Excited akong mamasyal sa labas kasama sina Tristan at Tom.Ito ang unang beses namin mag-bonding at mamasyal sa labas simula no'ng lumipat kami ng Manila. Bihira lang kasi kaming nakakalabas ng bahay na magkasama.
Mabuti na lang at naisipan ni Tom na ipasyal kami kahit na busy siya sa trabaho niya.
"Tristan, drink your milk," sabi ko sa baby namin na nakaupo sa car seat niya.
Katabi niya si Pardis.
Siya kasi ang madalas na yaya ni Tristan dahil napapalapit na sa kanya ang bata. Pero minsan lang naman kasi gusto ko na ako pa rin ang nag-aalaga sa kanya.
Hinarap ko si Tom na nagdri-drive.
"Kailangan ba talaga na may nakabuntot sa atin?"
Sabi niya kasi, papayag lang siyang lumabas kami kapag may kasama kami. Ayaw niya kasi na maulit ang nangyari noon. Na trauma ata siya.
"Yeah. It's for our--"
"Safety," pagtapos ko sa sasabihin niya.
Nako, kabisado ko na 'yang mga linyahan niya sa ilang beses ko ba naman narinig. Natatawang napailing na lang ako sa sarili dahil sa mga naiisip ko.
Hinawakan niya ang kamay ko habang natatawa na rin. "You have memorized my lines huh."
Sino ba naman ang hindi. E halos araw-araw na niya sabihin 'yon.
Imbis na sumagot sa kanya ay tumawa na lang ako. Pinisil niya tuloy ang kamay ko.
Kumain muna kami sa isang Italian Restaurant na paborito ni Tom. Ang sosyal talaga ng mga gusto ng asawa ko.
Ngayon ko lang talaga na feel kung gaano siya kayaman. Dahil noon nung hindi ko pa alam ang totoo, na kahit mayaman na siya noon pa, sinubukan niyang makibagay sa akin. Pero ngayon na alam ko na ang lahat, malaya na niyang nilalabas kung ano ang nakasanayan niya.
Akalain mong naka-reserve talaga ang isang magandang kwarto para sa amin. Todo asikaso pa ang mga staff sa amin.
Tapos no'ng pagkatapos naming kumain ay pumunta kami sa toy land, 'yong may maraming laruan na pambata. Sumama si Tom sa loob at siya ang naglaro doon kay Tristan. Halatang enjoy na enjoy sila. Tawa pa ng tawa ang anak ko.
Ako naman eh todo picture lang sa kanila at tatawa-tawa kapag natutumba sila.
No'ng matapos silang maglaro ay sinalubong ko sila ng halik at pinunasan ang mga pawis nila. Inuna ko si Tristan.
"Ako na," sabi ni Tom no'ng akmang pupunasan na siya ni Pardis.
"Ay sorry, boss. Si madame kasi inunahan ako sa pagpunas kay baby kaya wala tuloy akong mapunasan."
Tinaasan ko ng kilay si Pardis.
"Ako na riyan. Ikaw na ang magpatuloy sa pagpunas kay baby Tristan."
Tuwang-tuwa naman siyang nakipagpalit sa akin. Baliw talaga.
Syempre ako lang ang dapat na humawak dito sa mister ko na ubod ng kisig ang katawan at ubod ng gwapo.
Masayang lumabas kami ng Toy Land at dumiretso sa parking lot.
Nakita ko na nag-aabang lang doon ang ilang mga tauhan na kasama namin. Nandoon din si Red na napansin kong inapakan ang sigarilyong hawak niya noong nakita niya kami.
Napansin kong wala si Dolce. Baka may ibang ginagawa.
Tumigil ako sa harapan ni Red. "Kung pwede sana na huwag ka manigarilyo kapag malapit ka sa anak ko. Naaamoy niya kasi 'yon, masama iyon sa kanya."
"Sorry, madame."
Tumango ako. "Basta sa susunod—"
Napatigil ako sa pagsalita no'ng may biglang pumutok sa likod ko. Nagulat ako at napasigaw.
"Sh*t! Cover them!" sigaw ni Tom at mabilis akong tinago sa likod niya saka pinaputukan ang kalaban ng bala.
Namuhay na naman ang sobrang kaba sa dibdib ko. Bigla akong nag-alala sa anak lo. Si Tristan!
Hinanap ko agad siya at nakita kong hawak siya ni Pardis, na ngayon ay pino-protektahan sila ni Red.
"Tom! Si Tristan!" nag-aalalang sabi ko.
Baka kung ano ang mangyari sa kanya.
"Bring them inside the car safely," utos ni Tom na agad naman nilang sinunod.
"Tom! Paano ka?! Sumakay ka na rin!" nagpa-panic na sigaw ko.
"I'm coming. Just get inside first!"
Wala akong nagawa kung hindi ang sundin siya. Pumasok ako sa kotse namin at sumunod din sina Pardis at Tristan.
Pero malakas pa rin ang kabang nararamdaman ko no'ng nakita kong nagpuputukan sa labas at kabilang na doon ang asawa ko.
Nakita kong marami na silang natamaan na kalaban. Pero may mga kalaban pa rin na buhay at madami pa sila. Pati mga tauhan ni Tom ay nakikipag-away na rin at may mga nasugatan.
Napatili ako no'ng may balang tumama sa kotse pero hindi ito pumasok at naglikha lang ng maliit na crack sa salamin. Mukhang bullet proof itong kotse ni Tom.
"Tom! Pumasok ka na dali!!" sigaw ko para marinig niya.
Pero hindi niya ako sinunod. Tinutuloy pa rin ang ginagawa niyang pakikipaglaban.
"Tom!" naiiyak na sambit ko.
Mabuti na lang at pagkatapos ng ilang minuto ay mabilis siyang nakapasok sa kotse at agad namang pintakbo ng driver namin ang kotse.
Nagpakawala pa siya ng ilang putok bago sinara ng tuluyan ang pinto.
Mabilis ko siyang nilapitan at niyakap.
"T-Tom, okay ka lang ba? May tama ka ba?"
Umiling siya.
"I'm okay, wife. Kayo, okay lang ba? Did any of you get hurt?"
"Okay lang kami," sagot ko. "Tom, sino sila? Bakit sinundan nila tayo at gustong patayin?"
Hindi sumagot si Tom. Para bang nagdadalawang isip siya na kung sasabihin ito sa akin or hindi.
"Sino sila, Tom?? Sabihin mo naman sa akin, please!" pakiusap ko sa kanya.
Nagmakaawa ako kaya naawa siya sa akin dahil lumambot ang mukha niya. Tiningnan niya ako ng nag-aalala.
"They are the Lucre Mafia."
Hindi ko pa narinig ang pangalan na 'yon. "Kalaban mo ba sila noon pa? Gusto ka ba nilang patayin?"
Tumingin siya sa akin ng malalim. Ilang segundo siyang nakatitig ng seryoso sa akin bago siya sumagot. "They are not after me. They are after you."
Agad akong namutla sa narinig.
"B-bakit ako? Dahil ba asawa kita?"
Umiling siya. "Those people who have that motive are mafias of another group. Those are the enemies who almost killed our son, but I already taught them a lesson. But the Lucre Mafia, they have a different motive."
Mabilis ang tibok ng puso ko. Bakit ang dami naming kalaban?
"Eh bakit ako ang target nila, Tom? Ano ang kasalanan ko sa kanila?"
Parang may gusto siyang sabihin sa akin pero hindi niya magawa. Nagdadalawang isip siya dahil halata sa mukha niya iyon.
Ano ba ang tinatago ni Tom at bakit ayaw niyang sabihin sa akin?
"Tom," pagtawag ko.
"You will know when the time is right."
Miss Kae @KaeJune 💋

BINABASA MO ANG
The Secret Identity
AcciónWould you fall in love with someone even if you don't know his real identity? What if you find out about his true identity when it's already too late? Would you still stay or would you leave? All Rights Reserved. September to November 2016. Revised...