Chapter 4

27.9K 551 10
                                        


Ilang buwan na ang nakalipas simula no'ng gabing iyon.

Ni ha ni ho wala akong balita sa lalaking 'yon. Hindi na talaga siya nagpakita.

May mga tao talaga na kinakalimutan na ang mga taong tumulong sa kanila no'ng mga panahon na nangangailangan sila.

Buti sana kung nagka-amnesia sila pero kung hindi naman.

Wait, baka namatay na siya?

Huwag naman sana.

Tutok lang ako sa pagtuturo para hindi ko siya masyadong iniisip. Saka naging busy din ako dahil sa nalalapit na exams at kailangan kong gumawa ng exams ng mga bata.

Minsan kapag nasa bahay, tinutulungan ko sina lola at lolo sa mga gawain. Pati na sa mga gawain sa lupaing sinasaka namin.

Kaya pagdating ng gabi ay mabilis akong nakakatulog dahil pagod na pagod ako.

Sa umaga na alimpungatan ako dahil feeling ko may tao. Feeling ko may humahawak ng pisngi ko at mga labi saka minsan hinahalikan ito.

Parang totoo talaga na may humahawak sa mukha ko. Pero kapag dumilat ako ay wala naman akong nakikita na ibang tao sa kwarto ko.

Panaginip ko lang ba lagi 'yon?

Siguro na mi-miss ko lang ang lalakeng unang halik ko kaya pati sa panaginip ay parang lumalandi ako. Aish. 23 years old na kasi ako tapos ngayon lang ako nahalikan kaya siguro gano'n na lang ang kagustuhan ko na makita siya ulit dahil umaasa ako na baka magka-develope-an kaming dalawa.

Gusto kong huwag pansinin at kalimutan na lang ang pakiramdam ko tuwing nagigising ako ng madaling araw. Pero kasi ilang araw ko ng nararamdaman na parang totoo ito at hindi isang panaginip lang.

Nagigising ako madalas ng hindi oras dahil sa mga haplos na akala ko ay totoo at halik na bumabaon sa aking mga labi.

Hindi ko alam kung nababaliw na ba ako o ano pero ilang linggo nang gano'n. Hindi naman nangyayari ang ganito noon. Hindi ko lang masabi kahit kanino dahil baka hindi naman sila maniwala.

Ang alam kasi nila ay walang nagkakagusto sa akin dahil sa sobrang picky ko at sobrang mataas ang standards pagdating sa lalaki.

Hindi niyo naman ako masisisi dahil lumaki akong may pangarap sa buhay, naging independent at hindi umaasa kahit nino. Kaya mas gusto kong makatuluyan ang lalaki na pareho kami ng pananaw sa buhay. Wait, nagco-connect ba? Pati ako naguluhan sa sinabi ko. Kayo na ang bahala umintindi.

Pumasok na ako sa school at pinatawag ako agad ng principal namin.

Pinapasok niya ako sa office niya at doon kami nag-usap.

"Congratulations, Ma'am Sarah. You are promoted as a head teacher in your department."

Nagulat ako bigla at nanlaki talaga ang mga mata ko at napanganga sa narinig ko. Hindi ko inasahan ang sinabi niya kaya muntik pa akong malaglag sa upuan ko.

"P-Po?"

Ngumiti lang siya sa akin at tumango. "Tama ang dinig mo."

"Bakit po? I mean, paano ako na promote? Bakit?"

Hindi kasi ako makapaniwala. Ni minsan kasi ay hindi ko naisip na ma promote ako. Hindi naman sa hindi ako nangangarap pero kasi marami ring magagaling diyan na mga co-teachers ko at mas matagal na rito ang iba sa kanila kesa sa akin kaya nagulat talaga ako.

"Ayaw mo ba? You are one of the best teachers here. You deserve to be promoted. Ayaw mo ba no'n?"

Dahil nalilito at nagtataka ako ay napatango ako sa kanya.

Napakunot ang noo niya. "Ayaw mo?"

Bigla akong natauhan. "Ay, gusto po, Ma'am Rose. Nagulat lang po talaga ako. Thank you po."

"Walang anuman. Pwede ka nang bumalik sa klase mo at simula bukas ay ganap na ang promotion mo. Gano'n pa rin naman ang mga klase mo at walang magbabago doon. Ang opisina mo lang, dagdag na responsibility at sweldo ang mag-iiba."

Nagpasalamat ulit ako sa kanya bago ako umalis at bumalik sa klase ko.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa nadinig ki. Hindi ko in-expect kasi ito. Wala man lang heads up o botohan na naganap. Kahit chismis wala. As in, biglaan talaga.

Maraming teachers ang bumati sa akin at nag-congrats pa.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o mahihiya. Deserve ko ba talaga 'to?

Napaupo ako sa upuan na nasa desk ko at napaisip ng mabuti.

Nitong nakaraang mga linggo, marami ang nangyari na nakakagulat at nagpawindang sa akin.

Marami ang nagbago.

Una, may nag-invest sa sakahan nina lola at lolo last month lang. 'Yong palayan namin ay kumita pa lalo dahil may malaking company na ginawa kaming supplier nila ng bigas.

Pangalawa, under construction ngayon itong school namin dahil may mabait na sponsor daw na nagbigay ng malaking pera para pagandahin itong public school kung saan ako nagwo-work. May mga supplies din na binigay para sa mga bata.

Pangatlo, itong promotion ko ngayon. Parang no'ng isang araw lang ako na-mo-problema ng pera dahil may paglalaanan ako. Ayoko naman mangialam sa pera na kita nila lola dahil kanila naman 'yon. Kaya nagulat ako na na-promote ako. Dinaing ang dasal ko dahil tataas ang sweldo ko bilang isang head teacher.

Deserve ko ba lahat ng ito?

At hindi lang yun. Parang bawat araw ko ay gumaganda tuwing nagigising ako.

Hindi ko alam kung bakit. O baka dahil lagi akong nanaginip na may humahalik sa akin? Hindi dahil siguro do'n. Pero ang babaw naman kung 'yon ang nagpapaganda lagi ng araw ko.

Hindi ko tuloy lubos maisip na isipin ang lalaking tinulungan ko noon.

Hindi kaya dahil sa pagtulong ko sa kanya ay biniyayaan ako ng sobra-sobrang blessings ni Papa God?

Kung gano'n naman pala tutulong na ako lagi sa mga nangangailangan.

Buti na lang hindi ko pinabayaan ang lalaking iyon at ginamot ko pa siya. Balak ko pa sana siyang pabayaan dahil natakot ako sa itsura niya na madaming sugat at saka dugo. Pero buti na lang at tinapangan ko ang loob ko.

Hindi lang pala ako ang nakikinabang sa mga biyaya na natanggap ko dahil sa pagtulong ko sa kanya. Pati sina lola at lolo ay masaya, eh.

Kaya hindi pala kailangan na magpasalamat 'yong lakaki sa akin. Ako pala dapat. Dahil sa binigyan niya ako ng oportunidad na tumulong sa kanya, kaya nabiyayaan kami ng ganito kadaming blessings.

Kahit hindi na pala siya bumalik at magpasalamat ay okay na.

Siguro alam ng Diyos na hindi magpapasalamat 'yong lalaki na 'yon sa akin kaya siya na ang gumawa ng paraan para pasalamatan ako sa pagtulong ko sa kapwa. Kaya biniyayaan niya kami.

Sobra-sobra ang natanggap ko, namin, na blessings at ako ang dapat na nagpapasalamat.

Ipagdadasal ko na lang na kahit hindi na kami magkita ulit, sana ay okay siya at magaling na ang mga sugat niya.

Miss Kae @KaeJune

The Secret IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon