Naglakad-lakad ako sa park pagkatapos ng klase. Gusto ko kasing mamasyal.Nami-miss ko na ang gumala after ko magturo. Mas masaya sana kung nandito siya para may kakwentuhan ako. Pero ilang araw na ay hindi pa rin siya bumabalik.
Akala ko 2 weeks lang?
Bakit umabot ng isang buwan?
Siguro nakalimutan na niya ako. Siguro may ibang babae sa buhay niya.
Pero hindi eh. Baka busy lang siya kaya hindi pa siya nagpapakita.
Sana man lang inalam ko ang number niya para nakamusta ko siya. Kahit ako na ang unang magparamdam sa kanya.
Napabuntonghininga ako ng malalim.
Ang hirap pala ng ganito.
"Penny for your thoughts?"
"Ay utot ng kalabaw!"
Natatawa siyang lumapit sa akin.
"You always say that whenever I scare you."
Napapikit ako ng sobrang diin bago dumilat ulit para masigurado na tama nga ang nakikita ko.
Siya nga! Siya ang nasa harapan ko!
"T-Tom," sabi ko. Na missed ko siya.
Gusto ko siyang yakapin pero pinigilan ko ang sarili ko.
"Ikaw naman kasi. Bigla ka na lang sumusulpot."
Umupo siya sa bench, sa tabi ko.
Ang lapit na niya ulit sa akin. Parang kanina lang na iniisip ko lang siya.
"Kamusta ka na? Ang tagal mo ata nawala. Akala ko two weeks lang," binulong ko ang huling salita na sinabi ko para hindi niya marinig.
Ayaw kong malaman niya na nagtatampo ako dahil wala naman akong karapatan na magalit o humingi ng paliwanag.
"Marami kasing nangyari sa Manila. Kaya hindi ako nakabalik agad. I'm sorry."
"Okay lang. Hindi mo kailangang humingi ng pasensya. Buhay mo 'yan."
"Are you mad?" Napakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin ng maigi.
Umiling ako at nginitian siya.
"Ano ka ba. Bakit naman ako magagalit?"
Lumapit siya ng kaunti sa akin at tiningnan ako ng mas maigi. May kakaiba na naman sa mga tingin niya.
"I'm sorry it took me too long."
Tumango ako. "Okay lang."
Ngumiti siya sa akin saka sinabing, "You're so kind, sweet and innocent. I like how patient you are to me. A woman like you is someone worth to keep."
Bumilis ang pintig ng puso ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko nagawang sumagot kasi ang lapit niya sa akin at hindi ko alam kung ano ang dapat kong isagot.
Malamlam ang mga mata niya habang nakatingin sa akin.
"You have the kindest heart that every man wants his woman to have. I am so glad that I got to meet you and know you. You make me forget my crazy world every time I am around you. That's why I can't help myself not to fall for you."
Muntik na akong malaglag sa upuan ko. Nagulat ako sa narinig mula sa kanya.
"A-Ano ang ibig mong sabihin?" nauutal na tanong ko.
Nagtatapat na ba siya ng pagmamahal sa akin??
Kinuha niya ang isang kamay ko at hinawakan ito habang nakatingin pa rin sa akin. May kung ano sa mga mata niya na gustong-gusto kong nakikita tuwing tumitingin siya sa akin.
BINABASA MO ANG
The Secret Identity
AcciónWould you fall in love with someone even if you don't know his real identity? What if you find out about his true identity when it's already too late? Would you still stay or would you leave? All Rights Reserved. September to November 2016. Revised...