Stalker 1

212 9 0
                                    

Pagkapasok ng pagkapasok ko sa loob ng bar ay agad akong napapikit dahil sa nakakasilaw na mga ilaw na tumama sa mata ko! Nakakabingi pa yung lakas ng tugtog.

d-_-b

Anak ng tokwa naman kasi! Ano na naman bang problema ng bruhang 'yon at nandito na naman?!

Lumingon-lingon ako sa paligid at nagbabakasakali na mahanap agad ang babaeng 'yon.

Ayun!

Nakita ko siyang nakaupo sa isang mesa na nasa pinakasulok na bahagi nitong bar. Nangahalumbaba pa siya gamit ang dalawang kamay at nakatingin sa kawalan.

Nag-emote talaga yung baliw. Tsk!

Lumapit agad ako sa kanya. Buti na lang talaga konti pa ang mga taong nandito. Umupo ako sa tapat niya at mukhang hindi pa niya talaga ako napansin dahil tagos sa katawan ko ang tingin niya.

*booggssh!!!*

"AY MAGANDA AKO!!" Napaigtad na bulalas niya dahil sa malakas na paghampas ko sa mesa.

Napangiwi ako. "Grabe, gulat na nga't lahat 'yan pa rin ang nabigkas mo!"

Tiningnan niya ako ng masama. "Bakit ba kasi nanggugulat ka?! Hindi ba pwedeng sabihing..hoy babaeng maganda nandito na ako! Tss.."

"Wow! So, ini-expect mo talaga na sasabihin ko 'yon?! Saka, ayaw ko lang istorbohin ka sa pagmumuni-muni mo!"

Inirapan niya lang ako. "So, tamang gulatin ako? May problema na nga yung tao gugulatin mo pa!"

Agad naman akong napataas ng dalawang kamay. "Okay, sorry na! Tao lang teh, pasensya na!"

Lumungkot na naman yung mukha niya at nangahalumbaba ulit tulad kanina.

"Hoy, ano naman bang nangyari? Parang ang bigat-bigat talaga niyan ah!" Untag ko sa kanya.

Talagang dalawang kamay pa ang ginamit pansalo ng mukha eh.

Pero, parang may idea na ako..psh!

Tumingin naman siya sa akin at bigla na lang humikbi. "Eh kasi naman babe! Uwaaa----"

"Teka, ano ba 'to?" Putol ko sa pagngangawa sana niya kaya napasimangot siya. Ayaw kong makarinig ng kinatay na baka, pwede ba?!

Tiningnan ko yung mga bote na nasa harapan namin. "Umiinom ka?!" Gulat na tanong ko sa kanya.

Nag-peace sign naman siya sa akin. "Konti pa naman, isang bote lang. Saka, anong silbi ng pag-emote ko dito sa bar kung hindi ako iinom 'diba?" Tapos napatingin siya sa braso ko. "Ba't may sugat ka? Anong nangyari diyan?"

Nagkibit-balikat lang ako. "Wala 'to! Sa pagmamadali ko kanina nang tinawagan mo ako ay bigla akong nauntog sa may pintuan at parang nahampas ko 'tong braso ko sa matulis na bagay kaya nasugatan."

Bumuntong-hininga naman siya. "Sorry, kung pinapunta pa kita dito. Kasalanan ko.."

Tumango-tango naman ako. "Buti alam mo. Malas ko lang kasi at ikaw ang naging bestfriend ko."

"Ha! Grabe! Ako talaga yung sinisisi mo?! Hindi mo ba naisip na dahil rin 'yan sa katangahan mo?!" Di-makapaniwalang sabi niya kaya napangisi ako. "Gamutin natin 'yan!"

"Huwag na! Hindi naman masakit eh saka maliit na sugat lang 'to. Teka, ano ba talagang problema mo ha?" Tanong ko ulit sa kanya.

Nagulat ako nang bigla na lang siyang ngumangawa ng napakalakas kaya napalingon sa amin ang ibang tao. Yung iyak na kasi mas malakas pa sa tugtog.

His Crazy Stupid StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon