"Nasan ako?!"Nag-panic ako pagkagising ko hindi dahil sa masamang panaginip ko kung hindi dahil pagkagising ko ay nasa hindi familiar na kwarto na ako.
Hindi ako nagkakamali. Ibang-iba ang bahay na ito sa dati naming bahay. Ang kwarto na ito ay parang buong bahay na namin sa probinsya.
Sobrang laki ng kwarto. King size ang kama at nasa harap nito ang isang malaking glass door na natatakpan ng kulay beige na kurtina. Palagay ko ay terasa iyon kapag binuksan ko.
May malaking pinto rin sa gilid na palagay ko ay closet or banyo dahil wala akong nakikitang cabinet dito na nilalagyan ng damit kundi mga furnitures lang gaya ng isang set ng couch na may isang mahaba at may dalawang lovers seat saka meron ding glass stone na center table. Parang kwarto ito ng mga artista na napapanuod ko sa TV noon. Sobrang gara, eh.
Meron ding malaking flat screen TV na nakasabit sa dingding. Napatingin ako sa kaliwa at kanan. Nakita kong may dalawang side table sa magkabilang-tabi ng kama at may nakalagay na lamp shades sa bawat isa. May malaking chandelier din sa gitna na nagkikintaban. Ang taas kasi ng kisame kaya bumagay ang chandelier sa napakalaking kwarto na ito.
Kung sino man ang may-ari nito, malamang ay napakayaman niya.
Napatingin ako sa isa mga pinto rito sa kwarto dahil bumukas iyon at may pumasok na babaeng nakadamit pang katulong.
Nakangiti ang babae sa akin at may dala siyang tray na malamang ay pagkain ang laman dahil sa naamoy ko agad ito pagkapasok niya pa lang.
"Good morning, madam," masiglang bati niya sa akin.
Kung nasa normal na sitwasyon lang ako ngayon ay malamang nginitian ko rin siya saka binati rin pero hindi eh. Hindi pa nasagot ang tanong sa isipan ko kung nasaan ako.
Tumingin ako sa mukha niya. "Nasaan ako? Kaninong kwarto ito?"
Tumigil siya sa gilid ng kama saka nakangiti pa rin sa akin.
"Nasa mansion po kayo, madam, na pagmamay-ari po ni boss kaya pagmamay-ari niyo na rin po ito dahil asawa niyo na po si boss. Nandito po kayo sa kwarto ninyong dalawa. Welcome home po pala, madam! Matagal na po namin kayong hinihintay na tumira rito. Excited kami no'ng nalaman namin na nagpakasal na si boss. Salamat at mukhang mabait ang napangasawa niya. Kaya masaya po kami na kayo ang pagsisilbihan namin, madam."
Konti lang ang tanong ko pero ang dami niyang sinabi.
Napakunot ang noo ko dahil sinuway ni Tom ang gusto ko. Sinabi ko na sa kanya na hindi ako sasama sa Manila pero dinala niya pa rin ako dito sa mansion niya.
"Sorry, madam. Napadami ata ang nasabi ko. Hindi na po mauulit."
Napabalik ang tingin ko sa kanya. Akala niya siguro ay nagalit ako dahil sa sagot niya na napakahaba.
"Anong pangalan mo?" Nginitian ko na siya kaya nawala ang takot sa mukha niya.
Hindi naman ako galit sa kanya, eh. Wala naman siyang kasalanan sa akin para sungitan ko kahit galit ako ngayon.
"Pardis po, madam."
"Ilang taon ka nang nagtatrabaho rito, Pardis?"
Nilapag niya muna ang tray ng pagkain sa kama ko saka inayos niya ang napkin sa lap ko at saka niya binuksan ang takip ng pagkain.
"Kumain po muna kayo, madam. Baka kasi magalit si boss na hindi ko pa po kayo pinapakain."
Tumango ako dahil na rin sa gutom na ako. Mukhang ang sarap din ng mga pagkain na dala niya.
Niyaya ko siyang kumain pero busog pa raw siya. Binilisan kong kumain para makapagtanong na ako sa kanya.
"Nasaan si Tom?" tanong ko.
Nagtaka ako no'ng napahagikgik siya. May mali ba sa sinabi ko?
"Tom po pala ang tawag niyo kay boss. Ang sweet naman may nickname kayong tawag sa kanya. Ang tawag kasi sa kanya ng karamihan sa amin ay boss lang o 'di kaya ay Timothy."
Napailing ako. Wala ako sa mood para kiligin at mabuti naman na napansin iyon ni Pardis.
Tumikhim siya saka nagpatuloy. "Ang sagot po sa tanong niyo po kanina, madam, ay matagal na po akong naninilbihan dito sa mansion. Limang taon o mahigit na rin po. Hindi ko na masaydong maalala sa tagal na po."
"Anong alam mo sa boss mo?"
Nagulat siya sa tanong ko at parang hindi niya alam ang isasagot.
"Alam mo ba na namatayan kami ng anak no'ng isang araw? Tapos nalaman ko rin kamakailan lang na mafia pala ang asawa ko. Hindi ko alam pero feeling ko ay ang tanga-tanga ko para hayaang mangyari ito. Namatay ang anak namin dahil sa katangahan ko."
"Nakikiramay po ako, madam. Pero sana huwag po kayong sumuko kay boss. Mahal na mahal po niya kayo base sa mga naririnig ko mula kay Allen. Iniwan po ni boss ang komportableng buhay niya rito ng mahigit isang taon para makasama kayo sa probinsya. Iniwan niya ang magarang bahay na ito na nakasanayan na po niya dahil sa sobrang pagmamahal niya po sa inyo."
Napayuko ako. May punto siya. Ang laki ng sinakripisyo ni Tom. Pero hindi naman niya kailangang gawin 'yon kung sinabi niya sa umpisa pa lang ang totoong pagkatao niya. Hindi na sana kami umabot sa ganito.
Hindi ko na alam ang iisipin ko.
Mabuting tao ang asawa ko at mahal na mahal ko rin siya. Pero hindi ko lubos matanggap na ibang tao pala siya at isa siyang mafia. Paano kapag may mali ako at kaya niya akong saktan? Paano kapag ako naman ang mapahamak?
Nawala ako mula sa malalim na pag-iisip no'ng may narinig akong kumatok sa pinto bago ito bumukas.
Isang may edad na babae ang pumasok. Mukhang may edad na ito. Nilapitan niya si Pardis.
"Pwede ka nang bumalik sa baba," sabi niya rito saka bumaling sa akin. "Sorry po. Masyado kasing madaldal 'tong si Pardis kaya pagpasensyahan niyo na lang po siya."
"Mama naman. 'Di ba sabi niyo ay pasiyahin ko si madam dahil malungkot siya ngayon? Kaya ako mismo ang pinahatid niyo rito ng pagkain sa kanya?"
"Oo nga at sinabi ko 'yon. Pero pasayahin ang sabi ko, hindi 'yong daldalin."
"Okay lang po," sagot ko na may pagpipigil ng tawa dahil ang cute nilang mag-ina. Parang kami lang ni Lola.
"Sige po, bababa na po ako, madam," paalam sa akin ni Pardis bago niya kinuha ang tray sa kama saka lumabas na siya.
"Ano pong pangalan niyo?" tanong ko sa babaeng kakapasok lang.
"Ako si Helen, hija. Ako ang mayordoma sa bahay na ito. Kinagagalak ko na makita at makilala ka, ang asawa ng inalagaan ko magmula pa noong bata pa lang siya."
Napangiti ako sa kanya. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi dahil ni-remind niya na ako ang asawa ni Tom. Masyado pa akong naguguluhan sa mga nangyayari. Napailing na lang ako.
"Anak niyo po si Pardis?"
Tumango siya sa akin. Talagang mag-ina nga sila dahil sa pareho ang ngiti nila.
Nalungkot ako dahil naalala ko na naman ang anak ko.
Hindi ko na masisilayan ang paglaki niya. Hindi ko na malalaman kung sino ang magiging kamukha niya paglaki. Hindi ko na makikita ang pagngiti niya sa akin.
Miss Kae @KaeJune

BINABASA MO ANG
The Secret Identity
ActionWould you fall in love with someone even if you don't know his real identity? What if you find out about his true identity when it's already too late? Would you still stay or would you leave? All Rights Reserved. September to November 2016. Revised...