Pumapasok na ako sa front door ng restaurant na kung saan si Tom.Diretso lang ang tingin ko sa table kung nasaan siya at nakita kong may kausap siyang lalaki. Iyong Allen pa rin ang kasama niya.
"Table for how many, ma'am?" salubong sa akin ng hostess.
Agad kong tinakpan ng scarf ang mukha ko at tumalikod no'ng napatingin sa gawi ko ang asawa ko. Buti na lang at maagap kong natakpan kung hindi lagot ako.
Kainis kasi itong hostess eh. Muntik na tuloy akong mabuko.
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Bigyan mo ko ng table na malapit sa mesang 'yon. Saka huwag kang lalapit sa akin kapag hindi kita tinatawag," mahinang sabi ko na sapat lang para marinig niya.
Inunahan ko na baka kasi mahalata ang boses ko kapag kinuha niya ang order ko.
Para naman itong natakot kaya agad naman siyang tumalima at giniya ako sa table na malapit sa kung saan sila. Saktong nasa likod ako ng asawa ko.
Magkatalikod kami ng upo sa isa't-isa. Mabuti nang ganito para hindi niya ako makita.
Nagsimula na akong makinig sa usapan nilang dalawa.
"Wala po sila rito, boss. Sabi ng spy natin, kumikilos na sila pero--"
"Water with ice po, maam."
Sinamaan ko ng tingin ang waiter saka pinandilatan siya ng mga mata na para bang sinasabi ko na umalis na siya.
Mabuti na lang at naintindihan niya ang ibig kong sabihin kaya umalis naman siya agad.
". . . wala pa. Pero nakakalat na sa buong lugar ang mga tauhan natin."
"Do everything you can. If you need to kill them, do it. Just don't let them touch my family. Always keep them safe."
Keep them safe? Kami ba ang tinutukoy niya? Malamang kami nga ni Tristan.
Pero ano raw? Kill them?
Bakit naman niya nasabi 'yon? Police ba siya na hindi ko alam? Sundalo? Leader ng abu sayyaf?
Naguguluhan ako.
"Iyon po ang ginagawa namin, boss. Pero sana pag-isipan niyo pa rin po ang opinion ko, na iuwi na ang pamilya niyo sa totoo niyong tahanan at bumalik na kayo sa Manila. Mas safe po kayo doon. Kulang ang connection natin sa lugar na ito."
Anong ibig sabihin no'ng Allen na 'yon? Na delekado ang lugar namin dito?
Aba! Gusto niyang suntukin ko siya eh! Akala niya mas safe ang Manila eh mas magulo pa nga doon eh.
"I'm thinking about it, but I can't decide yet. You know my wife. She doesn't want to move away from her grandparents."
"Bakit hindi na lang po ninyo sabihin sa kanya ang totoo? Sorry boss pero kasi malalaman din naman niya. Kaya mas mabuti nang sabihin niyo na at nang sa inyo niya mismo ito malaman."
Ang ano ang kailangan kong malaman?
Marami na atang sekreto sa akin ang asawa kong 'to. Gusto kong malaman kung ano ang mga sekreto niya.
Ininom ko ang tubig na binigay sa akin kanina dahil nauhaw ako bigla dahil sa mga narinig.
"I know. But when it comes to her, I lost my sense. I don't have the guts to tell her straight that her husband is a mafia boss. I'm sure she will freak out--"
Natigilan ako.
Nabitawan ko ang basong hawak ko kaya naglikha ito ng ingay pagkabagsak nito sa sahig. Nabasa rin 'yong damit ko dahil sa pagtapon ng tubig.
Buti na lang at hindi babasagin ang baso kaya buo pa ito. Dinampot ko ito sa sahig saka agad ko itong binalik sa table.
Napansin kong hindi na sila nag-uusap. Kinabahan ako bigla. Nakuha ko ba ang atensyon nila? Sa akin kaya sila nakatingin? Huwag naman sana. Baka mahuli ako. Lagot na.
Minadali kong magpunas ng tissue sa nabasa kong damit saka nag-iwan ng pera sa table bago ako mabilis na lumabas ng restaurant.
Napahawak ako sa dibdib ko.
Nanlumo ako sa narinig ko.
Mafia?
Mafia ang asawa ko??
Hindi. Baka nagbibiro lang siya.
Pero bakit naman siya magbibiro eh mukhang seryosong bagay ang pag-uusap nilang dalawa?
Tama ang rinig ko. Sinabi niya mismo na isa siyang mafia. Dinig na dinig ko 'yon.
Biglang nag-flashback sa akin ang pinag-usapan namin noong nakaraang linggo.
"Wife. . ."
"Hmm?" sagot ko sabay haplos ng buhok ni baby na hawak niya.
"How much do you love me?"
Napakunot ang noo ko dahil sa tanong niya.
Natatawa ko siyang sinagot, "Anong klaseng tanong 'yan?"
Pinaupo niya si baby sa lap niya saka humarap siya sa akin. Bakit biglang sumeryoso ang mukha niya?
"I wanna know. . . ."
"Bakit hindi pa ba sapat ang pinaparamdam kong pagmamahal sa 'yo?" biro ko pero seryoso pa rin siya.
"What if . . . What if I'm the bad guy? Just like what you see in the movies. What if masama akong tao? Pumapatay ng kaaway? Will you still love me?"
S-So totoo nga? Na isa siyang mafia?
Sinubukan niyang sabihin sa akin ang katauhan niya no'ng gabing 'yon people hindi ako naniwala. Parang imposible naman kasi kaya akala ko nagbibiro lang si Tom.
Hindi ako makapaniwala. May asawa akong mafia.
Hindi ko man lang inalam ang totoong pagkatao niya bago kami kinasal, bago ko siya sinagot.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa nalaman ko o magagalit ba ako.
Pero isa lang ang alam ko.
Natatakot ako.
Takot na takot ako.
Paano kung pumapatay nga siya ng tao? Paano kung masama siyang tao?
Madadamay kami ng anak ko.
Bakit kasi nagpadalos-dalos ako at hindi muna inalam ang bagay na 'yon tungkol sa kanya?
Bakit sobra akong nagtiwala sa kanya?
Hindi ko na alam ang iisipin. Sobrang naguguluhan ako sa pagkatao ni Tom.
Kaya pala 'yon ang topic ng mga pag-uusap nila. Kasi meron talaga silang kaaway dahil isa silang mafia. May mga tao silang hinuhuli at pinapatay— wait—pinapatay??
Bigla akong kinalibutan.
Mamamatay tao ang asawa ko?!
Nanlumo ako. Napahawak ako ng mahigpit sa dibdib ko. Kumikirot ang dibdib ko dahil sa gulat at takot.
Hindi ko na alam kung paano ko pa siya papakitunguhan ngayong alam ko na kung sino talaga siya. Kung sino ba talaga ang isang Timothy Jared.
Natatakot ako para sa amin ng anak ko.
Ano ba itong pinasok ko???
Miss Kae @KaeJune
BINABASA MO ANG
The Secret Identity
AzioneWould you fall in love with someone even if you don't know his real identity? What if you find out about his true identity when it's already too late? Would you still stay or would you leave? All Rights Reserved. September to November 2016. Revised...