Chapter 24

19.3K 387 14
                                        


"Bakit hindi ko pa nakikita si Tom?" tanong ko kay Manang Helen.

Nandito kami sa kusina at nagluluto silang mag-ina ng ulam namin. Gusto ko sanang tumulong pero ayaw nila magpatulong. Sila na raw ang bahala.

Nalibot ko na rin ang buong bahay kanina dahil wala akong magawa buong araw. Hapon na ngayon at wala pa rin si Tom.

Mga dalawang oras ko nga natapos mag-ikot dahil ang laki talaga ng bahay. May pool at malawak na garden sa likod tapos may mini golf din.

Madami ring kwarto rito sa bahay niya at meron ding gym at office sa baba at madami pang amenities na hindi ko na mabanggit sa sobrang dami. Parang pinagsamang mansion at hotel itong bahay ni Tom.

Hindi ko inakala na ganito kayaman ang asawa ko. Hindi ko ito inisip kahit sa panaginip ko man lang. Parang nawindang ako sa nalaman ko.

Hindi ako nangarap kahit kailan na makapag-asawa ng mayaman dahil masaya na ako sa simpleng buhay. Kung yayaman man ako, 'yon ay dahil sa pagsisikap ko. Hindi ako 'yong tipo na e-aasa sa iba ang pag-asenso sa buhay. Mas magandang isipin na ako mismo ang nagsikap para umasenso.

Pero ano ang magagawa ko eh nandito na 'to? Mayaman ang asawa ko na hindi ko alam. Gusto ko man siyang hangaan pero hindi ko magawa kasi baka galing sa ilegal ang lahat ng 'to. Sa nalaman kong pagkatao niya, hindi imposible na galing sa masama ang yaman na meron siya.

Hindi rin ako komportable masyado rito dahil para akong preso dahil napakaraming mga bantay sa bahay niya lalo na sa labas. Daig ko pa ata ang presidente ng bansa na nakatira sa Malacañang.

Hindi ko maiwasan na makadama ng takot habang naglilibot ako kanina dahil sa nakita kong may mga hawak silang baril. Baka anytime ay ipaputok nila 'yon sa akin sa isang maling galaw ko lang.

Kaya pagkatapos kong maglibot ay dito ako dumiretso kina manang dahil sa kanila lang ako komportable.

Mabait kasi silang mag-ina sa akin. Simula pa kaninang umaga ay todo asikaso sila sa akin, tinatanong ako kung ano raw ang gusto kong kainin at kung ano ang maitutulong nila sa akin.

Para akong buhay prinsesa rito sa bahay ni Tom. Nakakapanibago pa dahil ang dami niyang kasambahay. Hindi ako sanay na may inuutusan sa bahay dahil wala naman kaming gano'n sa probinsya. Ako pa nga ang madalas utusan nina Lola.

"Maraming inaasikaso 'yon, hija. Ganyan talaga siya simula pa noon, laging wala 'yan dito sa mansion. Malamang ay inaasikaso no'n ngayon ang nangyari sa anak ninyo."

Natahimik ako sa sinabi ni manang.

Nagbabalak ba siya kung paano mahuhuli ang gumawa no'n sa anak namin at pagbabayarin niya ito?

Kinabahan ako bigla sa maaaring gawin ni Tom. Naaalala ko pa naman ang sinabi niya no'ng gabing 'yon na pagbabayarin niya ang may gawa no'n sa anak namin.

Napatingin ulit ako kay manang. "G-Gaano niyo po siya kakilala? Hindi po ba kayo natatakot na isa siyang mafia?"

"Noong una ay nataklt ako." Natatawa pa si manang. "Pero no'ng nakilala ko na siya, nalaman ko na mabait naman pala siya, lalo na sa mga taong mahalaga sa kanya."

Mukhang seryoso naman si manang sa sinabi niya. Mukhang galing sa puso. Hindi ko alam kung ano na ang iisipin ko pagdating sa asawa ko.

Maniniwala ba ako sa mga naiisip ko o sa mga naririnig ko?

"Wife."

Nanigas ako sa kinauupuan ko no'ng narinig ko ulit ang boses niya.

Kanina ay hinahanap ko lang siya pero ngayon ay nandito na siya.

Sana pala hindi ko na lang siya hinanap dahil hindi ko alam kung paano ko siya haharapin at pakikisamahan.

Siguro hinahanap ko lang siya dahil sa lugar na ito, siya lang ang kilala ko at nakasama ko ng matagal. Kailangan ko nang isang pamilyar na tao sa lugar na para akong estranghero.

Napapiksi ako no'ng naramdaman kong hinalikan niya ako sa pisngi. Nakalapit na pala siya sa akin nang hindi ko napansin.

Narinig ko ang impit na tili mula sa mga nakakita ng ginawa ni Tom. Parang kinikilig sila lalo na si Pardis.

"Thanks for taking care of my wife while I'm away."

"Walang an—" Naputol ang sasabihin ni manang dahil nagsalita rin si Pardis.

"Welcome, boss! Masaya kaming pagsilbihan si madam. Masaya kami na sa wakas ay nakita na rin namin siya. Matagal ko kasing—"

"Magtigil ka, Pardis," saway ni manang sa kanya. "Ayan na naman ang bibig mo hindi nauubusan ng sasabihin."

Gusto kong matawa pero hindi ko magawa dahil alam kong nasa tabi ko lang ang lalaking kinamumuhian at kinagagalitan ko.

"Aakyat na po ako," paalam ko kina manang.

Hindi ko na hinintay ang sasabihin nila dahil umalis na ako sa kusina saka nagtungo sa kwarto, kung saan ako nagising kanina.

Alam kong nakasunod lang siya sa likod ko kaya hindi ko sinarado ang pinto pagkapasok ko sa kwarto.

"Wife. . . ."

Natigilan ako mula sa paghakbang at nakatayo lang ako habang nakatalikod sa kanya.

Nagsalita na ako no'ng hindi siya nagsalita ulit.

"Iuwi mo na ako sa probinsya."

Pinilit ko na patatagin ang boses ko habang sinasabi 'yon. Ayokong malaman niya na kinakabahan ako sa kanya.

"You can't go back there yet. It is not safe. But don't worry, nagawan ko na ng paraan para makaganti sa gumawa noon sa anak natin."

"Hindi mo kailangang gawin 'yan."

"But it is for our son."

Marahas akong humarap sa kanya.

"Hindi maibabalik ang anak natin sa paghihiganti! Naisip mo ba 'yon?"

Nalungkot siya at napayuko.

Para sa ano pa ang paghihiganti niya? Hindi na 'yon maibabalik ang buhay ni Tristan. Baka nga ay mas lalo pang gumulo ang sitwasyon kapag ginawa iyon ni Tom. Hindi pa naman biro ang kaaway niya. Delikado rin sila.

"I know, but our son deserves justice."

"Justice?" Lumapit ako sa kanya at mapaklang tumawa. "O baka guilty ka lang kaya ginagawa mo 'yan para pagaanin ang loob ko at para mabawasan ang guilt mo dahil alam mong kasalanan mo ang nangyari sa anak natin."

"Hindi ko ginusto ang nangyari. I never wanted that to happen. I hope you understand."

"Ginusto mo dahil pinili mo ang buhay na 'to! Alam mo na delikado ang buhay mo pero pinapasok mo pa ako. Kami! Tingnan mo ang nangyari kay Tristan. Tapos ayaw mo pa akong palayain. Hindi mo ba naisip na kapag nag-stay pa ako sa 'yo ay mauulit lang ang lahat? Sabihin nating naging okay na tayo tapos nagkaanak tayo ulit. Tapos ano, Tom? Mawawala rin siya? Hindi ko kaya ang ganito. Hindi ito ang buhay na gusto ko para sa atin, Tom."

Naiiyak na naman ako.

Tuwing naaalala ko ang nangyari sa baby ko ay parang pinupunit ang puso ko.

"Kaya please, Tom, pakawalan mo na ako. Hindi mo ako pwedeng ikulong sa magulo at nakakatakot mong mundo."

Iyan ang huling pakiusap ko sa kanya bago ako nagkulong sa banyo at doon humagulgol ng iyak.

Nilabas ko lahat ng mabibigat na emosyon na nararamdaman ko sa dibdib ko.

Miss Kae @KaeJune

The Secret IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon