Kakababa ko lang ng tricycle. Kakarating ko lang sa bahay mula sa pagsunod sa asawa ko doon sa restaurant.Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako mapakali sa nalaman ko. Habang nasa byahe ako kanina, para akong lutang dahil sa kakaisip tungkol sa mga narinig ko.
Ayaw tanggapin ng isipan ko ang mga nalaman ko tungkol kay Tom.
Kung bakit kasi pumunta pa ako doon at nakinig eh. Sana hindi na lang ako pumunta. Sana hindi na lang ako nakinig. Sana hindi na lang ako naging curious.
Ayan tuloy, hindi ako mapakali ngayon dahil sa narinig. Umiba na ang tingin ko sa sarili kong asawa.
Pero sa kabilang banda, tama ang ginawa ko. Tama lang na nalaman ko. Kung hindi ko siya sinundan, malamang ay wala pa rin akong alam ngayon.
Mukhang wala naman kasi siyang balak na sabihin sa akin eh. Natatakot siya na malaman ko. Hindi siya sumubok ulit na sabihin sa akin ang totoo kahit na hindi niya nagustuhan ang mga sinagot ko noon no'ng nagtatanong siya.
Kaya tama lang ang ginawa ko. Tama lang na may alam na ako ngayon.
Pero bakit ganun? Asawa ko siya pero labis na lang ang padududa at takot ko sa kanya. Hindi biro ang sitwasyon namin ngayon. Hindi biro ang magkaroon ng asawa na isang mafia. Wala man akong alam sa buhay mafia niya pero alam kong delikado ito. Sapat na ang mga narinig ko mula sa mga pag-uusap nila para sabihing delikado ang buhay na meron sila.
Napakuyom ako ng mga kamay ko. Paano na kami ni Tristan? Parti pala kami ng delikadong buhay na meron ang asawa ko.
"Wife?"
Nagulat ako sa biglaang pagsulpot ng asawa ko sa gilid ko. Unti-unting nawala ang pagkuyom ng mga kamay ko.
Nilingon ko siya.
Mukhang kakarating niya lang. Bakit hindi ko napansin ang pagdating ng kotse niya? Ganoon ba ako ka-busy sa mga iniisip ko para hindi ko mapansin ang nangyayari sa paligid ko?
"Why are you outside?"
Seryoso ang mukha niya. Titig na titig siya sa mukha ko. Para bang may iniisip siya tungkol sa akin. Alam kaya niya na sinundan ko siya?
Bigla akong nakaramdam ng kaba. Paano kapag nalaman niya? Ano kaya ang gagawin niya?
"Lumabas ka? Where did you go?" nagtataka niyang tanong.
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa tanong niya.
Sasabihin ko ba sa kanya na sinundan ko siya sa restaurant saka narinig ko ang pinag-usapan nila? O magsisinungaling ako na sa iba ako pumunta?
Naalala ko na naman bigla ang narinig ko kanina.
Isa siyang mafia.
May mafia akong asawa at 'yon ang hindi ko nagustuhan sa narinig ko. Parang umalis lahat ng dugo sa mukha ko dahil sa sobrang pangamba at stress.
"Wife, are you okay?"
Lumambot ang mukha niya habang nakatingin sa akin.
Akmang lalapit na siya sa akin para hawakan ako pero umatras ako na para bang ayaw kong hawakan niya ako.
Napakunot ang noo niya sa ginawa ko.
"Wife—"
Pareho kaming nagulat no'ng bigla na lang may sumabog. Mabilis akong niyakap at hinila palayo ni Tom.
Kumabog ang dibdib ko sa sobrang gulat at takot. Ayaw kong mag-assume pero alam ko kung saan nanggagaling ang pagsabog na iyon kahit nakatalikod ako.
Ayoko man tingnan para kumpirmahin pero kailangan. Unti-unti akong humarap sa direksyon kung nasaan ang bahay.
Parang tinusok ang dibdib ko sa nakita. Inaapoy ang bahay namin.
Mas lalong kumabog ng malakas ang dibdib ko sa nakikita. Tuluyan na ring tumulo ang mga luha mula sa mga mata ko. Dahan-dahan akong umalis sa pagkakayakap sa akin ni Tom at gamit ang mga nanghihinang paa ay humakbang ako ng ilang beses papunta sa bahay.
Napatakip ako ng bibig.
"Tristan!" umiiyak na sabi ko.
Ang anak ko! Nasa loob ang anak ko!
Iniwan ko siya sa bahay kasama ni Dolce.
Akmang hahakbang ulit ako para pumunta sa nasusunog naming bahay pero pinigilan ako ni Tom.
"Bitiwan mo ako! Nasa loob ang anak ko! Tristan!!!" malakas na sigaw ko.
Hindi siya nagsalita pero mabilis niya akong niyakap ng mahigpit.
"Tristan!!! Bitawan mo ako, Tom! Nasa loob ang anak natin. Kailangan nating iligtas ang anak natin. Hindi siya pwedeng mawala! Hindi pwede! Mababaliw ako! Tristan!!!" sigaw ko at pilit na kumuwala kay Tom pero ayaw niya akong bitawan.
Nasusunog ang bahay namin at nasa loob ang anak namin pero wala man lang siyang ginagawa???
Anak namin ang nasa loob! Anong klaseng ama siya? Wala ba siyang pakialam sa anak namin?
"Tristan. . . ." hagulgol ko.
Napansin kong maraming tao ang lumabas mula sa mga bahay nila at nakikibalita sa nangyayari. Maya-maya pa ay may mga tanod na rin na dumating at nagtatanong pero hindi kami makasagot.
Tanging sa nasusunog na bahay namin naka-focus ang atensyon namin.
"They will pay for this," dinig kong sabi ni Tom.
Kinilabutan ako sa pagkakasabi niya ng mga salita na 'yon. Hindi siya umiimik mula pa kanina pero no'ng nagsalita siya ay may kakaiba sa tono niya. Para siyang may galit. Narinig ko rin ang pagpipigil ng iyak sa boses niya.
Lumingon ako sa kanya. Sobrang nakakatakot ang itsura niya.
Base sa narinig ko at nakita ko sa mukha niya, alam ko na mahal niya ang anak namin at nasasaktan din siya. Pareho kaming nagluluksa kay Tristan.
Nagdatingan na ang mga bombero at mga paramedics. Binuhusan nila ng tubig ang apoy at no'ng wala nang apoy ay pinasok nila ang loob ng bahay.
Lumapit ako agad sa lumabas na bombero.
"Nakita niyo ba ang anak ko? Nasa loob ba siya?" pagbabakasakali ko.
Umiling sila na kinahina lalo ng tuhod ko.
"Sorry, misis. Wala na kaming naabutan sa loob. Puro abo na ang nakita namin," sabi ng isa sa mga bombero.
"Anong wala?? Nandoon ang anak ko! Doon ko lang siya iniwan kanina! Hanapin niyo siya! Please!" pagwawala ko.
"Sa lakas ng apoy ay malamang po ay natupok na ng apoy ang katawan ng anak niyo kung nasa loob po siya."
Mas lalo akong humagulgol. Hindi. Hindi pwede. Ang anak ko!
"Sorry po. Ginawa po namin ang makakaya namin pero hindi na namin nasalba ang anak niyo."
Nanghina ang tuhod ko. Mabuti na lang at may mga kamay na sumalo sa akin bago ako tuluyang bumagsak sa lupa.
Bakit nangyayari ito? Bakit??
Bakit ang anak ko pa?!
Masama ba akong ina dahil iniwan ko ang anak ko sa bahay?
Nasasaktan ako. Sobrang sakit.
Hindi na matapos-tapos ang kamalasan sa araw na ito. Kanina ay tungkol sa asawa ko ang nalaman ko. Ngayon naman, pati ang pagkawala ng anak ko.
Hindi ko maintindihan kung bakit nangyayari sa akin ito. Ginawa ko naman ang lahat ng makakaya ko para alagaan ang pamilya ko. Pero bakit ganito ang sinukli sa akin? Bakit?!
"Wife!"
Iyon ang huli kong narinig bago ako nawalan ng malay.
Miss Kae @KaeJune

BINABASA MO ANG
The Secret Identity
ActionWould you fall in love with someone even if you don't know his real identity? What if you find out about his true identity when it's already too late? Would you still stay or would you leave? All Rights Reserved. September to November 2016. Revised...