Chapter 41

18.4K 393 17
                                        


"Opo, nagkita na tayo noon sa probinsya."

Tiningnan ko siya ng maigi.

Ibang-iba ang itsura niya kaysa noon no'ng una ko siyang nakita.

Parang ang simple lang niya noon. Pero ngayon, para siyang astigin pero sosyal na klase ng babae.

"Bakit ka nandito?"

Huwag niyang sabihin na kinupkop siya ni Tom o kaya—

"Isa po ako sa mga tauhan ni boss, madame," nakangiting sabi niya sa akin na puno ng paggalang.

Nanlaki ang mga mata ko.

"Mafia ka rin??"

Natawa pa siya dahil sa pagkagulat ko.

"Opo. Hindi po ba halata?"

Napailing ako na mas kinatawa niya.

"A-Anong pangalan mo?"

Lumapit siya sa akin at medyo yumukod bago sinabi ang pangalan niya.

"Ako po si Red."

Bagay sa kanya ang pangalan niya. Mukha kasi siyang matapang.

Sabagay isa siyang mafia. Kailangan niyang maging matapang. Bawal sa kanila ang mahina.

Kaya lang nagtataka ako no'ng maalala ang sinabi niya. Bakit kaya 'yon ang mga sinabi niya sa akin noong nagkabanggaan kami?

Kung tauhan siya ni Tom, bakit niya ito siniraan sa akin?

"Bakit mo nasabi 'yong mga salita na iyon sa akin noon kung kakampi ka nila?"

Natawa na naman ulit siya dahil sa tanong ko.

"Tanungin niyo na lang po si boss. Alam po niya ang lahat ng sagot sa mga tanong ninyo."

Napakunot ang noo ko. Bakit hindi na lang niya sabihin sa akin? Bakit si Tom pa ang kailangan na mag-explain?

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay nagpaalam siya sa akin. "Aalis na po ako. Tapos na po akong magsanay."

Tumango lang ako kahit na hindi na niya ito nakita dahil naglakad na siya paalis.

Kailangang masagot ang mga tanong sa isipan ko tungkol sa mga sinabi niya. Kaya hinintay ko talaga na makauwi si Tom sa bahay para matanong ko siya.

Sobrang gabi na noong umuwi siya sa bahay. Sinalubong ko siya ng halik saka kinamusta ang lakad niya.

"Everything is being taken care of right now. Why aren't you asleep yet? Where's Tristan?"

"Nasa kwarto niya na, tulog na," sagot ko.

"You made him sleep in his own room? That's a surprise."

Napalunok ako bago nagsalita. "May gusto kasi akong itanong sa 'yo."

Napatigil naman siya sa pagtanggal ng coat niya at tumingin sa akin.

"What is it?"

Umupo siya sa kama namin saka tumingin sa akin. Halata na hinihintay niya akong magsalita dahil sa akin lang nakatuon ang pansin niya.

"Kilala mo ba si Red?" walang paligoy-ligoy na tanong ko.

"Red?"

"Iyong babaeng nakita ko kanina na nag-e-ensayo sa gym. Tauhan mo raw siya."

Bigla naman nitong na gets kung sino ang tinutukoy ko kaya tumango siya bilang sagot.

"Oh, Red. Yeah, she's one of the mafia members."

"Kung gano'n na tauhan mo siya, bakit ka niya siniraan sa akin noon? Hindi mo ba alam na noong nasa probinsya pa tayo ay binalaan niya ako na iwan ka. Siya ang nagsabi sa akin noon na mafia ka raw. Baka kinakalaban ka niya, Tom?"

Bahagya naman siyang natawa sa sinabi ko. Bakit ang hilig nila akong pagtawanan kahit seryoso ang sinabi ko?

"Nah, she's loyal to me and the mafia."

Kumunot ang noo ko sa sagot niya. Ang confident naman niya.

"Paano mo naman nasabi 'yan eh siniraan ka nga niya sa akin noon??"

"It's simple, I asked her to do it."

Napatanga ako sa narinig ko.

"A-Ano?"

Nagulat ako sa sagot niya.

"Wife, I asked her to do that. I wanted to find out if you would leave me after she told you about my true identity. I wanted to know your reaction and if it would make you scared."

Hindi makapaniwala ko siyang tiningnan. Bakit kailangan niya pang gawin iyon?

"Ano pa ba ang hindi ko alam, Tom?"

Ang dami niya kasing pasabog simula noong dumating kami rito.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako paupo sa kanyang kandungan.

"I already told you. We are surrounded by my men when we were in your province. I had you followed by my men wherever you went to keep you safe, not because I don't trust you."

Nanlaki ang mga mata ko na hinarap siya. Sinusundan ako ng mga tauhan niya kahit saan ako magpunta? Ibig sabihin—

"A-alam mo na nandoon ako sa restaurant no'ng nagkita kayo ni Allen?"

Ngumiti siya.

"Yeah. At first hindi ko alam, but they told me you followed me. So the last time you followed us, it was planned."

"H-Ha?"

"I knew that someone was up to kill you and our baby. And I knew that you would follow me after you heard that phone conversation. That's why I asked Dolce to volunteer to keep the baby safe after you left the house."

Napatanga ako. Planado niya iyon?

Hindi ko alam na ganoon pala katalino at kagaling ang asawa ko. Hindi nga siya ordinaryong mafia lang. Sobrang galing niya at pati ang mga kalaban niya ay hindi siya maisahan.

"Thank you, Tom!"

Hindi ko mapigilan na yakapin siya.

Sobrang nagpapasalamat ako sa pagligtas niya sa buhay namin ng anak ko. Kung hindi dahil sa kanya, malamang ay wala na kami ng anak ko rito.

"Anything for you, wife," sagot niya saka niya ako hinalikan sa ulo.

Miss Kae @KaeJune 💋

The Secret IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon