Ilang araw nang umaalis si Papa kasama si Tom. Palaging sinasabi nila sa akin na ipinapakilala lang daw niya si papa sa buong mafia at sa mga kanegosyo niya.Pero hindi ako naniniwala doon.
Akala nila ay maniniwala ako eh hindi nila alam na narinig ko ang usapan nila.
Narinig ko rin kagabi ang usapan nila habang nagpapanggap akong tulog na.
Ngayong gabi na nila gagawin ang binabalak nilang paghuli sa leader ng mafia na kalaban nila ni papa.
Kailangan kong gumawa ng paraan para makasama sa kanila.
Pero gusto ko mang kumilos ng mag-isa dahil ayaw nila akong isama ay hindi ko mapigilan na hindi mabahala.
Bakit?
Kasi feeling ko ay mali ang desisyon ko na gumawa ng plano na mag-isa, feeling ko masisira ko ang plano nila kapag bigla akong susulpot doon na hindi nila alam. Ayokong masayang lahat ng pinaghirapan nila.
Kaya imbis na tumahimik ako ay naisip ko na ipaalam na lang sa kanila ang alam ko. Nang sa gano'n ay wala akong pagsisihan sa huli kung sakaling may mangyari man dahil lang sa sinaway ko ang gusto nilang mangyari.
Nasaan na kaya sila ngayon?
Buo na ang desisyon ko. I will confront them. Gusto ko na sa oras na makausap ko sila ay mapapayag ko sila na isali ako sa plano. Gusto kong makatulong. Gusto ko ring bigyan ng hustisya ang ginawa nila kay Mama.
Kaya naghintay ako hanggang sa makauwi sila ng bahay.
Inipon ko lahat ng lakas ng loob ko. Noong nakita ko na papasok na ang kotse nila ng gate, lumabas ako ng bahay at sinalubong sila sa labas ng kotse.
"Tom," tawag ko sa asawa ko.
Natigilan siya pagkababa niya ng kotse at lumingon sa akin. Napangiti agad siya pagkakita niya sa akin.
"Tom, isama niyo ako."
Nakita ko ang gulat sa mga mata niya at nawala agad ang ngiti sa labi niya. Alam kong matalino si Tom at alam niya agad ang gusto kong sabihin kaya ganyan bigla ang reaksyon niya sa sinabi ko.
Napatingin siya kay papa, na tumigil sa tabi namin.
"Anong ibig mong sabihin, anak?"
"Pa," baling ko sa kanya. "Alam ko na may mission kayo mamayang gabi. Hindi ko kayang maghintay lang dito sa bahay. Gusto kong sumama sa inyo at makatulong."
Napatingin silang dalawa sa isa't-isa at nakikita ko ang gulat sa mga mukha nila.
"Wife, we want you to be here for our baby. He needs you here."
"Tom, hayaan mo sana akong tumulong. Gusto kong pagbayrin din sila sa mga ginawa nila. Gusto kong bigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Mama at ang muntik ng pagpatay nila sa akin. Please, hayaan mo na akong sumama."
"Anak." Lumapit si Papa sa akin saka hinawakan ang kamay ko. "Hindi namin ginagawa ito para lang maghiganti. Ginagawa rin namin ito para matigil na ang kasamaan nila."
Natameme ako sa sinabi ni Papa.
"Mas lalong hindi kami papayag na isama ka kung paghihiganti ang nasa puso at isipan mo dahil matatalo ka niyan, anak. Ayaw namin mangyari 'yon. Tandaan mo, walang sundalong nagtatagumpay sa laban kapag may galit sa puso at isipan. Natatabunan ng galit ang makapag-isip ng tamang diskarte sa pakikipaglaban. Hindi dapat ginagamit ang emosyon kundi isip."
Hindi ko alam ang isasagot ko.
Talaga bang galit lang ang nasa puso ko kaya gusto kong gumanti?
"Pag-isipan mo nang mabuti, anak. Pero kung gusto mo talagang sumama, hindi kita pipigilan lalo na ngayon na alam kong alam mo na ang plano namin. Kilala kita, hindi kita mapipigilan kung gusto mo talaga. Basta ipangako mo na kapag sumama ka, 'yon ay dahil may pinaglalaban ka hindi iyong may pinaghihigantihan ka. Magkaiba iyon, anak."
Hinawakan ni Papa ang pisngi ko bago binitawan ang kamay ko saka nauna na siyang naglakad papunta sa loob ng bahay.
Si Tom naman ay naiwang nakatingin sa akin. Nag-aalala siya.
"Papa," tawag ko.
Hindi pa siya masyadong nakakalayo si Papa kaya alam ko na narinig niya ako.
"Sasama ako."
Natigilan siya saka lumingon sa akin.
Nagtatanong ang mga mata niya na parang sinasabi kung sigurado na ba ako o hindi.
"Sasama po ako hindi dahil maghihiganti. Sasama po ako dahil ayaw ko po kayong hayaang mapahamak. Mas kampante ako na may itinulong ako sa inyo kaysa ang maghintay lang ng pagbabalik niyo na hindi ko alam kung ligtas ba kayong makakauwi o hindi."
Ngumiti si papa sa akin saka niya ako nilapitan saka mahigpit na niyakap. Ilang minuto ay humiwalay siya ng yakap sa akin saka bumaling kay Tom.
"Tom, anak."
"Yes, Papa?"
"Ikaw na ang bahalang magpaliwanag sa kanya tungkol sa plano natin."
"Are you sure, Pa? I can't stand thinking my wife can be in danger for joining us."
"We both know how stubborn she is. Isa pa, nandiyan ka naman para sa anak ko 'di ba? Alam kong hindi mo siya pababayaan."
Tinapik ni papa ang balikat ni Tom saka iniwan kaming dalawa.
"You are so stubborn, wife." Nakasimangot siya sa akin.
Nginitian ko siya.
"Alam ko," sabi ko saka hinalikan siya sa lips para hindi na magtampo.
Miss Kae @KaeJune 💋

BINABASA MO ANG
The Secret Identity
AçãoWould you fall in love with someone even if you don't know his real identity? What if you find out about his true identity when it's already too late? Would you still stay or would you leave? All Rights Reserved. September to November 2016. Revised...