Hirap na hirap akong napadilat ng aking mga mata. Sobrang bigat kasi nito at ang pakiramdam ko.Hindi ko na mabilang kung ilang beses nila akong binugbog.
Siguradong puno na ng mga pasa ang mukha at katawan ko. Sobrang sakit pa ng katawan ko.
Kanina habang ginagawa nila iyon sa akin ay parang gusto ko na lng mamatay para matapos na ang lahat ng paghihirap ko.
Napangiwi ako no'ng sumakit ang mga pasa at sugat ko sa katawan no'ng gumalaw ako.
"Hoy! Anong iniiyak-iyak mo riyan?? Gising ka na pala ha!"
Sana nga hindi na lang ako nagising pa.
"Ang ganda at ang sexy mo, miss. Sayang lang dahil may asawa ka na."
"S-Sino kayo? B-Bakit niyo ako ginaganito?"
"Hindi na mahalaga kung sino kami. Saka hindi mo ba alam na ang asawa mo lang naman ang nag-utos sa amin na gawin ito sa 'yo?" sabi niya tapos tumawa ng malakas.
Si Tom?
Inutusan sila ni Tom na gawin ito sa akin?
Feeling ko nawala lahat ng pag-asa ko na ililigtas ako ni Tom mula sa kanila. Siya lang kasi ang kaisa-isahang tao na inaasahan kong magliligtas sa akin mula sa kanila pero hindi pala dahil siya ang may pakana nito.
Pero paano nangyari 'yon? Kaya bang gawin ni Tom ito sa akin?
"Ano? Hindi ka makapagsalita, miss? Hindi ka makapaniwala 'no? Hindi ka na niya kailangan. Wala ka kasing silbi!"
Tumawa pa ulit siya.
Napaisip ako. Hindi malabo na siya ang nag-utos sa kanila na gawin ito. Baka kasi ginalit ko siya dahil sa nagtangka akong tumakas mula sa kanya.
Baka ginawa niya ito para parusahan ako at takutin nang sa gano'n ay hindi ko na gugustuhing tumakas ulit.
Nanlumo ako sa naisip.
Sana pala tinuluyan na lang nila ako kaysa sa pahirapan pa nila ako ng ganito.
Hindi ko inakala ni minsan na mangyayari sa akin ang ganito.
Tuluyan akong naiyak.
"Hoy, miss. Wala nang magagawa iyang iyak mo dahil wala ka namg kawala rito."
Pinilit kong inangat ang tingin ko sa kanya kahit nahihirapan ako dahil sa sakit. Nakahiga rin kasi ako sa sahig na puno ng dumi ang aking damit at katawan dahil sa alikabok at dugo.
"P-Patayin niyo na lang a-ako," nahihirapang sabi ko.
Tumawa naman siya. May nakakatawa ba sa sinasabi ko?
"Huwag kang mainip. Dadating din tayo riyan mamaya."
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil mukhang may plano nga siyang totohanin ang sinabi ko.
Kung iyon lang din naman ang kakahantungan ko, ayaw ko na itong patagalin pa. Nahihirapan na kasi ako.
Paano ko pa gugustuhing mabuhay sa mundong ito kung wala na ang anak ko?
At pati pa ang kaisa-isahang lalaki na minahal ko ay mukhang tinalikuran na rin ako. Sumuko na siya sa akin.
Akala ko pa naman ay mahal na mahal niya ako. Hindi pala gano'n kalaki ang pagmamahal niya sa akin.
Ngumiti ako ng mapakla.
"Maawa ka sa akin. Patayin m-mo na lang ako. Huwag mo na akong pahirapan pa."
Tumawa siya ng malakas.
Bakit ba ang hilig niyang tumawa?
"First time kong narinig 'yan ah. Ikaw pa mismo ang humihingi na patayin ka."
Napaaray ako no'ng biglaan niyang hinila ang buhok ko at pilit akong inangat pataas.
"Ang tapang-tapang mo rin ano? Akala ko noon ang hina mo. Ngayon, hindi na ako nagtataka kung bakit ikaw ang nagustuhan niya."
Sinamaan ko siya ng tingin. Hindi na niya dapat pang ipaalala sa akin ang naging maling desisyon ko.
Hindi niya kailangang ipamukha sa akin na nagkamali ako dahil napasok ko ang mundo 'to,
Nagmahal lang naman ako.
Hindi ko naman inakala na magiging ganito. Akala ko dati normal lang ang magiging buhay namin ni Tom.
Hindi pala.
Wala na lahat ng pangarap ko. Nawala na ang pangarap kong buhay.
"Patayin mo na ako," madiing sabi ko.
Tumawa na naman siya pero ako naman ay diretso lang na nakatingin sa panget niyang mukha na puno ng wrinkles.
"Patayin mo na ako!" pasigaw na ulit ko. Nakakainis kasi siya.
"Wala kang karapatan na sigawan ako!" galit na sabi niya.
Nabigla ako no'ng malakas niya akong sinampal na naging dahilan na bumagsak ako sa semento.
Sobrang sakit ng pagkakabagsak ko. Parang nabali ata ang mga buto ko. Parang hindi ako babae kung tratuhin niya.
Ang bigat ng kamay niya kaya napalakas ang pagsampal niya sa akin. Kaya feeling ko ay ang pula na nang pisngi at labi ko. Naramdaman ko rin na may dugo na ito.
"Huwag na huwag mo akong sisigawan at utusan!" pasigaw nito sa akin. "Ikaw ang bihag namin kaya wala kang karapatan na utusan ako sa kung ano man ang gagawin ko sa 'yo!"
Napaupo siya sa tapat ko saka hinila na naman niya ang buhok ko.
Napangiwi ako dahil sa sakit no'n pero tiniis kong hindi mapaaray sa sakit dahil baka magalit lang siya lalo.
Medyo umiikot na rin ang ulo ko. Nahihilo na ako.
"Sino ka ngayon ha? Kung ang asawa mo nga ay wala ng pakialam sa 'yo. Nandito ka dahil binigay ka na niya sa amin at hinayaan niya lang na mamatay ka. Kaya huwag kang mainip dahil malapit ka nang mawala. Naiintindihan mo?!"
"Maawa ka. Huwag m-mo ng patagalin p-pa."
Ngumisi siya sa akin tapos agad niya ako tinayo. Umiikot na ang ulo tapos nadagdagan pa dahil mabilis niya akong sinampal.
Napatama ang ulo ko sa pader bago bumagsak ulit sa sahig na semento.
Unti-unti ng nanlalabo ang paningin ko. Wala na akong lakas para tumayo.
Ito na ba ang katapusan ko?
Napaiyak ako sa sakit no'ng sinipa niya ako. Nanlabo na ang paningin ko.
Narinig ko ang tawa niya bago ako nakarinig ng mga yabag ng paa. Sunod ay may narinig din akong putukan sa labas.
Hindi ko na alam ang mga nangyayari dahil dumilim na ang paningin ko.
Kusang pumikit ang mga mata ko. Unti-unti ring humina ang ingay at hindi ko na maramdaman ang sarili ko.
Tapos na ba ang paghihirap ko?
Miss Kae @KaeJune 💋

BINABASA MO ANG
The Secret Identity
AksiyonWould you fall in love with someone even if you don't know his real identity? What if you find out about his true identity when it's already too late? Would you still stay or would you leave? All Rights Reserved. September to November 2016. Revised...