Chapter 18

20.9K 389 8
                                        


Naglalakad ako pauwi ng bahay.

Kakatapos ko lang magturo sa school. Tapos na ang maternity leave ko kaya balik na ako sa trabaho.

Parang ayaw ko pa nga bumalik kasi tatlong buwan pa lang si Tristan. Hindi pa ako handa na iwan siya sa bahay.

Mabuti na lang at sa bahay lang nagtatrabaho si Tom kaya kampante ako na naaalagaan siya ng mabuti.

Gusto niya pa nga akong sunduin kanina pero sabi ko huwag na dahil kaya ko naman mag-commute. Mas hassle kung kung iiwan niya pa si baby sa kapitbahay o kaya isama niya ito sa pagsundo.

Habang naglalakad ako ay biglang may babae akong nakabangga.

Nagulat ako no'ng hinawakan niya ang magkabilang braso ko saka takot na tumingin siya sa akin.

"Iwan mo siya," seryosong pagkakasabi niya sa akin.

Litong-lito ako na nakatingin sa kanya.

Anong pinagsasabi niya? Naka-drugs ba itong si ate?

"Iwan mo siya, miss." Mas lalo nitong niyugyog ang braso ko no'ng wala siyang makuha na sagot mula sa akin.

"Miss, naririnig mo ba ako? Iwan mo siya. Masamang tao siya!"

Medyo lumakas ang boses nito kaya natakot ako at pinilit ko na tanggalin ang mga braso ko mula sa pagkakahawak niya.

"Miss---!"

"Pwede po ba, bitawan niyo ako. Nasasaktan ako. Saka ano pong sinasabi niyo na iwanan ko siya?"

Baliw siguro ang babaeng ito.

Iniwan siguro ng boyfriend o asawa kaya nabaliw siya ng ganito?

"Makinig ka sa akin, miss. Iwan mo ang asawa mo. Mapanganib siya. Kaya ka niyang patayin. Masama siyang tao."

Umatras ako mula sa kanya.

"Ano ba, hindi masama ang asawa ko."

Muli niyang hinawakan ang braso ko.

"Isa siyang mafia. Huwag kang maging komportable masyado sa kanya. Madami siyang sekreto sa 'yo kaya iwan—"

"Hoy! Bitawan mo siya!"

Hindi naituloy ng babae ang sinasabi niya dahil dumating ang mga pamilyar na tao na siguro ay nakita nila na ginugulo ako ng babaeng ito.

Agad na tumakbo paalis ang babae no'ng nakita niyang palapit na sa amin ang dalawang lakaki. Sila ang mga sikat na tambay dito sa lugar namin.

"Pagpasensyahan mo 'yon, Ma'am Sarah. Baliw siguro ang babaeng 'yon," sabi pa nung isang lalaki.

Tumango lang ako at nagpasalamat sa kanila.

Kinalibutan ako sa mga sinabi nung babae sa akin at sa naalala kong reaksyon ng mukha niya na para bang takot na takot talaga siya.

Pero paano niya nasabi ang mga bagay na iyon? Kilala niya ba si Tom?

Sana natanong ko sa kanya iyon.

Mafia.

Bakit lagi kong naririnig ang salitang iyan nitong mga nakaraang linggo?

Bakit??

Sinabi nung babae na isang mafia raw si Tom. Pero hindi naman, eh. Sinong mafia ang ganoon kagwapo? Ang balita ko ay panget ang mga mafia sa totoong buhay. Mukha silang mga adik at kriminal.

Ang layo naman ni Tom sa kanila. Matino siya at ang sosyal pa nga magsalita.

Saka mabait ang asawa ko at hindi niya ako kayang saktan. Mahal ko siya at mahal niya rin ako. Alam ko sa sarili ko na hindi siya masamang tao.

Baliw lang talaga 'yong babaeng iyon at kung anu-ano ang sinasabi tungkol kay Tom.

Ayun sa narinig ko mula kina Tom at Allen noon, naisip ko na baka ang mga kaaway ni Tom ang mafia. Kasi iyon naman minsan kapag may negosyo ka at may mga naiinggit, 'di ba? Gusto nilang sindakin siguro si Tom.

Pero ilang linggo na simula narinig ko iyon. Wala namang may nangyari sa amin kaya wala lang siguro 'yon. Hanggang pananakot lang siguro sila.

"Hi, wife," nakangiting bati sa akin ni Tom pagkapasok ko pa lang sa bahay.

"Hi." Lumapit ako sa kanya at binigyan siya ng halik sa labi. "Kamusta si baby?"

"He's doing good. Kanina ilang beses siyang nagbawas. I made sure I cleaned him up really well. Saka kakapainom ko pa lang sa kanya ng gatas niya kaya wala ka ng gagawin at least for the next two hours. You can rest for now."

"Magluluto muna ako," sabi ko saka nilagay muna ang bag ko sa sopa.

"No need. We can order food. You look tired to cook."

"Ano ka ba. Kaya ko pang magluto 'no. Saka gagastos ka na naman, eh. Ang hilig mong mag-order ng to-go."

"Wife, what's the point of me working so hard kung hindi ko naman kayo bibigyan ng magaan at magandang buhay?"

"Maganda naman ang buhay ko ngayon ah? Hindi naman kailangan ng madaming pera para gumanda ang buhay natin."

Lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

"I am really so blessed to have you as my wife." Saka niya ako hinalikan sa lips ng mabilis.

"Ang swerte ko rin naman sa 'yo. Hindi mo ako binibigyan ng sakit ng ulo," sabi ko habang nakangiti kami sa isa't-isa.

Nawala bigla ang ngiti sa labi ko no'ng maalala ko ang sinabi ng babae kanina.

Masamang tao siya.

Mamamatay tao siya.

Isa siyang mafia.

Napailing ako ng ilang beses.

Hindi. Hindi dapat ako maniwala sa kanya. Mas magtiwala dapat ako sa asawa ko kaysa sa kung sinu-sino lang na nagsasabi na masama siya.

"Hey wife, are you okay?"

Napabalik naman ako sa wisyo no'ng nagtanong si Tom.

"A-Ah . . . O-Okay lang ako."

Pinilit kong ngumiti sa kanya para hindi niya sabihin na may iniisip akong iba.

Asawa ko siya at ayaw kong masira ang pagsasama namin dahil lang sa naniwala ako sa ibang tao.

"Are you sure? May problema ka ba? Maybe I can help, just tell me."

"Wala. Iniisip ko lang ang mga lessons ko kanina at ang mga dapat kong gawin."

"Don't think too much. Remember, you are at home. You should be taking a break from your work duties. Family comes first in our house, and business or work is just secondary. Alright?"

Tumango ako saka niyakap siya ng mahigpit. Mahal na mahal ko si Tom.

Ang dami kong napanaginipan tungkol kay Tom lately. Nagugulahan ako pero mas daig nito ang pagmamahal ko sa kanya kaya magtitiwala ako sa kanya.

Paranoid lang talaga ako.

Sa pelikula o libro lang naman nangyayari ang mga ganoong bagay, eh.

"I love you, Tom," lambing ko.

"I love you too, Sarah, my lovely wife."

Sapat na sa akin ang sagot niya. Kahit anong sabihin nila para ikasira ng paniniwala ko sa asawa ko, hindi ako naniniwala dahil ibang-iba ang Tom na nakikita ko kumpara sa sinasabi nila tungkol sa kanya.

Miss Kae @KaeJune

The Secret IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon