Chapter 26

19.5K 435 21
                                        


Kailangan kong makaalis sa impyernong lugar na ito.

Hindi ako pwedeng manatili rito. Mababaliw ako kapag nagtagal pa ako rito.

Hindi ito ang buhay na gusto ko. Hindi ito ang buhay na gusto ko kahit sa panaginip ko.

Hindi ko rin pinangarap ang makapag-asawa ng isang mamamatay tao. Isang malaking pagkakamali na desisyon ito at kasalanan ko kung bakit naging ganito ang sitwasyon ko ngayon.

Paano niya nakayanang gawin iyon? Paano niya nakayanang pumatay?

Kahit takot na takot ako ay nakayanan kong tumakbo ng mabilis papunta sa gate.

May mga tauhan siyang nakatayo doon pero hindi sila nagsalita no'ng nakita nila ako. Hindi rin sila gumalaw para pigilan ako. Pero pansin ko na nagtataka silang nakatingin sa akin.

Akala ko makakalabas na ako sa bahay na 'to pero nagpang-abot ang kaba ko no'ng narinig kong may galit na sumigaw mula sa taong nasa likod ko.

"Don't just stand there! Stop her!"

Hindi ko na kailangan pang lumingon para malaman kung sino ang taong nagmamay-ari ng boses na 'yon. Sa boses pa lang niya ay kilalang-kilala ko na siya.

Malayo siya kaya pasigaw ang pagkasabi niya no'n at sa tono pa lang niya ay nakakatakot nang marinig.

Galit kaya siya sa akin dahil nakita niyang nandoon ako at nakita ko ang ginawa nila sa lalake?

Sasaktan din ba niya ako?

Gusto kong umiyak sa takot lalo na no'ng lumapit na ang mga tauhan niya sa akin.

Hinawakan nila ang magkabilang braso ko. Kinabahan ako lalo sa maaari nilang gawin sa akin.

"Bitawan niyo 'ko!" pagpupumiglas ko.

Pinagsisipa ko sila pero hindi sila natinag.

Paano sila matitinag eh ang lakas ng mga katawan nila at sanay na sila sa ganito? Sino ba naman ako para matinag sila? Wala lang sa kanila 'yong pagsipa ko kumpara sa mga mas masakit na napagdaanan na nila.

"Wife."

Hinarap nila ako sa kanya.

"Wife, where are you going?" malumanay na sabi niya. Ibang-iba sa tono niya kanina doon sa basement. "Did I scare you?" nag-aalalang tanong niya.

Kung sa ibang sitwasyon lang kami ay iisipin ko na mabuti siyang tao. Ang lambot kasi ng mga tingin niya sa akin. Pero dahil sa mga nasaksihan ko nitong mga nakaraang araw, hindi niya ako madadala sa paganyan niya.

Hindi na siya kasing bait ng akala ko noon. Kasi paano makakayanan ng isang matino at mabait na tao ang pumatay na lang ng basta-basta?

Kanina no'ng nakita ko siyang binaril ang lalake ay parang ang dali-dali lang sa kanya no'ng ginagawa niya. Parang sanay na sanay na siyang pumatay.

Ilang tao na kaya ang pinatay niya?

Mas lalo lang akong nanlumo kapag iisipin ko 'yon.

Akmang hahawakan na niya ako sa mukha pero umiwas ako.

"Huwag mo akong hahawakan!" pasigaw na sabi ko na kinagulat niya.

Lumabas na rin ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Sobrang takot na takot kasi ako. Takot ako sa sitwasyon ko ngayon, sa mga nasa paligid ko at sa kanya.

Ayokong hawakan niya ako dahil hindi ko alam ang kaya niyang gawin sa akin kapag hinawakan niya ako.

"Wife—"

"Huwag mo akong matawag-tawag na asawa dahil wala akong asawa na kriminal!"

Gulat at sakit ang nakikita ko sa mga mata niya pero wala akong pakialam.

Baka nga palabas niya lang 'yan para kaawaan ko siya. Sanay pa naman siyang bulahin ako at utuin. Ang galing niya nga eh dahil paniwalang-paniwala ako sa mga sinabi niya sa akin dati.

If I knew, baka nga palabas niya lang ang lahat ng 'to. Dahil kung totoong mabuting tao siya at mahal niya ako ay hindi niya ako lolokohin at hindi niya ako hahayaang mapabilang sa delikadong mundo niya.

"Bitawan niyo ako sabi! Aalis ako rito! Ayoko rito!" nagpupumiglas na sabi ko pero ayaw pa rin nila akong pakawalan.

"Tom! Sabihin mong pakawalan nila ako! Gusto ko nang umalis sa impyernong lugar na 'to! Palayain niyo na ako!"

Naghy-hysterical na ako dahil sa kaba.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Wala na sa katinuan ang isip ko.

Gulong-gulo na talaga ako.

"Sorry, wife, but I can't do that. Mapanganib sa labas. You are safe inside our house. It's better for you to be here."

"Anong safe? Simula no'ng tumapak ako rito sa bahay mo ay hindi na nawala ang kaba ko! Bawat araw na lang ay may nakikita akong nakakatakot. Aatakihin ako sa puso rito! Sa tingin mo safe ba 'yon para sa akin, ha?!" sigaw ko. "Bahay mo lang ito, Tom. Hindi ito ang bahay na pinangarap ko!"

Nananalaytay ang lungkot sa mukha niya dahil sa narinig mula sa akin.

Napangisi ako. Totoo kaya 'yan o pakitang tao niya lang 'yan?

Paanong nasasaktan siya sa sinabi ko eh wala lang nga 'yon kumpara sa mga nadanasan niya sa mundo niya?

"Sorry, Tom. Asawa nga kita pero hindi ito ang ginusto ko para sa atin. Ibang tao ka no'ng nakilala kita. Ibang-iba ka na ngayon. Sana kung sinabi mo sa akin sa simula pa lang ang totoo ay hindi na sana tayo umabot sa ganito."

"This is still me, wife. Just stay here with me. Please? I'll explain to you everything you need to know."

Umiling ako sa kanya.

"Ayoko, Tom. Hindi mo na rin kailangang magpaliwanag dahil nakikita ko na ang mga sagot sa tanong ko."

"But wife, what you see is different compared to--"

"Stop! Tama na, Tom. Ang gusto ko ay paalisin mo ako rito. Maawa ka, Tom! Palabasin mo na ako!"

"Hindi na ba magbabago ang isip mo?" malungkot na tanong niya.

"Hindi na. Iyon lang ang gusto kong gawin mo. Gusto ko nang makaalis dito!"

Napayuko siya at parang may pinunasan siya sa mga mata niya.

Nakita ko ang malalim na pagbuntonghininga niya bago siya nagsalita.

Pero hindi ako ang kinausap niya kung hindi ang mga tauhan niya, na may hawak sa mga braso ko.

"Bring my wife in our room."

Nag-panic ako no'ng sinimulan na nila akong dalhin sa loob.

"Tom! Akala ko paaalisin mo na ako? Palabasin mo na ako rito, Tom!!" sigaw ko habang papasok kami sa loob ng mansion.

Nilingon ko siya pero nakatalikod pa rin siya sa akin. Bakit hindi siya lumingon man lang?!

"Tom! Maawa ka!" pakiusap ko.

Pero parang wala siyang narinig.

Nakita ko pang lumapit sa tabi niya si Allen saka tinapik ang balikat niya na dahilan para umangat siya ng tingin.

Ang kinagulat ko ay ang nakitang. . . .

Umiiyak siya.

Miss Kae @KaeJune

The Secret IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon