Sobra akong kinakabahan habang papalapit na kami sa lugar kung saan sinabi sa akin na pumunta.Pero nagtaka ako no'ng hindi pa nga kami nakarating sa destinasyon namin pero biglang tinigil na ng taxi driver ang kotse.
"Kuya, bakit tayo tumigil? Hindi pa naman po tayo nakarating ah?" takang tanong ko.
Hindi siya sumagot. Tahimik lang siya.
"Kuya, may problema ba? Wala na ba kayong gas kaya tayo tumigil?"
Hindi pa rin siya sumagot sa tanong ko kaya napilitan akong magbayad na lang. Mukha kasing wala naman siyang balak na sumagot.
"Ito po ang bayad. Bababa na lang po ako rito. Salamat ho."
Inabot ko na lang ang bayad doon sa lalagyan niya ng pera saka ako humandang lumabas na ng kotse.
Bubuksan ko pa lang sana ang pinto ng kotse no'ng may mabilis na humawak ng kamay ko at pinigilan akong lumabas.
Gulat akong napatingin sa driver. May bahid din ng takot ang pagkagulat ko dahil sa paghawak niya sa akin.
No'ng nilingon ko si Kuya ay nanlaki bigla ang mga mata ko.
"T-Tom?"
P-paano? B-bakit siya nandito?
Pinakita niya sa akin ang nakakalokong ngisi niya. Iyan ang lagi niyang pinapakita na reaksyon sa akin kapag meron siyang nalaman o nabisto.
"Wife," madiing sabi niya.
Kinilabutan ako sa tono ng boses niya.
"P-Paano . . . b-bakit . . ."
Hindi ko matapos ang gusto kong sabihin dahil hindi ko alam kung paano ko bubuuin ang salitang nais kong itanong sa kanya dahil sa tindi ng kabang nararamdaman ko.
Hindi ko alam kung kinakabahan ako dahil nalaman ni Tom ang plano ko o dahil alam kong malalagot ako kapag nalaman ng kalaban na alam na ni Tom. Baka mapahamak sina lolo at lola kapag nalaman nila.
"Do you think you can hide things like this from me, my dear wife?"
Lumakas ang tibok ng puso ko.
"P-Paano mo nalaman?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"I'm a mafia boss, remember? I can sense if there's something off and if there's danger. And just so you know, you are not good at lying."
Napalunok ako dahil sa sinabi niya. Dahil sa hiya, napayuko ako.
Nahihiya ako sa asawa ko. Nahuli lang naman niya ako.
Hinawakan niya ang chin ko saka inangat ang mukha ko ng dahan-dahan, dahilan para mapatingin ako sa kanya.
"Wife, we promised each other not to keep secrets. I noticed your weird actions this morning, so I had to find out the reason behind it myself. I can't believe you managed to do things na hindi man lang pinag-iisipan ng mabuti. You should've consulted me first. You are putting yourself in danger."
"Gusto ko mang sabihin sa 'yo, pero hindi ko magawa dahil tinakot nila ako. May gagawin daw silang masama kapag may ibang nakakaalam."
"That's bullsh*t. That's an old school threat. They want to control you and your decisions. You should not let them threaten you like that. Remember, you have to be wiser than them. They are trained to do stuff like this that's why you should have cooperated with us."
"Ayoko kasing madamay kayo."
"We already are. They already know that we are husband and wife that's why they tricked you to do this by yourself. It is very important that we don't keep secrets from each other, so they cannot play games with us and make us look like fools. We are in this together, wife. Your battle is my battle too."
Tumulo ang luha ko dahil sa sinabi niya. Tama si Tom. Ang problema ko ay problema na rin niya. Mali ang ginawa ko na hindi ko sinabi sa kanya at nagplano akong iligtas ang lolo at lola ko ng mag-isa kahit alam kong imposible na kakayanin ko ng ako lang.
"So, ano na ang gagawin natin? Nasa loob ng building na 'yan sina lolo at lola."
"I know."
"Alam mo??" Tumango siya. Ang galing nga talaga ng asawa ko. Alam niya na agad. "So ano na ang gagawin natin?"
Kinuha niya ang kamay ko saka pinisil ito ng mahina.
"I have two options. It's either you will go there inside and I'll be following behind you secretly or let me deal with them myself, and you stay here and wait. Please choose the latter, wife."
"Pinapipili mo pa ako kung gusto mo rin pala na piliin ko ang huli." Umiling ako. "Pero ako ang kailangan nila, Tom. Kailangan na ako na ang papasok doon. Kung hindi, baka mapahamak sina lola."
Nag-aalalang tumingin siya sa akin.
"Are you sure?" Tumango ako. "I can't afford to risk you."
Hinawakan ko ang kamay niya at tiningnan siya sa mga mata. "Kung kaya mong gawin ang lahat para sa akin, ganoon din ako sa lola at lolo ko, Tom. Gagawin ko ang lahat para maligtas sila. Please, payagan mo na ako. Kailangan kong lakasan ang loob ko para sa mga mahal ko sa buhay."
Mabilis niya akong niyakap. Sobrang higpit ng yakap niya na para bang ito na ang huli niyang chance na mayakap ako.
Ilang minuto ay humiwalay na rin siya ng yakap. Tiningnan niya ako ng maigi. "Remember the skills you learned these past few days?" Tumango ako. "Now is the best time to apply all of it."
"S-Sige. Susubukan ko," sabi ko kahit na kinakabahan ako sa mangyayari. Pero kailangan kong tatagan ang loob ko para gumaan ang pakiramdam ni Tom at payagan niya ako.
"I love you, wife. Please be safe," sabi niya saka hinalikan ako sa noo ko.
Lumabas na ako ng taxi pagkatapos niyang magbigay ng instructions ng mga dapat kong gawin at kung kailan sila papasok sa lugar na hindi nabibisto.
Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa gusali. Palingon-lingon ako sa likod ko. Baka kasi may sumusunod pala sa akin.
No'ng malapit na ako sa pinto ay tumigil ako. Agad namang bumukas ang pinto.
"Kanina ka pa namin hinihintay."
Tumango lang ako. Palingon-lingon siya sa paligid. Malamang ay tinitingnan niya kung may kasama ba ako o wala.
Noong masigurado niyang wala akong kasama ay agad niya akong pinapasok sa loob ng gusali. Sinarado niya ng maigi ang pinto bago ako pinasunod sa kanya.
Nakakatakot naman dito sa loob.
Tanging isang ilaw lang ang naka-on sa isang sulok kaya hindi masyadong makita ng kabuuan ng lugar.
Lumiko kami sa isang pasilyo saka kami sinalubong ng madaming mga tauhan. Kinabahan ako lalo.
Nanlaki ang mata ko no'ng nakita ko ang lola at lolo ko na nakaupo at nakatali ang mga kamay sa likod ng upuan.
"Lolo! Lola!"
Mabilis akong tumakbo para lapitan sila pero napatigil ako no'ng may tumutok na baril sa akin.
"Wag ka naman masyadong mabilis. Bagalan naman natin baka mabilis ding matapos ito." Sabay tawa niya.
Napatingin ako sa lalaking nagsalita.
Kinilabutan ako sa tono ng pagsasalita niya at sa itsura niya. Matangkad siya at madaming tattoo sa braso. Ang laki rin ng katawan niya na para bang sanay makipaglaban.
"Sino ka? Bakit mo sila kinidnap? Wala naman kaming kasalanan sa 'yo."
"Wala?" Tumawa ulit siya. "Ay, wala ka nga palang kasalanan. Pero ang mga lalake sa buhay mo, meron." Sabay tawa niya pa ng ubod ng lakas.
Tumayo ang mga balahibo ko sa katawan at bigla akong nilamig sa tawa niya.
Tama nga si Tom. Maling-mali na pumunta ako ritong mag-isa. Hindi ko siya kaya. Ano pa kaya kung madami pa sila?
Miss Kae @KaeJune 💋
BINABASA MO ANG
The Secret Identity
ActionWould you fall in love with someone even if you don't know his real identity? What if you find out about his true identity when it's already too late? Would you still stay or would you leave? All Rights Reserved. September to November 2016. Revised...