"Ayan na! Mukhang masarap 'yan, madame, ha?"Napangiti ako kay Pardis.
Nag-baked kasi ako ng cake dahil wala akong magawa. Tinutulungan ako ni Pardis dahil pumayag ako. Kanina pa kasi siya rito sa tabi ko at gustong makisali.
"Pardis, huwag mo nga akong tawaging 'madame'. Nakakatanda eh. 'Ate' na lang ang itawag mo sa akin."
Umiling siya pero nakangiti pa rin at ang mga mata niya ay hindi maalis sa cake na ginawa namin.
"Hindi po pwede. Magagalit si boss."
Napailing na lang ako. Lagi na lang ganyan ang sagot nila.
Takot ba talaga sila kay Tom? Nagtaka tuloy ako kung paano siya magalit sa kanila.
"Gusto mong tikman?" tanong ko.
"Opo! Paborito ko ang ube cake," sabi niya na mukhang takam na takam nang kumain.
"Talaga? Matagal mo na bang paborito ang ube?" tanong ko habang nilalagyan siya ng cake sa plato niya.
"Ngayon lang."
Kinunutan ko siya ng noo. Akala ko pa naman matagal na.
"Hehe kasi po, madame, ngayon lang naman ako makakatikim ng ube cake. Hindi kasi kami gumagawa niyan dito dahil ayaw ni boss ng matatamis."
Sabagay ayaw nga pala ni Tom ng matamis kaya ako lagi ang kumakain ng mga sweets. Akala ko nga dati ay mahilig siya sa matamis dahil bili siya ng bili. Pero hindi pala. Ako pala ang binibilhan niya.
"Sige kain ka na," sabi ko.
Agad naman niyang sinimulan lantakan ang cake.
Kitang-kita ko ang saya at sabik sa mukha niya habang kumakain.
"Masarap ba?"
Tumango siya at nag-thumbs up pa sa akin dahil puno ang bibig niya.
Nakakatuwa talaga siya. Para siyang bata.
Si Tristan kaya, paborito niya rin kaya ang ube? O baka mana siya sa ama niya na ayaw ng matamis?
Napawi ang ngiti sa labi ko.
Hindi ko na malalaman ang bagay na 'yon. Wala na kasi siya. Hindi ko na malalaman kung ano ang mga hilig niya.
Hindi pa namin siya nailibing ng maayos dahil walang ni abo na natira sa sunog. Kakausapin ko si Tom na bigyan ng pormal na libing ang anak namin.
"Madame, okay lang po ba kayo?"
Pilit kong inalis sa isipan ko ang pag-iisip tungkol sa anak ko.
Ngumiti ako kay Pardis.
"Ilang taon ka na?" tanong ko sa kanya. Iniba ko ang topic para hindi ako malungkot.
"21 na po."
Tumango-tango ako.
"Graduate ka na ba?"
"Graduate po ako ng high school."
"Hindi ka nag-college?"
Umiling siya bilang sagot.
"Bakit naman hindi?" tanong ko.
"Nakakatamad mag-aral, madame. Si Papa lang naman ang gustong mag-aral ako. Lagi akong pinapalo noon kapag ayaw kong pumasok. Tapos kapag tinatamad ako ay siya ang nagpupumilit sa akin na pumasok. Kaya ayun, no'ng namatay siya ay tinamad na talaga akong pumasok sa school pero tinapos ko na lang ang high school."
"Importante na makapagtapos ka. Iyon ang yaman na hindi mananakaw ng kahit na sino mula sa 'yo. Isang malaking accomplishment ang makapagtapos. Kaya sana bumalik ka sa pag-aaral."
"Narinig ko po na teacher kayo?"
Tumango ako.
Isa sa rason kung bakit ako naging teacher ay dahil gusto kong e-motivate ang mga studyante ko na makapagtapos ng pag-aaral. Kahit anong sabihin ng iba, mahalaga pa rin ang pag-aaral. Kahit hindi man naggamit ng isang tao ang tinapos niya na kurso sa naging career niya, ang mahalaga ay may natutunan siya at edukado siya dahil magagamit niya ang mga natutunan sa school para matutong magplano at magdesisyon sa buhay.
Na-missed ko tuloy ang pagtuturo. Wala na akong trabaho ngayon dahil nandito na ako sa Manila. Hindi man lang ako nakapagpaalam sa principal namin ng maayos.
"Ang galing. Eh 'di masipag po kayong mag-aral?"
Umiling ako at natawa.
"Hindi rin. No'ng college na lang ako ginanahan mag-aral dahil sa gusto ko talagang makapagtapos at makahanap ng matinong trabaho. Kaya ikaw, mag-aral ka. Bumalik ka sa school. Malay mo, may ibang mundo na naghihintay sa 'yo."
Napasimangot siya.
"Kapag buhay ang papa mo malamang magagalit 'yon sa 'yo."
"Kaya nga po ako tumigil dahil patay na po siya. Hindi na niya ako mapapagalitan."
Napailing ako na natawa. Kaloka talaga itong batang 'to. Halatang ayaw niya talagang mag-aral.
"Bakit ba namatay ang papa mo? Ano ba ang dahilan?"
Bigla siyang nalungkot sa tanong ko.
Nakikita ko na mahal na mahal niya ang papa niya kahit na pasaway siya.
"Kasi po—"
"Pardis, maglaba ka na," biglang sulpot ni Manang Helen. "Ay, hija, nandiyan ka pala."
Ngumiti ako saka binati siya. "Hello po."
Binati rin niya ako saka siya lumapit sa amin kaya inalok ko siya ng niluto naming ube cake.
"Salamat pero busog pa ako. Ay, 'di ba nagpapasama ka na libutin itong mansion?" Tumango ako.
Oo nga pala muntik ko nang makalimutan ang bagay na 'yon. Gusto ko kasing magpasama na maglibot dahil natatakot ako mag-isa. Ang dami kasing bantay at mga naka-armas pa.
"Pardis."
"Po?"
"Samahan mo ang madame na ikutin itong mansion. Samahan mo siya dahil wala ka namang ginagawa riyan."
"Sus. 'Yon lang pala eh. Tara, madame."
Nagpaalam ako kay manang saka sumunod kay Pardis. Parang excited na excited siya na e-tour ako sa buong bahay.
"Pardis, may pamilya pa ba ang boss mo maliban sa amin?"
Nagtanong ako sa kalagitnaan ng paglalakad namin.
"Wala naman akong nakikita na pamilya ni boss sa ilang taon kong nakatira rito. Kami lang na nandito sa mansion ang tinuturing na pamilya ni boss."
Alam kong only child lang si Tom at namatay na ang parents niya. Pero wala ba siyang pinsan or kamag-anak?
Gusto ko ring malaman kung bakit namatay ang mga magulang niya. Hindi niya nasabi sa akin ang tungkol doon.
Pero baka maghinala siya sa akin kung bakit bigla akong naging interesado sa bagay na 'yon.
Paunti-unti ko lang munang aalamin ang mga sagot sa tanong ko. May pagkakataon pa naman para doon.
Ang importante ngayon ay makabisado ko ang pasikot-sikot dito sa mansion nang sa ganoon ay alam ko kung saan ako pwedeng dumaan kapag nagkaroon ako ng pagkakataon na makatakas dito.
Hindi naman ako nabigo dahil magaling si Pardis sa pagpapakita sa akin ng bawat sulok nitong mansion at ang dami niyang in-explain na mga bagay-bagay tungkol sa bahay kagaya nang kung saang kwarto ang hindi pwedeng pasukin.
Talagang maaasahan ko siya.
Kailangan ko lang pag-aralan ang bawat daan bago ako makakatakas. Sana lang sumang-ayon sa plano ko ang mangyayari.
Desidido na kasi ako. Aalis ako rito.
Gagawin ko ito para sa anak ko.
Miss Kae @KaeJune

BINABASA MO ANG
The Secret Identity
AksiWould you fall in love with someone even if you don't know his real identity? What if you find out about his true identity when it's already too late? Would you still stay or would you leave? All Rights Reserved. September to November 2016. Revised...