Stalker 33

52 6 0
                                    

"Ms.Yoon?"

Nakatulala lang ako habang nilalaro ang ballpen na nakapatong sa arm chair ng upuan ko. Iniisip ko kasi ang pinag-usapan namin ni DESTINY KO kaninang umaga.

Hindi totoo gaya ng sinabi niya na parang wala lang sa akin ang pinag-uusapan namin kanina. I was also affected. I just tried my best para hindi lang maipakita sa kanya 'yon. Hindi naman ako bato na parang walang pakiramdam. Tao rin ako. Ayoko lang magkailangan kaming dalawa. Nakatira kami sa iisang condo tapos nagkakailangan?

Bumuntong-hininga ako. He's hurting. I don't know the whole story yet but when he told me she left him, he looked so hurt. Pain was very evident in his eyes. Siguro nga mahal na mahal niya talaga ang babaeng 'yon. At mahal niya pa rin ito hanggang ngayon. Hindi ko naman pwedeng i-judge yung babae dahil hindi ko pa nga alam ang buong istorya at pati kung ano ang nasa side niya. Let's give her a benifit of a doubt. Wow, parang attorney lang? Psh.

Seriously, he needs my help. And I'm much willing help him because he wants to move on from his past. But am I ready enough to risk my feelings? I like him. Halos lahat naman alam 'yon 'diba? Kaya ko nga bang isugal ang nararamdaman ko? Handa ba akong masaktan?

Confident naman akong matutulungan ko siya. Walang tao na hindi nakaka move on. Meron nga lang sobrang tagal.

Pero ano namang mangyayari sa akin kapag naka-move on na siya ta's may magugustuhan naman siyang iba? Makakaya ko nga ba? I know, I told him that if I really like that person, I'm willing to help him even if won't like me back. Pero ang sabi ko nga 'diba? Tao lang din ako. Siyempre masasaktan ako kapag nangyari 'yon. Ako na naman yata ang mag-move on sa oras na  'yon?

Kung tutulungan ko siya, aakitin ko rin ba siya at the same time para ako ang magugustuhan niya? O gagawin ko 'yong chance para makalimutan ko yung nararamdaman ko para sa kanya, para hindi na umasa pa at masaktan kapag dumating ang oras na iba pala ang magugustuhan niya? Hay! Love is really complicated.

"Ms.Yoon?"

Napakurap-kurap ako at napatitig sa taong nasa harapan ko. Halos batukan ko ang sarili na nasa harapan ko pala si Miss Kang. Mukhang kanina pa nga niya tinatawag ang atensyon ko dahil mukhang siyang nagtataka sa akin.

Napaayos ako ng upo. "P-Po?"

"I called your name like five times already pero tulala ka lang. Ang layo ng paningin mo. Are you okay, Ms.Yoon?"

Napamaang ako. "Huh? Uhh..oo naman po! Hehehe."

Bumuntong-hininga ito. "I'm your teacher, and teacher is like your second mother, right?"

Tumango at napakamot ng ulo.

"Willing naman akong makinig sa kung anong problema mo. You can tell me. " Malumanay nitong sabi at ngumiti.

Alanganin rin akong ngumiti. Maam, hindi ko pwedeng sabihin sa'yo na lovelife ang problema ko at baka masermunan mo pa ako ng wala sa oras.

"Wala naman po akong problema, Miss. May ni-memorize lang akong poem para sa recitation namin sa English subject. Sorry po."

Napatitig siya sa akin sandali. Mukha namang naniwala dahil tumango ito. "Okay. Sige na, pakihatid ang mga 'to sa disciplimary office para makita Mrs.Oh kung sino pa ang hindi nakapasa."

Inabot ko naman yung binigay niyang mga documents. Nautusan kasi ako ni Mrs.Oh na kunin ito sa kanya. Nag-bow ako bago lumabas sa classroom namin. Napabuga ako ng hangin nang makalabas. Ipinilig ko yung ulo. Hindi ko muna iisipin 'yon. Nasa school ako kaya dito muna ako magfo-focus.

Dinukot ko yung phone sa bulsa nang maramdaman ang pag-vibrate nito. Dalawang unread messages ang nakita ko.

DESTINY KO: Where are you?

His Crazy Stupid StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon