"Dada!" malakas na tawag ni Tristan sa daddy niya.1 year and 7 months na kasi siya kaya medyo madaldal na ito.
"Yes, son?" sagot naman ni Tom at binitawan ang cellphone na hawak niya.
Nasa living room kasi kami at nilalaro siya ni Pardis, na kakauwi lang galing sa school. Si Tristan naman ay nasa carpet na nasa harapan namin. Nakaupo kasi ako sa couch katabi si Tom.
"Play play dada!"
"Alright. Daddy will play with you." Ngumiti siya sa anak namin saka sinamahan na rin ito sa paglalaro sa carpet.
Nilibot ko ang paningin ko sa buong bahay at napansin ko na halos lahat pala sila ay nakangiting nakatingin sa mag-ama kong naglalaro. Para na ring pamilya ang turing ko sa kanilang lahat.
"Ito na ang meryenda!" anunsyo ni manang tapos nilapag ang pagkain na dala niya sa center table. Kasunod niya ay si Dolce na bitbit naman ang mga inumin.
Mabilis na lumapit ang mga tauhan at kumuha na rin ng pagkain.
"Nakakatuwa. Parang kailan lang na si Timothy lang ang pinagsisilbihan ko. Ngayon, magiging apat na kayo," naiiyak na sabi ni Manang. "Salamat sa ligayang dala mo sa bahay na ito, hija," sabi ni manang na kinangiti ko.
"Nako, manang. Hindi lang naman ho ako. Lahat naman po tayo ay nagbibigay sigla sa bahay na 'to."
"Wife," tawag ni Tom sa akin.
"You should eat too," sabi niya saka inabot sa akin ang hawak niyang plato na may lamang avocado at tinapay na gusto kong kainin nitong mga nakaraang araw.
"Wala pa akong gana eh," sagot ko.
"No, you should force yourself. Our baby might be starving."
Napailing na lang ako dahil sa kakulitan na naman niya. Kaya kinuha ko na ang plato mula sa kanya dahil baka hindi na naman titigil 'yan sa kakapilit sa akin eh.
Kaya pinilit kong kainin ang mga pagkain na binigay niya sa akin.
Kumakain na kaming lahat dito. Natutuwa akong nakatingin sa kanila na nagbibiruan at inaasar sina Allen at Red. Oo sila na po. 6 months pa lang sila. Sobrang pakipot daw kasi ni Red eh. Mahal din naman pala niya si Allen, nag-iinarte lang daw. Sinapak ko nga isang beses no'ng nakita ko na naman na pinapahirapan niya si Allen. Kaya ayun, natauhan at sinagot din si Allen.
Kita mo, nagpasalamat pa siya sa akin sa huli. Tama talaga akong bagay sila eh.
"Uy si ate Red ayaw pa magpahalik kay Kuya Allen sa harap namin," asar ni Pardis. "Pero ilang beses ko naman silang nahuli na nagtutukaan sa likod," dagdag pa niya.
Namula si Red sa pambubuking sa kanya ni Pardis kaya tumawa kaming lahat. Sobra rin ang tawa ko. Nakakatuwa kasi silang asarin na dalawa. Isa ako sa mga nang-aasar sa kanila mula pa noon eh.
Tumatawa lang ako no'ng bigla namang nasamid ako ng laway ko dahil sa nakaramdam ako ng sakit sa tiyan ko.
Napangiwi ako no'ng may pumutok sa loob ko. Hinimas ko ang malaki kong tiyan dahil kabuwanan ko na ngayon.
"Madame?"
Si Dolce ang unang nakapansin sa akin kaya lahat sila ay sa akin na ang attention.
BINABASA MO ANG
The Secret Identity
ActionWould you fall in love with someone even if you don't know his real identity? What if you find out about his true identity when it's already too late? Would you still stay or would you leave? All Rights Reserved. September to November 2016. Revised...