Chapter 50

19.4K 344 1
                                    


Napadilat ako ng mga mata matapos gamutin ang sugat sa braso ko.

"Salamat, doc."

Ngumiti sa akin ang doctor saka inayos ang mga gamit niya at nilagay sa bag niya bago lumapit kay Tom.

"Your wife is safe now, Timothy. No need to worry too much. Just remind her to take the medicines I gave you and to keep her wound clean."

"Thank you."

Nagpaalam na ang doctor tapos lumapit si Tom sa akin ng nakangiti pero nakikita ko ang pag-aalala sa mukha niya.

"Bakit ganyan ang mukha mo?" natatawang tanong ko. "Tom, okay lang ako. 'Di ba yan din ang sabi ng doctor?"

"I know, but I can't help not to worry. You got shot. He will pay for it."

Hindi kasi tinuluyan ni Tom ang lalake. Dinala niya ito sa bahay at kinulong.

Niyakap ko na lang siya gamit ang isang kamay ko na hindi natamaan. Baka gumaan ng konti ang nararamdaman niyang galit.

"Ahem."

Napahiwalay ako ng yakap sa kanya no'ng may tumikhim.

"Papa!"

Na-excite ako no'ng nakita na si papa ang dumating. Pagdating kasi namin dito sa bahay ay ginamot din siya dahil sa mga pasa niya kaya hindi kami nagkita. Ngayon lang ulit.

Tatayo na sana ako para salubungin siya ng yakap pero pinigilan niya ako.

"Huwag kang tumayo, anak. Ako na lang ang lalapit sa 'yo."

Lumapit siya sa akin kagaya ng sabi niya at tiningnan ang sugat ko. Napapailing na lang siya no'ng makita ito.

Naalala ko bigla na itanong sa kanya ang kanina ko pa gustong itanong.

"Papa, paanong napunta kayo sa kanila? Ilang taon po kayong nandoon?"

Napatingin muna si Papa kay Tom at agad namang ngumiti si Tom sa kanya tapos tumayo ito mula sa kama kaya naupo si papa sa pwesto niya.

"Anak," sabi nito saka hinawakan ang kamay ko. "Sorry kung nawala si papa ng matagal. Lumaki ka na wala kami ng mama mo sa tabi mo."

"Papa, okay lang po. Ang importante ay nakita ko kayo ulit. Saka gusto ko lang malaman kung bakit hawak nila kayo? Naguguluhan po kasi ako."

"Sasabihin ko sa 'yo basta ipangako mo na huwag kang matakot sa akin."

Hindi ako sumagot dahil bumilis ang tibok ng puso ko. Nalungkot tuloy si Papa sa nakikitang reaksyon ko. Ayoko kasing marinig ang linya na 'yan. Parang may sasabihin siya na hindi maganda.

Hinawakan ko ang kamay ni Papa para bigyan siya ng assurance na pwede niyang ituloy ang sasabihin niya at hindi ako magagalit. Kailangan kong tanggapin kung ano man ang sasabihin niya.

"Kahit noong buhay pa ang mama mo, nagtatrabaho na ako bilang kanang-kamay ng isang leader ng mafia. Naging matalik na magkaibigan kami. Pero namatay siya dahil pinatay siya ng kaaway niya. Sa akin niya pinasa ang posisyon niya dahil wala silang anak. Kaya lang, nalaman ng mga kaaway iyon, at isa na doon ay si Bert, ang lalaking kausap mo kanina. Dahil sa inggit at kagustuhan niya na maging leader, tinangka niya akong patayin para makuha ang mafia. Pinasabog niya ang kotse namin ng mama mo. Nakatakas ako pero nahuli rin nila ako at kinulong. Akala ko nga ay papatayin din nila ako, pero binuhay pa niya ako para gamitin ang koneksyon ko sa ibang grupo."

The Secret IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon