila ang papa ko. Wala silang konsensya. Ang sama nila!
Tumawa siya ng malakas.
"Ang dali niyo naman palang patayin eh. Ang hihina niyo!" sigaw nito sa aming lahat.
Nag-aalala ako para sa lolo, lola at sa papa ko. Kaya hindi ko mapagtanggol ang sarili ko mula sa hayop na ito dahil baka kung ano ang gawin nila sa kanila.
"Bakit ba kasi kami nandito?! Ano ang kasalanan ng pamilya namin sa 'yo?" galit na tanong ko.
Tumawa ulit siya.
"Hindi mo alam?"
Magtatanong ba ako kung alam ko? Tanga rin pala niya eh.
"Pero mas okay kapag huwag mong alamin. Bahala na ang ama mo na magkwento sa 'yo kapag nasa kabilang buhay na kayo."

BINABASA MO ANG
The Secret Identity
AçãoWould you fall in love with someone even if you don't know his real identity? What if you find out about his true identity when it's already too late? Would you still stay or would you leave? All Rights Reserved. September to November 2016. Revised...