Chapter 5

27.7K 565 13
                                        


Naglalakad ako pauwi sa bahay. Ginabi na kasi ako ng uwi dahil marami akong tinapos sa school. Ang dami pa lang gawain kapag head teacher ka na.

Gutom na rin ako dahil kaninang hapon pa ang huling kain ko. Kumain lang ako ng lugaw.

Alas nuebe na ng gabi kaya tumutunog na talaga ang tiyan ko.

Gusto ko na talagang makauwi para makakain na.

Binibilisan ko ang lakad ko dahil maliban sa gutom na ako ay madilim dito sa nilalakaran ko.

Noong isang araw kasi feeling ko may sumusunod sa akin. Feeling ko lang naman pero wala pa namang may nangyayari. Baka dahil lang sa kaba ko kaya kung anu-ano ang naiisip ko.

Pero naulit ulit ang kutob ko na 'yon. Hindi lang isang beses kundi ilang beses na. Ilang beses kong nararamdaman 'yon tuwing umuuwi ako ng gabi. Parang may sumusunod sa akin hanggang sa bahay.

Guni-guni ko lang ba 'yon?

Kasi kung totoong may sumusunod sa akin eh 'di sana ay matagal na akong kinidnap, kinuha o pinagsamantalahan ng sumusunod sa akin, 'di ba?

Pero wala naman, eh. Baka kasi wala nga talaga. OA lang kasi ako minsan mag-isip. Minsan ako talaga ang problema, eh.

Wala pa ring dumadaan na tricycle dito sa dinadaanan ko. Kainis naman, oh. Ngayon pa talaga na gutom ako.

Nagmadali na lang akong maglakad.

Pa-hum-hum ako ng paborito kong kanta habang naglalakad para ma-focus sa ibang bagay ang isip ko.

"Get in."

"Ay utot ng kalabaw!"

Nagulat ako no'ng may nagsalita.

Napalingon ako sa gilid at doon ako napaatras no'ng makita ko ang isang lalaki na machong-macho ang katawan at naka-sweater siya eh ang init naman ngayon. Ang gwapo niya at maganda ang tindig.

Wait. . . .

Parang kilala ko 'to ah??

"I'm sorry if I startled you. I just want to offer you a ride."

Napanganga ako at nanlaki ang mga mata.

"Shocks." Napatakip ako ng bibig ko sabay turo sa kanya.

"I-Ikaw iyong . . . 'yong lalaki!"

Ngumiti siya sa akin at feeling ko ay malalaglag ang puso ko dahil sa ngiti niyang nakakatunaw at nakakapanghina.

"Ikaw 'yon 'di ba? Ikaw 'yong lalaki noong gabing 'yon. Ilang buwan na ang lumipas pero naalala ko na ikaw iyon. 'Di ba??"

Tumango siya sa akin.

"Yes, that was me."

Siya nga! Hindi niya de-ni-ny na siya nga iyon!

Napatingin ako sa paligid lalo na sa direksiyon kung saan siya nanggaling. Bakit hindi ko siya napansing dumating? Hindi ko napansin ang kotse niya na tumugil sa tabi ko.

Sobrang nag-enjoy ba ako sa pagkanta kaya hindi ko siya napansing dumating?

Napatingin ako ulit sa kanya. Shocks. Ang gwapo niya lalo. Napatingin ako doon sa. . . . Iyong lips niya na hinalikan ko! Huhuhu! Nagkakasala na naman ako nito.

Teacher ka, Sarah, kaya huwag kang ganyan. Be a good example.

"So, can I take you home?"

Ano daw?!

The Secret IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon