"Ayan. Okay na."Kakatapos ko lang linisin ang mga sugat niya at lagyan ng bandage ang mga ito.
Nakahiga siya ngayon sa sopa rito sa sala namin.
Nanginginig pa kanina ang kamay ko habang nililinisan siya dahil ang gwapo gwapo gwapo lang naman niya. Hindi ko in-expect na ganito pala ang itsura niya. Ang ganda rin ng katawan niya parang kagaya ng mga lalaking nakikita ko sa TV o kaya sa mga magazine.
Mas lalo pa siyang gumwapo sa paningin ko no'ng nakita kong punit ang tee shirt niya kaya kita ko ang mga muscles at abs niya. Bakit kaya gano'n? Ang iba mukhang pulubi tingnan kapag punit ang damit pero siya mukhang model na nag-i-endorse ng punit na damit?
Pinagsamantalahan kong pag-aralan ang itsura niya habang tulog pa siya.
Feeling ko tuloy ang landi ko na.
Ngayon lang kasi ako nakakita ng ganito kagwapo sa buong buhay ko. Hindi naman kasi ako umaalis sa baryo namin. Ang mga lalaki rito sa amin ay halos magkakamukha lang naman.
Taga saan kaya siya? Taga-syudad ba siya? Mukha kasi siyang hindi pure na pinoy.
Sana hindi talaga siya isang sindikato o criminal. Sayang ang mukha niya kong 'yon ang gawain niya. Pero mukha pa nga siyang mayaman na ninakawan at iniwan sa damuhan kesa ang maging isang criminal.
Pero bakit nandito siya sa baryo namin at malapit pa sa bahay siya napadpad?
Aish. Ewan ko na nga. Matutulog na ako. Napapagod na ako kakaisip ng mga posibleng rason kung sino siya at kung paano siya napadpad dito. Saka sobrang gabi na rin kasi at may klase pa ako bukas ng maaga. Ayoko pa naman na nagpupuyat.
Tumayo na ako at binalik ang palanggana sa kusina at saka kumuha ng kumot sa kwarto ko. Baka kasi ginawin siya.
Pagkabalik ko sa kung nasaan siya ay hindi pa rin ako matapos-tapos sa pagka-amazed sa itsura niya.
Bakit kasi sobrang gwapo niya?! Parang hindi siya totoo.
Lumapit ako ng kaunti at tinakpan ang parti ng bewang niya ng dalang kumot na kinuha ko mula sa kwarto. Nilagay ko ito mula bewang pababa sa mga paa niya. Sinigurado kong nakatakip ang dapat na takpan. Ayokong magkasala lalo.
Pero parang ayaw ko pa rin umalis sa tabi niya. Napaluhod ako at pinagmasdan ng malapitan ang mukha niya. Para akong si Ariel na nakaligtas ng isang prinsipe mula sa pagkakalunod sa dagat.
Isa-isa kong pinagmasdan ang bawat parti ng mukha niya.
Matangos ang ilong niya.
Mahaba ang mga pilikmata.
Makinis ang mukha pwera na lang sa mga sugat na natamo niya.
Mapupulang labi na mukhang masarap hawakan at halikan ng paulit-ulit— wait! Ano itong pinagsasabi ko?!
Napailing ako ng ilang beses. Hindi dapat ako nag-iisip ng gano'n lalo na sa taong ngayon ko pa lang nakita.
Napapikit ako ng mga mata para pigilan ang mga naiisip ko pero pagkadilat ko ng mga mata ko ay saktong labi niya agad ang bumungad sa paningin ko.
Napalunok ako ng ilang beses. Sa buong buhay ko, wala pa akong first kiss at hindi ko alam kung magkakaroon pa ba. Kung sunggaban ko na lang kaya ang pagkakataon na ito? Malay mo last kiss ko na pala ito.
BINABASA MO ANG
The Secret Identity
ActionWould you fall in love with someone even if you don't know his real identity? What if you find out about his true identity when it's already too late? Would you still stay or would you leave? All Rights Reserved. September to November 2016. Revised...