"Oy, tulala ka riyan."Napatigil si lola sa pagwawalis no'ng nakita niya akong tulala.
"Wala, la." Napailing ako.
Namewang si Lola saka ako tiningnan ng masama.
"Ako nga tapatin mo, Sarah."
Bigla akong kinabahan sa pagseryoso ni lola. Lagot na. Nalaman niya kaya na tulala ako dahil siya lang naman ang iniisip ko nitong mga nakaraang araw?
Kasi naman mahigit isang linggo ko na siyang hindi nakikita at na miss ko na siya. Gano'n ba ako ka easy to get na minahal ko agad ang lalaking wala pang isang buwan kong nakasama?
Mali ba 'yon?
"May problema ka ba sa pag-iisip? Sabihin mo lang dahil may kakilala kami ng lolo mo na doctor sa bayan at ng ma-check up ka."
Gusto kong masamid sa sinabi ni lola. Akala ko naman kung ano na. Akala ko pagagalitan na naman niya ako. Iba pala ang iniisip niya tungkol sa akin.
"Lola naman. Hindi ako baliw ah!"
"Eh ilang araw na kitang nakikita na pangiti-ngiti riyan at nagsasalita na walang kausap. Lagi ka ring tulala. Ano sa tingin mo ang iisipin ko, apo?"
Napasimangot ako. Pati ba naman si lola ay iyan ang iniisip tungkol sa akin? Kung alam lang niya kung bakit ako ganito. Pero sana huwag na lang niya malaman.
"Nako, Flor. In love lang iyang apo mo kaya ganyan iyan. Parang hindi mo naranasang ma in love," sabi ni lolo na kakadating lang.
Nagmano ako sa kanya.
"Lolo naman eh. Isa pa po kayo," sabi ko saka tinulungan siyang ilapag sa upuan ang mga dala niyang plastic.
"Bakit hindi ba totoo? Akala mo hindi ko nakita na ilang beses ka nang hinahatid gabi-gabi no'ng lalaking sinabi mo na niligtas mo noon? Teka, bakit ilang araw ko na siyang hindi nakikita? Nako, baka niloloko ka lang no'n, apo ha!"
Wala talaga akong maitatago sa kanila. Alam pala nila eh. Buti na lang at hindi sila nagalit. Pero alam ko na duda sila kasi hindi ko napakilala sa kanila si Tom.
Pero para saan? Bakit ko nga ba siya ipapakilala sa kanila?
Eh hindi ko naman siya boyfriend at hindi ko alam kung nanliligaw ba siya sa akin o hindi. Baka mapahiya lang ako o siya kina lola.
Dahil doon, ayaw kong ipakilala siya sa kanila dahil baka mapahiya siya sa lolo at lola ko. Baka kung ano ang itanong sa kanya lalo na at iniisip nila na may gusto sa akin si Tom. Pero ayaw ko rin na mag-isip sila ng masama tungkol sa kanya kung hindi ito magpakita sa kanila.
Mabait si Tom sa akin. Hindi ko kayang masira ang imahe niya sa ibang tao dahil lang sa hindi kami pareho ng nararamdaman.
"Lolo, hindi po. May trabaho po kasi siya sa Manila kaya hindi muna siya makadalaw," sabi ko na lang baka sakaling mapigilan ko ang kung ano man ang iniisip nila tungkol kay Tom.
Ewan ko pero malakas ang kutob ko na hindi ako niloloko ni Tom kahit na wala naman kaming label.
Maayos naman kasi itong nagpaalam sa akin na mawawala muna siya at hindi niya ako madalaw ng ilang araw.
"Umamin ka nga sa amin, boyfriend mo na ba ang lalaking iyon?" tanong ni Lola.
Umiling ako. "Hindi po."
"Eh ano? Manliligaw mo? Bakit hindi siya nagpakilala sa amin? Bakit lagi kayong lumalabas na walang pahintulot ko?"
"Flor, hayaan mo na iyang apo mo. Malaki na 'yan. Hayaan mong magdesisyon siya para sa sarili niya."
"Hindi, Berto. Kailangan nating makilala ang lalaking 'yon. Baka kung ano na pala ang pakay niya sa apo natin."
Napailing na lang ako dahil sa pagtatalo nila.
"Lola, lolo, mabait po si Tom. Sa katunayan ay gusto niya po kayong makita pero ako ang nagsabi sa kanya na huwag na muna."
"At bakit huwag?" taas-kilay na tanong ni lola. "Ayaw mo bang makausap namin siya?"
"Hindi naman po sa ganoon, La."
"Dapat lang na ipakilala mo siya sa amin, Sarah. Gusto ko siyang makausap. Humanda siya sa akin kapag nalaman ko na niloloko ka lang niya. Alam mo naman ang mga lalaking taga-Maynila. Tini-take-advantage ang mga probinsyana porket inosente sa maraming bagay."
"La, mabait po si Tom. Hindi siya masamang tao o may motibo. Ilang beses ko na po siyang nakasama at wala po akong nakita na mali sa kanya. Saka hindi naman po siya nanliligaw kaya wala po kayong dapat na ikabahala."
"Mas lalo akong nababahala dahil lumalabas kayong dalawa pero hindi naman pala siya nanliligaw. Kaya ikaw, hanggat wala pang sinasabi sa 'yo ang lalaking yo'n ay huwag kang magpapadala sa mga sinasabi niya o 'yong pahatid-hatid niya sa 'yo."
"Opo," sagot ko na lang.
Minsan nagiging protective masyado sina lolo at lola sa akin. Alam ko naman kung bakit. Saka nag-iisang apo lang nila ako kaya gano'n na lang sila pagdating sa akin. Ayaw din nila akong nasasaktan.
Nirerespeto ko sila ng sobra at ayaw ko na ma-disappoint sila sa akin.
~•~
Ilang araw na ang lumipas pero wala pa ring Tom na nagpapakita. Mahigit dalawang linggo na. Lagpas na sa dalawang linggo na pinaalam niya sa akin.
Kamusta na kaya siya?
Hindi man lang siya tumawag o nag-text. Nag-aalala tuloy ako.
Pero wala pala siyang number ko. Hindi niya kinuha ito bago siya umalis kaya paano niya ako matatawagan?
Minsan sinasabi ko sa sarili ko na baka may gusto siya sa akin pero minsan ayaw ko isipin na ganoon. Kasi kung totoong may gusto siya sa akin, dapat nagpaparamdam siya lagi kahit malayo siya, 'di ba?
Dapat kahit number ko man lang ay kinuha niya at tinatawagan niya ako kahit isang beses lang para kamustahin ako.
Baka nga tama sina lola, baka pinapaasa lang ako ng lalaking 'yon.
Baka na realized niya habang magkasama kami na hindi niya pala ako gusto. Na utang na loob lang pala ang nararamdaman niya para sa akin kaya wala na siyang balak pa na bumalik?
Hay. . . .
Kung anu-ano na ang naiisip ko dahil lang sa hindi siya nagparamdam.
Napabuntonghininga ako ng malalim saka napatingin sa labas ng bintana. Napatingin ako sa lugar kung saan ko siya unang nakita.
"Nasaan na kaya siya ngayon?" mahinang bulong ko sa sarili ko.
Miss Kae @KaeJune

BINABASA MO ANG
The Secret Identity
AksiWould you fall in love with someone even if you don't know his real identity? What if you find out about his true identity when it's already too late? Would you still stay or would you leave? All Rights Reserved. September to November 2016. Revised...