Minulat ko ang mga mata ko.Siya agad ang unang pumasok sa isipan ko kaya agad akong lumabas ng kwarto.
Dumiretso ako sa sala pero nabigo ako no'ng nakita ko na wala nang may nakahiga doon sa sopa.
Nilibot ko ng tingin ang buong bahay.
Wala akong may nakita na gwapong lalake. Ang tanging nakita ko lang ay sina lolo at lola na busy sa paghahanda ng meryenda.
"O apo. Andiyan ka na pala. Halika kumain ka na nang makapasok ka na sa eskwelahan."
Lumapit ako sa kanila.
"Lola, nasan na po ang lalake na nakahiga riyan sa sopa?"
"Sinong lalake, apo?"
Tiningnan ko muna ang hinigaan niya. Wala na ang kumot at unan doon sa sopa. Baka niligpit na nila lola ang mga 'yon.
"'Yong lalake na gwapo na may abs po, lola. 'Yong may sugat at nakatulog diyan sa sopa kagabi."
Napakunot ang noo ni lola.
"Wala naman kaming may nakitang lalake riyan no'ng dumating kami, apo."
Wala? Eh, asan na siya?
May sugat lang 'yon kagabi bakit umalis na siya agad??
"Baka nananaginip ka lang, apo. Hindi ka pa kasi nagkaka-boyfriend kaya ganyan."
"Lolo naman, eh. Totoo po ang sinabi ko. Nandito po 'yon kagabi. Ginamot ko pa nga po siya at dito pa natulog sa sopa. Nilagyan ko pa nga ng kumot saka hinalikan niya rin ako."
Nagulat sina lolo at lola.
"Hinalikan?!"
"Apo! Nagpahalik ka sa lalaki?"
Napatakip ako ng bibig. Hala. Lagot na. Nadulas na ata ako.
"Apo, magsabi ka ng totoo. May pinapasok kang lalaki rito sa bahay kagabi at mag-isa ka lang??"
Sasabihin ko ba?! Hala baka palayasin ako ni lola. Pero sabi niya hindi dapat ako nagsisinungaling sa kanila.
Napilitan akong tumango.
"Aba! Ang bata-bata mo pa, kumekerengkeng ka na! Diba sabi ko sa 'yo ay huwag kang bumigay agad?!"
"Lola, 23 na po ako. Hindi na ako bata."
"Kahit na. Asal bata ka pa rin."
Ouch ha.
Napanguso na lang ako.
"Hayaan mo na Flor. Baka nananaginip lang yang apo natin. Impossible naman na may gwapo na nandito kagabi eh wala namang gwapo na may abs dito sa baryo natin. Kaya nag iimbento lang yan."
Napanganga ako sa sinabi ni lolo.
Nakita ko na nagtawanan silang dalawa at nagpatuloy sa ginagawa.
"Lolo! Totoo kaya ang sinasabi ko."
Kita mo. Kita mo! Nagtatanong sila kanina pero ayaw naman pala maniwala.
"Hay, apo. Huwag kang mag-alala. Nandiyan pa naman ang anak ni Bernard. Gusto ka naman no'n kaya sa kanya ka nalang mag-ilusyon. Mas totoo pa."
Hmp! Ayoko. Sobrang panget no'n. Hindi kami bagay. Over my dead body.
Kaya nga single pa ako hanggang ngayon, ang pangit kasi ng mga kapit bahay ko.
BINABASA MO ANG
The Secret Identity
ActionWould you fall in love with someone even if you don't know his real identity? What if you find out about his true identity when it's already too late? Would you still stay or would you leave? All Rights Reserved. September to November 2016. Revised...