"Magandang umaga po," bati sa akin ng babaeng pinagbuksan ko ng pinto.May dala siyang prutas na nasa basket. Kapitbahay nga pala siya namin kaya familiar sa akin ang itsura niya.
Karga-karga ko si Baby Tristan no'ng kumatok siya sa pinto kaya karga ko siya habang kausap ang babae.
"Magandang umaga rin po. Napadalaw po kayo?"
Nagulat pa ako dahil ngayon lang siya bumisita rito sa bahay. Dati sa labas ko lang siya nakikita.
"Dumaan lang ako para ibigay ito sa inyo. Prutas para po makatulong sa pagpapagatas para sa baby ninyo."
"Wow! Talaga? Nako. Maraming salamat. Nag-abala pa po kayo. Huwag kayong mag-alala dahil uubusin namin lahat ng 'yan," natutuwa kong sabi.
Ang bait naman niya para bigyan kami ng mga prutas. Napaka-thoughtful din niya para maisip ang para sa anak ko.
Hindi na ako nagtaka paano niya nalaman na nanganak na ako dahil balita na sa buong baryo namin iyon.
"Wife, who's that?"
Nilingon ko si Tom na kakalabas lang ng kwarto namin.
Sasagot pa sana ako pero nauna nang nagpakilala ang babae sa kanya.
"Hi po. Ako po si Dolce. Diyan lang po ako nakatira sa tabi ng bahay ninyo. Nagdala lang po ako ng mga prutas para sa asawa ninyo," magalang na sabi niya kay Tom. Yumuko pa siya para batiin ito.
"Nice to meet you," sagot ni Tom.
"Tingnan mo, Tom, oh. Ang dami. Ubusin natin ang mga ito, ha?"
Tumango naman siya bilang sagot.
Ngumiti si Tom at nagpasalamat sa kanya. "Thank you for your kindness."
"Walang anuman po."
Mababait talaga ang mga kapitbahay naman dito sa lugar na nilipatan namin ni Tom. Lagi silang mapagbigay ng kung anu-anong maisip nila at halos lahat ay mga masayahin. Parang pamilya na kaming lahat sa maliit na baryo namin.
"Pakidala nga nito sa kusina, Tom," utos ko kay Tom na agad naman niyang kinuha mula sa akin ang basket. "Ay, nalaglag ang towel ni baby," sabi ko.
Agad namang kinuha iyon ni Tom at nilagay pabalik sa balikat ko. Inayos niya rin ang buhok ko na nakatabing sa mukha ko. Ang thoughtful talaga ni Tom.
"Ang sweet naman pala ng asawa niyo. Sigurado sobrang bait din niya."
Napangiti ako.
"Mabait talaga itong asawa ko. 'Di ba, Tom?" tanong ko sa kanya.
Ngumiti lang siya at nagpaalam na dadalhin niya na raw sa kusina ang mga prutas.
"Ay, oo nga pala. Ako nga pala si Sarah. Ito naman ang anak namin ni Tom na si Tristan," pakilala ko.
"Ang cute niya. Lalaking gwapo 'yan sigurado," sabi ni Dolce.
"Salamat," proud na sagot ko. "Ay Dolce, gusto mo ba ng maiinom? Pumasok ka muna," pagyaya ko sa kanya.
"Huwag na, Sarah. Salamat na lang. May pupuntahan pa kasi ako. Dinaan ko lang talaga 'yong mga prutas. Pero aalis na ako."
"Ganun ba. Sige, salamat po ulit. Mag-ingat kayo."
"Kayo rin. Mag-ingat kayo ng sobra," sabi niya bago umalis.
Napakunot ang noo ko sa narinig,
Mag-ingat ng sobra? Sa kanya ko lang narinig ang gano'ng pagkakasabi. Parang may laman na ewan.
BINABASA MO ANG
The Secret Identity
БоевикWould you fall in love with someone even if you don't know his real identity? What if you find out about his true identity when it's already too late? Would you still stay or would you leave? All Rights Reserved. September to November 2016. Revised...