Chapter 7

25.7K 523 31
                                    


Salamat dahil Biyernes na. Ibig sabihin, wala akong pasok bukas. Siguro tutulong na lang ako kina lolo at lola bukas sa palayan.

"Bye, Ma'am Sarah!" paalam sa akin ng mga co-teachers ko.

"Bye! Ingat kayo, mga ma'am," paalam ko naman.

Nag-clock out muna ako bago lumabas ng gate nitong school namin. Naglakad ako papunta sa harap nitong paaralan para mag-abang ng jeep.

"Hi."

"Ay utot ng kalabaw!"

Nagulat ako sa biglaang pagsulpot niya. Natatawa siyang nakatingin sa akin.

"I'm sorry. Nakalimutan ko na magugulatin ka pala," nakangiti niyang sabi.

Para akong nakalutang sa ulap no'ng nakita ko ang magandang ngiti niya. Grabe, gumwapo pa siya lalo dahil sa ngiti niya na 'yan.

Magagalit pa sana ako kanina sa taong ginulat ako pero hindi ko na nagawa no'ng nakita ko na siya pala.

"Okay lang. Ikaw kasi lagi kang nanggugulat."

Para kasi siyang kabute na bigla na lang sumusulpot. Ang tagal nawawala tapos isang araw bigla na lang magpapakita.

"I'm sorry."

Napatango ako. Paano ako magagalit sa ganyang mukha na 'yan? Mukhang sincere pa siya sa pag-sorry niya.

"Okay na. Bakit ka nandito? May nakalimutan ka no? Ah! Alam ko na. Nakalimutan mong tanungin ang pangalan ko kaya ka bumalik no?"

Taas-baba pa ang kilay ko habang sinasabi ko 'yon na para bang inaasar ko siya.

Natawa naman siya. "No, silly. I know your name."

Napakunot ang noo ko.

"Alam mo?" Tumango siya. "Kung alam mo, sabihin mo nga sa akin kung ano ang pangalan ko aber?"

"Sarah Castro, right?"

Hala! Paano niya nalaman? Tiningnan ko ang uniform ko baka may nakalagay na pangalan. Wala naman akong name tag or ID na suot.

Napataas ang isang kilay ko sa kanya.

"Mali." Sagot ko na ikinakunot ng noo niya. "Sarah Lahbati ang pangalan ko." Seryosong sabi ko.

Kumunot naman ang noo niya lalo at parang nag-iisip ng mabuti.

Gusto kong matawa pero pinipigilan ko lang dahil gusto kong makita ang reaction niya sa sinabi kong pangalan ko. Biro lang 'yon pero parang naniwala siya.

Nakakaloka dahil effective ang biro ko. Mukhang naniwala kasi siya.

"That bastard told me it's Castro. Humanda siya sakin mamaya." Rinig kong bulong niya sa sarili.

Humanda sino? Anong ibig niyang sabihin do'n?

"I'm so sorry for—" Napatigil siya no'ng nakita niya na tawa ako ng tawa. Hindi ko na kasi mapigilan.

Talagang naniwala siya na iyon ang pangalan ko? Hahahaha!

"Why are you laughing?" takang tanong niya.

Nakakatawa kaya siya. Pero siya, nakatingin sa akin na parang tinubuan ako ng isa pang ulo dahil takang-taka ito habang nakatingin.

Napahawak ako sa tiyan ko para pigilan ang pagtawa ko.

"Naniwala ka talaga na ako si Sarah Lahbati??" Sabay tawa ko.

"Why? Are you not?"

Umiling ako sabay tawa ulit.

"Syempre hindi. Hindi mo ba kilala 'yon?"

Umiling siya.

"Seryoso hindi mo 'yon kilala? Sikat kaya siya. Saang mundo ka ba galing?"

The Secret IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon