Nagising ako mula sa mahimbing na pagkakatulog.Mabilis akong napabangon no'ng maalala ko na hinihintay ko pa pala si Tom. Paanong mahimbing ako na nakatulog habang nag-aalala ako sa asawa ko? Gano'n ba ako kapagod?
Natigilan ako no'ng napansin ko na nasa kama na ako. Hindi ba kagabi ay sa sofa na nandito sa kwarto ako nakatulog?
Wala akong maalala na nagising ako at lumipat dito sa kama.
Ang naalala ko ay nakatulog ako sa sofa kakahintay sa asawa ko na dumating.
"Wife."
Nagulat ako sa boses niya. Napatingin ako agad sa pinto.
Speaking of asawa.
Nakangiti siyang pumasok sa kwarto. Ang ganda-ganda ng ngiti niya na mukhang ang saya-saya niya. Bakit kaya?
Sa lawak ng ngiti niya ay mukhang nanalo siya sa lotto o 'di kaya baka natalo niya kagabi ang kalaban niya kaya siya masaya?
Ang lakas ng loob niyang ngumiti sa akin. Parang wala siyang kasalanan. Pinag-alala niya lang naman ako kagabi ng sobra.
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Huwag kang ngumiti riyan. May kasalanan ka pa sa aking leche ka."
"What?" kunot-noo niyang sagot.
Kita mo pa what-what pa siya. Kung batukan ko kaya siya?
"Saan ka galing, ha? Bakit hindi ka umuwi kagabi? Saka ikaw ba ang lumipat sa akin dito sa kama? Sa sofa ako kagabi--"
"I carried you there. Naabutan kita kanina sa sofa. It was not comfortable, so I did the honor to carry you and move you to our bed."
Lumapit siya sa akin at saka hahalikan na sana ako pero umiwas ako.
"Hindi mo pa nasagot ang isang tanong ko," inis na sabi ko.
Napakamot siya ng ulo saka nagsalita, "Do I have to answer that?"
"Aba oo naman! Nag-alala ako ng sobra sa 'yo kagabi. Akala ko kung napaano ka na. I deserve an explanation!"
Oh 'di ba parang movie lang. Sa movie ko kasi nakuha ang linya na 'yan.
Napakunot ang noo niya dahil sa pagtataka pero agad din itong napalitan ng ngiti.
"Instead of answering that, I want to show you something."
Kinuha niya ang kamay ko at akmang hihigitin na niya sana ako pero hindi ako nagpahila sa kanya.
"Huwag mo ngang iniiba ang usapan, Tom. Sagutin mo muna ako."
"Can I not? I don't know how to explain it to you."
Paanong hindi niya alam paano i-explain sa akin ang nangyari sa kanya kagabi? Minsan talaga hindi rin maaasahan itong si Tom pagdating sa explanation eh.
Napahalukipkip ako ng mga braso saka sinamaan siya ng tingin.
"Alright. I will tell you. Sasabihin ko sa 'yo kung saan ako galing kagabi after I show you my surprise."
Surprise? Ano'ng surprise?
May time pa siyang bumili kagabi ng surpresa niya kung tama nga akong nakipaglaban siya?
Saka bakit naman siya may surprise sa akin? Birthday ko ba? Hindi naman ah. Saka mas lalong hindi rin birthday niya. Hindi rin namin anniversary. Hindi rin pasko ngayon kaya hindi Christmas gift 'yong surprise niya.
Ano'ng meron?
Tiningnan ko siya ng mabuti.
Baka ginu-good time lang ako nito o kaya binabaling ang attention ko sa iba para makalusot siya sa kasalanan niya.
Ano na naman ang trip ng isang 'to at ang daming ginagawa sa buhay?
"Wife, come on."
Parang excited siya na ipakita sa akin ang surpresa niya base sa tono pa lang ng pagkakasabi niya. Hindi mawala ang ngiti sa mukha niya. Bakit ang saya-saya niya? Nagtataka talaga ako.
Samantalang ako ay sobrang kinabahan na no'ng naisip na baka may masamang nangyari sa kanya kagabi.
"Kapag ako pinagtripan mo, nako nako!" sabi ko sa kanya saka nagpahigit na.
Sinusundan ko lang siya habang hila niya ang kamay ko.
Nauuna kasi siyang maglakad sa akin dahil na rin sa mahaba ang biyas niya kaysa sa akin. Nagpapahila lang ako sa kanya dahil wala akong gana sa kung ano mang materyal na bagay na surpresa niya.
Wala naman akong hilig sa mga mamahaling bagay. Hindi iyon ang nakakapagpasaya sa akin. Pero dahil mukhang excited si Tom na ipakita sa akin ang binili niya, sumama ako.
"I know you will thank me, wife."
Hindi ako sumagot sa kanya dahil alam kong masaya siya at kapag nagsalita ako ay baka masira ko pa ang mood niya.
Naglalakad kami sa hallway papunta sa isang kwarto na nasa dulo nitong hallway. Nagtaka naman ako bakit doon kami papunta.
Unti-unting napapalapit kami sa pinto na iyon at hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan. Kaba ba talaga ito? Kasi naman biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Naiiyak din ako. Weird.
Pero mas bumilis ang tibok ng puso ko no'ng papalapit na talaga kami sa kwarto tapos may narinig akong isang pamilyar na boses ng babae. Pilit kong inaalala kung sino ang may boses na 'yon.
Pero biglang nag-flashback lahat ng pangyayari noon sa isipan ko no'ng may narinig akong boses na matagal ko nang hindi naririnig. Isang boses na kahit sa panaginip ko ay naririnig ko.
Teka, nananaginip ba ako? Baka nga siguro kaya kung anu-ano na ang naririnig ko. Sabik na sabik pa naman ako sa boses na 'yon.
Kaya pinisil ko ang braso ko para malaman kung nananaginip lang ba ako. Napaaray ako sa sakit kaya napatingin sa akin si Tom agad.
"Did I hurt you?" alalang tanong niya.
Umiling ako sa kanya.
Hindi nga ako nananaginip. Totoo ang lahat ng ito.
Bigla kong inangat ang kamay ko no'ng nasa pinto na kami. Inunahan ko si Tom na hawakan ang doorknob at pinihit ko ito pabukas ng may pagmamadali.
Binuksan ko na ng tuluyan ang pinto na nasa harapan namin.
Bumilis lalo ang tibok ng puso ko dahil sa nakita ko.
Sobrang bilis na hindi mahabol ng hininga ko ang tibok nito. Para akong binuhusan ng malamig na tubig mula sa malalim na pagkakatulog.
Paano nangyari ito? Totoo ba 'to?
"P-Paano—"
Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil sa emosyon ko. Napatakip ako ng bibig sabay tulo ng mga luha ko sa magkabilang mga pisngi.
Parang natunaw ang lahat ng tigas at sakit na nasa puso ko. Parang humilom lahat ng sakit na dinanas ko.
Agad kong tinakbo ang pagitan namin saka siya mabilis na binuhat.
Pinaulanan ko siya ng halik sa halos lahat ng parte ng mukha niya saka siya niyakap ng mahigpit.
"Anak ko. . . ."
Napatingin ako kay Tom. Nakangiti siya malawak habang nakatingin sa amin. Parang naiiyak din siya.
"P-Paano nangyaring buhay ang anak natin? 'Di ba nakita natin na sumabog ang bahay natin—"
"Wala na kami sa loob no'ng sumabog ang bahay, Sarah," pagputol ni Dolce sa sinasabi ko.
Napanganga ako sa gulat.
Ibig sabihin, nakatakas sila bago pa sumabog ang bahay?
Nako. Diyos ko, salamat po!
Miss Kae @KaeJune 💋
BINABASA MO ANG
The Secret Identity
AksiWould you fall in love with someone even if you don't know his real identity? What if you find out about his true identity when it's already too late? Would you still stay or would you leave? All Rights Reserved. September to November 2016. Revised...