Chapter 19

20.1K 366 3
                                    


Mahal ko si Tom. Mahal na mahal ko siya.

Kaya kahit araw-araw kong naaalala ang mga nangyari sa akin nitong mga nakaraang araw ay hindi ko na lang masyadong pinapansin.

Siguro sinusubok lang ako kung gaano ko siya kamahal. Sinusubok ang tiwala namin sa isa't-isa at ang pagsasama namin.

Kaya hindi dapat ako magpadala sa pagsubok na ito.

Noong isang araw kasi, no'ng may nakabangga akong babae at sinabi niya na masamang tao raw si Tom pero ayaw ko maniwala. Baliw lang 'yon.

Tapos feeling ko minsan ay may sumusunod sa akin. Pero magaling akong iligaw kung sino man iyon dahil no'ng mapansin ko na wala nang may sumusunod ay saka ako pumupunta agad sa kung saan man dapat ako pumunta.

Kahapon naman, may nakabangga ulit ako at hindi niya man lang ako nilingon. Pero pagyuko ko, may nakita akong papel na nalaglag niya kaya kinuha ko iyon at ang picture ng asawa ko na may hawak na baril na nakatutok sa hindi ko alam kung ano. Siya lang ang nasa picture. Agad kong pinunit at tinapon iyon. Baka photoshopped lang ito.

Pero ang pinagtataka ko, sino naman ang may galit o inggit sa kanya na nakaya niyang siraan si Tom sa akin ng ganito?

Hindi kaya kabet niya o babaeng patay na patay sa kanya ang may gawa nito? Ginagawa niya ba ito para paghiwalayin kaming dalawa?

Huwag naman sana. Dahil kung meron ngang ibang babae, kakalbuhin ko talaga kung sino man siya.

Pag-uwi ko sa bahay ay tinanong ko agad si Tom.

"Umamin ka nga sa akin, may babae ka ba ha, Tom?"

Napatigil ito sa paglalaro kay Tristan at gulat na tumingin sa akin.

Sino ba naman ang hindi magugulat eh pagkadating ko sa bahay ay ganoon na agad ang bungad ko sa kanya?

"What are you talking about?"

Parang tingin niya sa akin ay nababaliw na ako o natutubuan ng isa pang ulo.

"Baka kasi may babae ka na patay na patay sa 'yo. Sabihin mo na, para makalbo ko kung meron man."

"None. Why did you suddenly ask me that?"

"Wala lang. Naninigurado lang ako. Madami pa namang may gusto sa 'yo," sagot ko.

Napakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin.

"Tell me, are you pregnant again?"

This time, ako naman ang napanganga dahil sa tanong niya.

"Hindi ah! Grabe naman 'to. Bakit mo nasabi iyan ha?"

Ako tuloy ang namula sa tanong niya. Kasi naman eh. Alam ko minsan ako ang mas malandi sa amin pero bakit iyon talaga ang naisip niya dahil sa tanong ko?

"You're weird these days."

"Kapag weird ay buntis na agad? Hindi ba pwedeng trip-trip lang??"

Napailing na lang siyang natatawa.

Buti naman at wala na siyang sinagot pa. Baka kung saan naman mapunta ang usapan. Tumahimik at binalik niya ang attention niya kay baby.

Sanay na siya sa akin na ganyan, eh.

Alam niya na madalas ay gusto ko lang siyang awayin at pagtripan kaya hindi na siya nagpapaapekto masyado.

Ewan ko nga bakit ganyan. Madalas kasi ay hindi niya sineseryoso ang mga sinasabi ko. Baka akala niya biro lang halos lahat ng sinasabi ko. Nasanay kasi siya na inaasar ko siya.

Nagluluto ako ng hapunan no'ng biglang pumasok si Tom sa kusina at bigla akong hinalikan kaya hinarap ko siya agad nang may ngiti sa labi.

Pero napakunot agad ang noo ko no'ng nakita na nakadamit siyang pang-alis.

"Oh, saan ang punta mo?"

"My employee just called me, and he wants to meet with me right now to talk about serious matters."

"May problema ba sa negosyo mo?" nag-aalalang tanong ko kasi naman bakit biglaan. Gabi na eh.

Umiling siya. "Remember I told you not to worry about these things?"

"So meron ngang problema sa negosyo mo?"

"Yeah, but it is not that big of a deal." Lumapit siya ulit sa akin at hinalikan ang noo ko. "I'll be back."

Tumango na lang ako. Niyakap niya muna ako at bago siya lumabas ng bagay.

Bakit para siyang nagmamadali?

Kinutoban na naman ako no'ng napansin na nagmamadali siya. Magaling si Tom magtago ng nararamdaman niya. Ang hirap kasi minsan basahin ang mukha niya pero minsan ay mapapansin ko na lang sa mga kilos niya na may mali.

Negosyo ba talaga ang dahilan ng biglaang lakad niya? Alam kong hindi ko dapat siya pagdudahan pero curious na naman kasi ako. Parang may malaki siyang problema na kailangan niya agad mapuntahan.

Tama kaya ang gut feeling ko ngayon?

Saan ba kasi siya pupunta eh gabi na? Sana sinabi niya man lang kung saan.

Siguro negosyo nga. So, sa Manila siya pupunta o dito lang sa amin?

Pero bakit parang gusto ko siyang sundan? Bakit parang may mali?

Para ma-satisfy ko itong mga hinala ko, susundan ko na lang siya.

Tama. Susundan ko siya.

Atleast kung negosyo nga naman talaga eh 'di okay dahil matatahimik ako. Mapapatunayan ko na wala naman pala akong dapat na ipag-aalala masyado.

Nagmadali akong kinuha ang phone ko saka tinawagan si Dolce.

"Ano 'yon, Sarah?"

"Dolce, pwede bang pakibantayan naman si baby kahit sandali lang? Sorry kung biglaan. May importante lang akong pupuntahan."

"Sige. Pupunta na ako riyan."

"Salamat. Maaasahan talaga kita. Babawi ako sa 'yo," sabi ko saka nagpaalam na sa kanya para makapunta na agad siya.

Tinapos ko ng mabilis ang niluluto ko bago ako nagbihis. Saktong dumating si Dolce kaya hinabilin ko agad sa kanya si baby. Alam na niya ang gagawin kaya hindi na ako masyadong nagbigay ng instructions.

"Bye muna, anak. Babalik si mama ha? Pakabait ka kay tita," sabi ko sa baby ko na karga ko at hinalikan ko muna siya bago ko iniabot siya kay Dolce.

Kinabahan ako bigla. Hinalikan ko ulit si baby baka sakaling mawala ang kaba ko.

"I love you, baby. Babalik agad ako." Bumaling ako kay Dolce. "Sige, aalis na ako. Ikaw na bahala sa kanya, ha?"

"Oo, Sarah. Mag-iingat ka."

"Oo, salamat," sagot ko bago tuluyang umalis na.

Nagpara ako ng taxi at doon dumiretso sa lugar na naalala kong pinuntahan din niya dati. Iyon lang kasi ang naiisip ko na lugar na kung saan siya posibleng pumunta.

"Dito na ho tayo," sabi ng taxi driver.

"Sige po. Ito po bayad ko. Keep the change ho," sabi ko saka bumaba na.

Bakit kinakabahan ako at parang nanlalamig? Hindi talaga ako mapakali. Para kasing may ibang mangyayari eh.

Miss Kae @KaeJune

The Secret IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon