Chapter 13

22.1K 450 5
                                        


Sobrang in-love kami sa isa't-isa na para bang ayaw na namin mahiwalay sa isa't-isa.

Hinahatid niya ako sa umaga sa school at gusto niya na sinusundo rin ako sa hapon saka kami lumalabas at kung saan-saan pumupunta.

Masaya lang kami lagi at parang walang problema na iniisip kapag magkasama kami.

Si Tom ang may gusto na makita ako lagi. Gusto niyang kasama ako araw-araw at ayaw niya raw na mawala ako sa paningin niya hanggat maaari.

Binibiro ko nga siya at sinasabi na, "Hala ka. Ang lalim na ng pagkahulog mo sa akin. Hindi ka na makakaahon niyan."

Pero ang sagot niya ang nakapagpatigil sa akin. "Wala naman akong balak na umahon."

It seemed like we were so deeply, madly and crazily in love with each other.

O! English 'yan, ah!

Minsan nga napag-usapan namin kung ano ang gusto naming maging buhay kapag nagsama na kami.

Napagdesisyunan naming simple lang at iyong hindi magastos na pamumuhay. Iyong tahimik at malayo sa gulo.

Madami kaming napag-usapan ni Tom tungkol sa magiging future namin.

Pero ang hindi ko inaasahan na pagkatapos ng ilang araw mula no'ng pag-uusap naming iyon ay nag-propose siya sa akin.

Gulat na gulat ako.

Hindi ko akalain na sa anim na buwan pa lang naming mag-boyfriend-girlfriend ay mag-pro-propose na siya sa akin.

Nag-yes naman ako agad.

Mahal ko naman siya at wala akong pagdadalawang isip na naramdaman no'ng nagtanong siya.

Sigurado na talaga ako sa kanya at siya na ang gusto kong mahalin at makasama buong buhay ko.

Paghatid niya sa akin sa bahay ay masaya naming pinaalam kina lolo at lola ang nangyari. Pero medyo naging mahirap ang pagkumbinsi namin kina lolo at lola.

"Hindi ba masyadong mabilis? Kailan lang kayo nagkakakilala tapos ikakasal na kayong dalawa?" sabi ni lola na hindi makapaniwala.

"Anong alam niyo sa pagpapakasal? Hindi biro ang papasukin niyo. Sigurado na ba kayo riyan sa desisyon niyo? Pinag-isipan niyo ba iyan ng mabuti?" dagdag naman ni lolo.

Magkahawak-kamay kaming dalawa ni Tom na nakaupo sa sofa habang nakikinig sa sermon at pangaral nila.

"Lolo, lola, mahal na mahal ko po ang apo ninyo. She is the woman I love so deeply that's why gusto ko na siyang makasama. Ayaw ko na siyang pakawalan pa."

Napangiti ako habang tumatagal ay gumagaling na ang pagta-Tagalog niya.

"Pero, hijo apo, may pagmamahal na pansamantala at may pagmamahal na pang matagalan. Alin sa tingin niyo ang sa inyo? Kabago-bago niyo pa lang at hindi niyo pa alam kung gaano ba kalalim ang pagmamahalan niyo sa isa't-isa. Hindi sapat ang kalahating taon para malaman niyo iyon."

Naisip ko rin 'yang sinabi ni lolo. Natatakot rin ako na baka nabibigla lang kami ni Tom sa desisyon namin at darating ang araw na mawawala ang kung ano man ang nararamdaman namin sa isa't-isa ngayon.

Pero gusto kong mag-risk.

Ngayon lang ako nagmahal ng ganito at gusto kong isagad na. Ayaw kong pakawalan pa ang pagkakataon na ito dahil baka magsisi ako sa huli.

"Tama ang lolo niyo, mga apo. Hindi niyo pa lubos na kilala ang isa't-isa. Baka may mga bagay na ayaw niyo pala sa isa't-isa at magsisi kayo kapag kasal na kayo. Dapat matibay ang pagkakilala niyo sa bawat isa. Isa iyon sa pundasyon sa pang matagalang pagsasama."

Napapailing si lolo. "Kung nabubuhay pa ang mga magulang mo, siguradong ito rin ang sasabihin nila."

"Lolo, sigurado na po kami ni Tom. Saka hindi naman talaga biglaan itong desisyon namin dahil minsan na rin namin napag-usapan ito. Lolo, lola, hindi po ba sapat na mahal na mahal namin ang isa't-isa? Kung may darating man na pagsubok sa pagsasama namin ay hayaan niyo kaming matuto sa naging desisyon namin. Sabay kaming magma-mature ni Tom sa mga dadanasin namin bilang mag-asawa. Gusto po naming makuha ang blessings ninyo para magawa iyon." Hindi ko na napigilan na magsalita.

Nagkatinginan sina lolo at lola na para bang nagkakaintindihan na silang dalawa. Sabay silang nagbuntong-hininga ng malalim saka humarap sa amin at tiningnan pa nila ang magkahawak naming mga kamay ni Tom.

"Mahal mo ba talaga ang apo namin?" tanong ni lola kay Tom.

Tumango si Tom. "I love her so much." Halatang sincere siyang sumagot.

Bumaling sa akin si lola. "Talaga bang mahal mo talaga siya at hindi lang dahil sa gwapo siya at may abs?"

Namula ang pisngi ko sa sinabi ni lola. Naalala niya pa 'yon?? Grabe talaga ang memorya nila.

Tumango ako. "Opo. Mahal ko po si Tom. Sigurado na po ako doon."

Napatingin sina lolo at lola sa isa't-isa. May pag-aalala sa mga mata nila pero alam kong nag-aalala lang sila sa akin lalo na at ako lang ang apo nila. Mahirap sa kanila ang mahiwalay ako sa kanila.

Kahit ako rin naman. Mahirap sa akin ang mahiwalay sa kanila dahil sila na ang nakasama ko halos buong buhay ko. Pero sa puntong ito ng buhay ko, kailangan ko nang magsarili at harapin na may kinabukasan akong kasama si Tom.

"Kung ganoon na hindi na namin kayo mapipigilan, kailan ninyo balak magpakasal?" tanong ni lola at nakita kong inakbayan naman siya ni lolo sa balikat dahil mukhang mahirap sa kanya ang binitawan niyang salita.

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat.

"P-Pumapayag na po kayo??"

Nagkibit-balikat sila saka nginitian nila kaming dalawa ni Tom.

"Ano pa nga ba ang magagawa namin eh parang desidido na kayong dalawa."

Napangiti ako sa tuwa at biglang tumayo saka niyakap sila at hinalikan sa pisngi.

Naiiyak ako sa tuwa.

Hindi ako makapaniwala na mapapayag ko agad sila ngayon. Sobrang saya ko.

Nakiyakap na rin si Tom sa amin.

"Thank you so much," sabi pa niya sa kanila.

"Welcome sa pamilya namin, hijo," sabi ni lolo sa kanya.

"Pangako mo na aalagaan at mamahalin mo ng buong puso ang apo namin. Na hindi mo siya ibabalik sa amin kapag may hindi ka nagustuhan," paninigurado ni lola.

"I promise," sagot ni Tom.

Pagkatapos noon ay naisipan nina lola na magluto ng madaming pagkain. Inimbitahan at pinakain pa nila ang aming mga kapit-bahay saka pinamalita sa kanila na ikakasal na kami ni Tom.

Hindi naman sila excited 'no?

Parang kanina lang ay ayaw pa nilang pumayag na ikasal kami pero mukhang sila pa ngayon ang excited na nagkwento sa mga chismosong kapit-bahay namin ang tungkol sa engagement namin ni Tom. Nakakatuwa lang.

Miss Kae @KaeJune

The Secret IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon