Timothy JaredIyan ang pangalan ng lalaking unang minahal ko.
Ang lalaking unag pinagtuunan ko ng pansin.
Ang unang lalaking binigyan ko ng buong atensyon ko.
Ang unang lalaking pinagkatiwalaan ko ng sarili ko at buong ako.
Mahal na mahal ko kasi siya.
Akala ko wala nang darating na para sa akin pero isang araw, dumating na lang siya ng hindi ko inasahan.
Kay sarap maranasan ang unang pagmamahal.
Hiling ko na sana ay siya na rin ang huli kong mamahalin. Siya kasi ang gusto kong makasama habangbuhay.
Wala na kasi akong mahihiling pa sa kanya dahil lahat ng gusto ko ay binibigay niya. Inalaagan niya ako at pinapasaya.
Tom.
Iyan ang gusto niyang itawag ko sa kanya.
Ilang araw pa lang kaming nagkakilala ay nahulog na kami sa isa't-isa. 'Yong tipong sobrang lalim na ng pagkahulog namin at pareho kaming ayaw umahon.
Dahil sa sobra na naming mahal ang isa't-isa, nag-decision na kaming magsama habangbuhay at bumuo ng sarili naming pamilya.
Ang kasal namin ni Tom ay isa sa mga masasayang araw sa buhay ko.
Kahit simple lang ang buhay namin ay masaya kami pareho at kontento na kami basta magkasama lang kami.
Mas lalo pang sumaya ang pagsasama namin no'ng nagbunga ang aming pagmamahalan.
Pero isang araw, nagbago ang lahat. Nagbago ang lahat dahil sa nalaman ko.
Nalaman ko kung sino talaga siya. Kung sino talaga si Timothy Jared o si Tom, ang asawa ko.
Miss Kae @KaeJune
Welcome to The Secret Identity!* * *
WARNING
🚫 Copyrights protected 🔐
No illegal distributions or replicating this story without the author's permission 🚫
BINABASA MO ANG
The Secret Identity
ActionWould you fall in love with someone even if you don't know his real identity? What if you find out about his true identity when it's already too late? Would you still stay or would you leave? All Rights Reserved. September to November 2016. Revised...