Nagulat si Tom no'ng pagbukas niya ng pinto ay nakita niya agad ako.Sinadya ko kasing abangan ang pagdating niya sa bahay kaya no'ng nalaman ko na dumating na siya, sinalubong ko siya pagkapasok niya.
"Tom," bati ko.
"Why are you here downstairs? Aren't you supposed to be in bed and resting?" tanong niya saka nilibot ng tingin ang bahay. "Manang!" tawag niya.
Bigla namang sumulpot si manang mula sa kung saan.
"Manang, 'di ba sabi ko ay huwag muna pababain si Sarah dahil hindi pa siya tuluyang magaling? She needs more rest."
Parang piniga ang puso ko sa narinig.
Ito ba ang masamang tao na sinasabi ko? Ito ba ang kinatatakutan ko?
Eh parang mas mahal niya pa nga ang buhay ko kaysa sa sarili niya eh. Kahit mukhang pagod siya ay ako pa rin ang inaalala niya, Tapos ako itong parang si tanga na takot na takot sa kanya.
Imbis na intindihin ko siya ay ako pa itong nilalayuan siya.
Mahal nga talaga ako ni Tom. Concern siya sa kalagayan ko kahit na dapat ay magalit siya at pabayaan na lang ako dahil sa ginawa ko. Pero hindi niya iyon ginawa. Hindi niya ako pinabayaan.
May karapatan siyang magalit dahil ilang beses niya akong sinabihan na dumito lang sa bahay dahil mapapahamak ako kapag lumabas ako ng bahay pero hindi ako nakinig. Tapos sinisi ko pa siya sa nangyari sa akin.
Ako ang nagpahamak sa sarili ko at hindi siya. Nilagay niya pa nga sa pahamak ang buhay niya para mailigtas ako.
"Sorry, hijo. Nagpumilit kasi siya na salubungin ka raw dahil mag-uusap daw kayong dalawa."
Bigla namang tumingin sa akin si Tom. Nagtataka siya.
Bumaling ako kay manang saka ngumiti sa kanya. "Maiwan niyo po muna kami manang." Tumango siya saka umalis.
"Tom."
Hinawakan ko ang kamay niya no'ng hindi niya ako pinansin.
"Tom, sorry."
Hindi pa rin siya kumibo kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita.
"Inaamin ko na mali ako. Hindi ako nakinig sa 'yo tapos hinusgahan pa kita. Sorry dahil hindi ako naging maunawain na asawa sa 'yo. Hindi ko kasi kinaya no'ng nawala ang anak natin. Nawala ako sa katinuan dahil sa sakit ng naramdaman ko bilang isang ina. Pero, Tom, dahil sa nangyari sa akin, alam ko na ngayon na mahal na mahal pa rin pala kita. Akala ko hindi na kita makikita ulit no'ng may kumuha sa akin. Akala ko hindi na ako makakapag-sorry sa 'yo. I am so sorry, Tom. Sana nakinig ako sa 'yo para hindi ako napahamak pati na ikaw at mga tauhan mo. Salamat sa pagligtas niyo sa akin."
Umiiyak na ako sa harap niya pero hindi pa rin siya kumibo. Sobrang emosyonal ko habang nagsasalita dahil naalala ko ang pakiramdam ko no'ng kinidnap ako. Nadagdagan pa ang iyak ko dahil mukhang walang reaksyon ang asawa ko pagkatapos ng lahat ng mga sinabi ko.
"Tom, magsalita ka naman oh. Humihingi ako ng sorry. Mapapatawad mo ba ako? Please, patawarin mo na ako? Promise, hindi na kita paghihinalaan. Makikinig na ako sa 'yo. Mahal kita, Tom."
Hindi pa rin siya nagsalita at nakatingin lang siya sa akin.
"Hindi mo na ba ako mapapatawad?"
Hindi ko alam ang gagawin ko kapag sinabi niyang hindi. Hindi ko pala kaya na mawalay sa kanya. Hindi ko kaya na mawala siya sa buhay ko.
BINABASA MO ANG
The Secret Identity
ActionWould you fall in love with someone even if you don't know his real identity? What if you find out about his true identity when it's already too late? Would you still stay or would you leave? All Rights Reserved. September to November 2016. Revised...