Chapter 8

26K 570 9
                                        


Feeling ko nananaginip ako.

Feeling ko nakalutang ako sa ulap.

Parang ayaw maniwala ng puso at isip ko sa mga nangyari nitong nakaraang mga araw.

Paano ba naman, parang inaaraw-araw namin ang pagde-date. I mean, ang paglabas naming dalawa.

Opo. Nasundan pa ang lakad namin. Hindi lang isang beses kundi apat na beses na kaming lumabas na dalawa.

Sinusundo niya kasi ako sa school kapag uwian na kahit sinabi kong huwag na.

Minsan hindi ko mapigilan mag-isip kung bakit niya ginagawa 'yon. Wala naman kasi siyang sinasabi sa akin, eh.

Gusto ko talagang malaman kung bakit niya ito ginagawa, kung bakit niya ako niyayayang lumabas na kami lang.

Hindi ko tuloy maiwasan na mag-isip kung may nararamdaman ba siyang espesyal sa akin. Kasi ako feeling ko ay nahuhulog na ako sa kanya.

Sino ba namang hindi eh ang sweet niya kaya. Napaka-respectful niya sa akin at ang gentleman pa. Ang dami niyang ugali na nagustuhan ko.

Pero madami pa akong gustong malaman tungkol sa kanya. Iyon nga lang, hindi siya makwento tungkol sa buhay niya.

Pero okay lang naman baka hindi pa siya ready. Baka kasi hindi pa siya naka-move on. Kasi sabi niya sa akin dati na wala na raw siyang parents kaya medyo malungkot din siya habang nagkwe-kwento.

Natutuwa ako na makitang masaya naman siya kapag kasama ako.

No'ng isang gabi nga eh piningot ni lola ang tenga ko dahil daw sa gabi ako lagi umuuwi.

Hindi ko kasi masabi na kasama ko si Tom baka sabihin ni lola, lumalandi ako sa lalaking kakakilala ko palang eh.

Hay. . . .

Bahala na. Basta go with the flow lang ako ngayon. Ayoko naman sayangin ang chance na ito. Minsan lang may dumating sa buhay ko na lalaking gusto ko.

Ang sarap kasi sa feeling 'yong ganito.

'Yong masaya lang.

Okay lang sa akin kung hindi man maging kami. Masaya na akong na experience ko ang sumaya at ma-in-love.

Oo, in-love na ata ako sa kanya. Sa halos araw-araw na magkasama kami, mas lalo akong nahuhulog sa kanya.

Pero syempre, nag-e-expect pa rin naman ako na sana ay gusto niya rin ako. Pero wala kasi siyang sinasabi kaya ayaw ko naman umasa ng sobra.

Minsan nga iniisip ko na baka ganito lang siya sa akin dahil ako ang tumulong sa kanya. Mabait siya sa akin dahil sa utang na loob niya. Pero bakit may pahawak-kamay pa siyang nalalaman?

Gusto ko na talaga siyang tanungin pero hindi ko magawa. Baka kasi mali naman pala ako. Baka lumayo pa siya sa akin. Hindi pa ako ready na matapos ito. Kaya maghihintay na lang ako na sabihin niya.

Sayang din ang mga oras na makakasama ko pa siya.

Tulad ngayon, excited na akong mag-uwian na baka kasi nandiyan na naman siya sa labas at hinihintay ako.

Paglabas ng paaralan, hindi nga ako nabigo dahil nasa labas nga siya.

Umayos siya ng tayo no'ng nakita niya ako. Nginitian ko siya saka lumapit ako sa kanya.

"Hi. How's your day?" bungad nito.

"Okay lang. Ikaw?"

"Magiging okay pa lang ngayon."

Napangiti ako dahil sa mga hirit niya. In fairness, sinusubukan niyang mag-Tagalog lagi. Ang cute niya.

"May lakad ba tayo ngayon?"

The Secret IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon