Chapter 37

19.1K 359 2
                                        


"Madame, salamat po talaga."

Natawa na lang ako.

"Opo. Tama na po kasi ilang beses niyo na akong pinasasalamatan. Kahit isang beses lang nga ay okay na 'yon sa akin. Kasalanan ko rin naman kung bakit kayo nasesante kaya bumabawi lang po ako."

Natuwa ako dahil na kumbinse ko ang asawa ko na ibalik si kuya sa trabaho niya.

Noong una ay nahirapan akong pilitin siya pero sa huli ay napapayag ko rin. Nakulitan siguro sa akin.

Naalala ko pa nga ang sinabi niya.

"I know that you will insist this once you find out. But I didn't expect you to be this persistent. He should be thankful dahil mahal kita, and I can't say no to you kaya papayag na ako." Saka niya ako niyakap. "You have a big heart, wife, and I love you for that."

"Basta, galingan niyo po ah? Para hindi na kayo masisante ulit."

"Opo. Gagalingan ko na po talaga."

Nagpaalam na ako sa kanya pagkatapos naming mag-usap.

Nasa mansion lang ako dahil pumasok si Tom sa opisina niya kanina.

Nagluto pa ako ng dinner para pag-uwi niya ay may pagkain na.

Pero naghintay ako ng matagal at hindi pa rin siya dumadating. Alas diyes na pero wala pa rin siya sa bahay. Nasaan na kaya siya? Hindi ko pa naman kabisado ang number niya. Wala pa rin kasi akong cellphone.

Kung uuwi siya ng ganito ka-late ay nagsasabi siya sa akin pero hindi eh. Hindi kaya may problema siya?

Paano kapag nakipag-away na naman?

Huwag naman sana. Ayaw ko na may mangyaring masama sa kanya.

"Pardis, nag-aalala na ako kay Tom. Hindi ba natin siya pwedeng tawagan?"

Kasama ko kasi silang naghihintay kay Tom dito sa dining room.

"Hindi ko po alam ang numero ni boss pero pwede po nating tawagan si Allen baka kasi magkasama po sila."

Nabuhayan ako ng loob. Oo nga pala. Bakit hindi ko naisip agad 'yon?

"Sige, tawagan mo dali."

Kinuha naman nito agad ang wireless phone saka tinawagan si Allen. Nag-ring na ito kaya binigay niya sa akin ang phone.

Naghihintay ako pero walang may sumasagot. Kaya dinial namin ulit ang numero pero wala pa ring may sumasagot sa kabilang linya kaya kinabahan na talaga ako. Natatakot ako para sa asawa ko.

Paano kung napahamak sila?

Nako, wag naman sana. Ayokong may mangyaring masama sa kanya. Hindi ko kakayanin kapag mawalan ako ng parehong anak at asawa.

"Hindi siya sumasagot." Napatingin ako kay Pardis. "Wala ba talaga sa inyo ang may alam ng number ni Tom?"

Umiling siya. "Ayaw po kasi ni boss na tumawag kami sa kanya. Pinapadaan po namin lagi kay Allen kung may gusto po kaming sabihin kay boss kapag wala po siya rito sa bahay."

Napabuntong-hininga ako ng malalim. Hindi dapat ako magalit sa kanila. Ako ang asawa at ako dapat ang may alam ng number niya. Bakit kasi hindi ako magaling mag-memorize ng numero?

Inasa ko kasi lahat sa cellphone ko pero ngayon wala na akong cellphone. Kaya paano na? Paano ko siya mako-contact?

Nakaramdam na ako ng pagod kaya umakyat ako sa taas saka nagbihis pantulog. Pero ilang oras na ay hindi pa rin ako makatulog kahit pagod na ako. Kaya bumaba na lang ako mula sa kwarto noong ala una na ng umaga.

Nandito lang ako sa sala at naghihintay sa kanya. Nauna ng matulog sina manang pagkatapos nilang ligpitin ang mga pinagkainan namin kanina. Gutom na kasi kami kaya kumain na lang kami ng dinner kahit wala pa si Tom.

Pero habang kumakain kanina ay parang hindi ko malunok ang kinakain ko dahil sa iniisip ko kung ano na ang ginagawa niya ngayon at kung nasaan na ba siya.

Nakatingin ako sa bintana ng matagal. Pumatak ang alas dos pero wala pa rin si Tom. Ano na ba ang nangyari sa kanila?

Sino ba ang pwede kong matanungan?

Naisip ko bigla na may mga bantay dito sa mansion at naalala ko na gising sila kahit sa gabi. 24/7 kasi ang security dito kaya alam ko na may matatanungan pa ako.

Lumabas ako ng front door at nilapitan ang isang lalaki.

"Manong, excuse me po." Medyo nagulat pa siya no'ng kausapin ko siya. "Magtatanong lang po sana ako kung may alam po ba kayo kung nasaan ang asawa ko?"

Umiling siya.

"Sorry, madame. Wala po akong alam. Security lang po ako rito."

Nag-aalala akong napabuntong-hininga.

"May alam ka po ba kung saan ako pwedeng magtanong? Nag-aalala na kasi ako ngayon ng sobra-sobra dahil hindi pa rin nakauwi ang asawa ko."

Simula kasi no'ng nalaman ko na isa siyang mafia ay alam ko na sa bawat paglabas niya ng bahay na ito ay nasa panganib ang buhay niya.

Alam ko naman ang buhay na meron sila kakahit papaano at hindi naman ako inosente masyado tungkol sa mga bagay na 'yan

Pero sana walang masamang nangyari sa kanya dahil babawi pa ako sa kanya.

Hindi ko ata kakayanin kapag may mangyaring masama sa kanya. Kailan lang kami nagkaayos ng asawa ko. Ayokong masayang iyon.

"Sa ngayon, wala po. Ang mga laging kasama lang po kasi ni boss at 'yong may mga matataas na ranko ang may alam kung saan siya pero pati po sila ay umalis din lahat kanina. Baka po may lakad po sila ngayon kaya wala po ang mga leaders ng mafia rito ngayon."

Tumango na lang ako at malungkot na bumalik sa loob ng bahay.

Paano kung tama ang hinala ko na may nangyayaring hindi maganda at may kaaway na naman sila?

Hindi naman silang lahat aalis kapag walang may nangyayaring masama, 'di ba?

Grabe ang kaba ko kapag iisipin na nasa panganib sila.

Wala akong nagawa kung hindi ang magdasal na lang. Ito lang ang kaya kong gawin sa ngayon.

Ito kasi ang unang beses na naghintay ako ng ganito katagal at ganito ka-late. Tapos hindi man lang siya nagpapaalam sa akin.

Kaya hindi ko maiwasan na mag-alala.

Sa sobrang pagod ng katawan at isipan ko, hindi ko alam na nakatulog na pala ako sa sofa. Ilang oras ba naman akong naghintay sa kanya.

Miss Kae @KaeJune 💋

The Secret IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon