"Palabasin niyo ako rito! Tom!!!"Kanina ko pa kinakatok itong pinto pero ayaw nila akong pagbuksan.
Kinulong nila ako rito sa kwarto.
Kinakabahan ako ng sobra dahil hindi ko alam kung hanggang kailan nila ako ikukulong dito o kung papalabasin pa ba nila ako. Kanina pa ako umiiyak dito pero parang wala silang narinig. Hindi na sila naawa sa akin.
Mas lalo akong nainis kay Tom.
Sinong asawa ang kayang ikulong ang sarili niyang asawa rito? Sino?!
Mahal na mahal ko siya pero ngayon hindi ko na alam.
Marami na akong rason para hindi ko na siya dapat mahalin. Ang dami niyang ginawa na hindi ko nagustuhan at isa na ito.
Gusto kong isipin na panaginip lang lahat ng ito. Na hindi ito ang tunay na nangyayari sa buhay namin ni Tom ngayon.
"Tom!!!" hagulgol ko sabay dahan-dahang napaupo sa sahig.
Iyak lang ako ng iyak. Nawalan na ako ng lakas dahil kanina pa ako umiiyak at pinaghahampas ang pinto. Naubos na ang lakas ko pero hindi pa rin nila ako napansin. Wala ba silang puso?
Tulala lang ako buong maghapon habang nakaupo sa sahig at nakaharap sa nakabukas na kurtina sa glass door.
Tanaw ko ang magandang tanawin sa labas na baliktad ng nararamdaman ko ngayon.
Hindi ko alam kung ilang oras na ang lumipas. Napansin ko na lang na dumilim na.
Kasabay ng paglubog ng araw ang pagtigil ng agos ng mga luha ko sa mga mata.
Bakit gano'n?
Nagmahal lang naman ako pero naging ganito ang kinahinatnan ko.
Hindi ko maalalang may ginawa akong masama sa kapwa ko para parusahan ako ng ganito.
Wala nang mas masakit pa sa nararamdaman ko ngayon. Ito na ata ang pinakamabigat na naranasan ko sa buhay ko. Nawalan na ako ng anak at bahay tapos naging komplikado pa ang sitwasyon namin ni Tom.
Bumukas ang pinto pero hindi ko ito pinansin. Hindi ako lumingon para tingnan kung sino. Nawalan na ako ng gana. Sa labas pa rin ako nakatingin.
"Madame. . . ."
Base sa boses na 'yon ay alam kong si Pardis ang pumasok.
Nilapag niya ang pagkain na dala sa tabi ko. Tapos umupo siya sa sahig katabi ko.
"Madame, kumain na po kayo."
Nagpunas lang ako ng basa kong pisngi. Hindi ako humarap sa kanya o sumagot.
"Masarap po itong niluto namin ni Mama. Paborito po raw ninyo ito sabi ni boss kaya pinagbutihan talaga namin ni Mama ang pagluto nito."
Napatingin ako sa dala niya at nakita ko ang plato na may pritong talong at sa isang bowl naman ay may Caldereta.
Paborito ko nga ang mga 'yan at kung sa ibang situation lang sana ako ay malamang nilantakan ko na agad ang mga dala niya. Pero hindi eh.
Wala akong gana gumalaw. Nawalan din ako ng ganang kumain. Sino ba naman ang gaganahan kumain kung alam mong nakakulong ka?
Pero agad na napabaling ako kay Pardis no'ng may lumabas na idea sa isip ko.
"Tulungan mo akong makatakas dito," sabi ko sa kanya na kinagulat niya.
"M-Madame?" gulat na sabi niya na may halong kaba.
Napapiksi siya no'ng hawakan ko ang mga kamay niya.
"Please, Pardis? Kailangan ko ng tulong mo. Kailangan kong makaalis dito. Ayoko rito. Maaawa ka."
Mabilis siyang umiling.
"Sorry po pero hindi ko po kayo matutulungan sa bagay na 'yan, madame. Hilingin niyo na po ang kahit na ano, huwag lang po iyan. Mahal ko pa po ang buhay ko."
Nakikita ko sa mukha niya ang kaba. Mukhang hindi niya kayang tulungan ako. Kasi mapapahamak siya kapag tinulungan niya ako. Baka kung ano pa ang gawin nila sa kanya. Ayoko naman na mapahamak siya dahil sa akin.
Binitawan ko ang mga kamay niya.
Nawalan ako ng pag-asa na makatakas dito.
Hindi na siguro ako makakaalis sa lugar na 'to. Pinasok ko na ang sitwasyon na ito at ewan ko kung makakalabas pa ba ako.
"Kumain na po kayo, madame."
Hindi ko siya pinansin.
"Madame, lalamig po ang ang pagkain sige kayo. Hindi na ito masarap kapag malamig na."
Hindi ko pa rin siya pinansin.
Nagulat na lang ako no'ng nilapit niya ang kutsara sa bibig ko para subuan ako.
Napatingin ako sa kanya tapos nahihiya siyang ngumiti sa akin.
"Sige na po. Ako po ang nagluto nito."
Tiningnan ko nang mabuti ang mukha niya. Masayahin siya at maaliwalas ang mukha.
Paano nakakayanan ng ganiyang personality ang magtagal sa ganitong lugar?
Malayo ang personality na meron siya sa kinalakihan niyang lugar. Lumaki siya sa ganitong lugar na napapaligiran ng mga nakakatakot na tao pero nakuha niya pa ring maging ganyan kasigla.
Wala akong nagawa kung hindi ang kainin na lang ang nilahad niyang pagkain dahil baka mapagalitan pa siya dahil sa akin. Ayokong madamay siya rito.
"Ako na," sabi ko sabay kuha ng kutsara mula sa kanya pagkatapos niya akong subuan.
Inubos ko ang pagkain na dala niya. Ang sarap kasi tapos gutom pala ako kaya napadami rin ang kain ko.
Nagpasalamat ako sa kanya bago siya umalis ng kwarto, dala ang tray palabas.
Napatingin ako sa orasan at nakita kong alas nuwebe na ng gabi.
Kaya pala nakaramdam na ako ng antok at pagod. Ilang oras na naman akong umiyak tapos ang dami pa nang nangyari ngayong araw.
Tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa sahig. Sumakit pa ng konti ang paa ko dahil kanina pa ako sa pwesto ko na 'yon. Pagkatayo ko ay nagtungo agad ako sa kama at humiga.
Pagkatakip ko ng kumot sa aking katawan ay siya namang pagbukas ng pintuan.
Hindi ko alam kung sino 'yong pumasok dahil nakatalikod ako sa pinto.
Naramdaman ko na lang na gumalaw ang kama na para bang may mabigat na humiga rito.
"Wife."
Tumaas ang mga balahibo ko no'ng narinig ko ang boses ni Tom.
"I'm so sorry."
Nagulat ako no'ng niyakap niya ako mula sa likod tapos binigyan ako ng masuyong halik sa pisngi.
Iyan ang madalas niyang gawin simula no'ng naging mag-asawa kami. Ganyan siya maglambing.
Pero naalala ko bigla ang ginawa niya sa akin kaya lumayo ako sa kanya.
"Huwag mo akong yakapin," sabi ko saka inalis ang kamay niyang nakayakap sa akin.
Binalot ko ang sarili ko ng kumot mula paa hanggang leeg saka pumikit ng mga mata. Wala na kasi akong lakas para magsalita o awayin siya.
Pinilit ko na lang ang sarili ko na matulog kahit na hindi ako comfortable dahil katabi ko lang siya.
Miss Kae @KaeJune
![](https://img.wattpad.com/cover/83483052-288-k647554.jpg)
BINABASA MO ANG
The Secret Identity
AcciónWould you fall in love with someone even if you don't know his real identity? What if you find out about his true identity when it's already too late? Would you still stay or would you leave? All Rights Reserved. September to November 2016. Revised...