Chapter 14

21.5K 452 13
                                    


Pagkatapos naming ikasal ni Tom ay napagdesisyunan naming lumipat na ng bahay. Pero pumili kami ng medyo malapit lang kina lola.

Gusto kasi ni Tom na kapag bumuo kami ng sarili naming pamilya ay may sarili kaming bahay.

Simple lang ang naging kasal namin. Sa judge lang ito at naghanda lang kami ng konti sa bahay pagkatapos.

Hindi naman kalakihan ang bahay namin. Medyo malawak lang kahit isang floor lang ito. Gusto nga raw niya ng medyo malaki pero hindi ako pumayag 'no.

Kailangan naming magtipid.

Mabuti na lang at pumayag sina lola na lumipat kami ng bahay. Sang-ayon pa nga sila. Ang rason kasi nila ay para raw matuto kami sa buhay lalo na sa buhay pag-aasawa.

Naging masaya ang mga unang linggo ng pagiging mag-asawa namin ni Tom.

Sobrang maasikaso siya sa akin at ganoon din ako sa kanya.

Nagtuturo pa rin ako sa school at siya naman ay sa bahay niya ginagawa ang trabaho niya. May internet naman kasi.

Kaya niya raw kasing patakbuhin ang negosyo niya na nandito lang siya sa probinsya.

Minsan nga ay ako pa ang pumipilit sa kanya na bumisita sa Manila at kahit gusto niya ay samahan ko pa siya para matingnan niya kung maayos pa ba doon ang naiwang negosyo niya pero ayaw naman niya.

Parang ako pa nga ang nag-aalala kumpara sa kanya. Ang sabi kasi niya ay alam niya at sigurado siya na maayos lang ang lahat doon.

Hindi na ako nagpumilit pa baka magalit pa siya sa pangungulit ko.

"Are you sure ayaw mong mag-honeymoon tayo sa ibang bansa? Or anywhere here in the country?"

Nagulantang ako sa tanong niya.

Ayaw niyang pumunta kami ng Manila pero nag-aayang mag-honeymoon sa ibang bansa??

Saka barya lang ba para sa kanya ang pamamasyal sa ibang lugar at bumili ng pamasahe sa eroplano?

"Tom, ano ka ba. Magastos lang iyon. Wala naman akong pangarap na makarating sa ibang bansa. Masaya na ako rito. Saka nagtitipid tayo 'di ba?"

"Baka gusto mo lang naman. I feel bad that I didn't take you somewhere like what other newly married couples did."

"Sus. Iba naman sila at iba naman tayo. Saka hindi naman natin kailangang mag-honeymoon sa ibang lugar dahil kahit nandito lang tayo sa bahay ay ginagawa mo namang honeymoon araw-araw simula no'ng ikasal tayo, eh."

Medyo namula pa ako sa sinabi ko pero totoo naman kasi. Hindi po siya kasing kontrolado ng pag-aakala ko. Wild po siya pagdating sa akin at nako, ang dalagang pilipina na katulad ko ay walang nagawa kung hindi ang sumuko dahil sa walang kapaguran niya.

Namula rin si Tom sa sinabi ko. Pero umiling siya saka sinabing, "One of my desires is to travel the world with you. We will mark with memories each place we will be visiting. Kaya nga ako nagtatrabaho ng mabuti, so I can provide everything you need, we need."

"Iba ang gusto sa kailangan. Hindi natin kailangan ang mag-travel, Tom. Saka kahit may pera ka pa eh hindi ibig sabihin ay gagastusin na natin iyon sa mga bagay na hindi naman importante. Save that for you at sa mga magiging gastusin natin sa bubuoin nating pamilya."

Ngumiti siya at niyakap ako ng mahigpit.

"Oh, God. Thank you for giving me this woman. I love you more and more as each day passes. Ang swerte ko sa asawa ko. You are my biggest blessing."

Iyon ang sinabi niya saka ako hinalikan ng puno ng pagmamahal. Kaya ayun, nauwi na naman sa malalim na pananaig ang halik na iyon.

~•~

Dumating ang araw na biniyayaan na kami ng Diyos ng anak. Sobrang tuwa namin noong malaman namin na nagdadalang-tao ako.

"You are five weeks pregnant, Misis Jared."

Hindi ko maiwasang maiyak sa narinig at mas lalo akong naiyak noong sobrang tuwa ni Tom noong malaman na magkakaanak na kami. Mas excited pa siya kaysa sa akin.

Binalita niya agad sa buong barangay ang pagbubuntis ko. Pati nga sina lolo at lola ay tuwang-tuwa rin dahil magkakaapo na raw sila sa tuhod. Masaya sila para sa amin ni Tom.

Naging sobrang maalaga sa akin si Tom sa buong pagbubuntis ko.

Tagumpay niya na naibibigay ang mga pangangailangan ko lalo na ang cravings ko. Minsan nagtataka ako kung bakit ang bilis niyang bumili ng mga bagay kahit anong hilingin ko. Prepared ba siya ng sobra na kahit hindi ko pa nasabi sa kanya ay na-predict na niya?

May kotse naman siya kaya siguro madali lang sa kanya ang paghahanap.

Minsan nagpapaalam siya na bibisita sa Manila kapag may importanteng kailangan niyang daluhan. Pero hanggang tatlong araw lang ang pinakamatagal niyang alis. Ayaw niya raw kasi akong iwan ng matagal.

Gusto niya na kasama ako sa bawat araw lalo na dahil sa pagbubuntis ko.

Bumili na rin kami ng mga gamit ni baby noong napag-alaman namin na lalaki ang magiging panganay namin.

Tumigil ako sa pagtuturo noong lumaki na ang tiyan ko.

Naging okay ang lahat hanggang sa dumating ang araw na manganak ako.

Sobrang taranta ni Tom.

"Tom! Tara na sa hospital," sabi ko na puno ng pagdaing dahil sa sakit.

"Stay strong, wife. Dadalhin na kita sa hospital."

Pinasakay niya ako sa kotse niya saka ilang sandali ay nasa hospital na kami.

"Pwede bang asikasuhin niyo na ang asawa ko? She's in a lot of pain!" dinig kong galit na bulyaw niya sa mga staff pagdating namin sa hospital.

Gusto ko siyang pagsabihan pero hindi ko magawa kasi puro ungol ang lumalabas sa bibig ko dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman ko.

Alam kong naiinis na siya dahil sa madami ang pasyente ngayon at hindi pa kami nilalapitan ng kahit isang nurse.

Hinawakan ko na lang ang kamay niya para pakalmahin siya.

"Sorry, wife. Ayaw ko kasing nakikita ka na nahihirapan ng ganyan. Sana sa private hospital na lang kita dinala. They could admit you early, so you could be ready by the time you give birth."

Malayo ang private hospital sa lugar namin at sigurado ako na mas mahal doon.

Hindi na lang ako sumagot tutal nandito na rin lang kami.

"D*mn. What's the use of my power and money kung hindi ko man lang magamit especially on this kind of situation?! I feel so useless!" dinig kong sabi niya sa sarili.

Ilang sandali ay inasikaso na kami at pinaanak na ako ng doctor dahil nalaman nila na malapit na malapit na talaga ako.

Pagkatapos ng ilang ire, sa wakas ay lumabas na rin ang anak ko. Ang lakas ng iyak niya.

Napangiti ako. Sa wakas, okay lang kami ng baby ko.

"Tristan Jared," bigkas ni Tom.

Iyan ang napag-usapan naming magiging pangalan ng anak namin.

Hinaplos niya ang pisngi ko at naramdaman ko ang paghalik niya sa noo ko bago ako nawalan ng malay dahil sa sobrang pagod.

Miss Kae @KaeJune

The Secret IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon