HER DESTINY
"According of the evidences that presented on this court. You, Mr. Choi Steve, was found guilty beyond reasonable doubt. So order!"
Nagpalakpakan kami pagkatapos marinig ang desisyon ng judge. Niyakap agad ni Trish ang mama niya. Nadaanan ko ng tingin ang nakangisi at masamang titig ng akusado sa amin habang ini-escort-an ng mga pulis palabas ng korte.
"Salamat talaga sa tulong Mr. and Mrs. Kim." Baling ni Tita kina mommy at daddy.
"Naku, huwag mo ng alalahanin 'yan Mrs.Yoon. We are family now." Masayang sagot naman ni mommy.
"DSSTINY KO!"
Napalingon ako at nakangiting sinalubong ang yakap ng girlfriend ko. Nakasunod dito sila Kris. Tinanguan ko sila.
"Panalo tayo!" Halos patiling sabi ni Jian.
"Congrats, Trisha. Mabubulok na rin sa bilangguan ang hayop na 'yon."
"Salamat, Chen."
Nakita ko ang pagbaling ni Atty.Lee sa amin pagkatapos iniligpit ang mga dokumento at papeles sa dala-dalang attache case. Agad ko itong nilapitan.
"Atty.Lee.." Bati ko sa kanya. Ngumiti ito.
"Mr.Kim."
"Thank you for your help."
"It's part of my job. Congratulations!" Inilahad nito ang kamay kaya agad ko itong tinanggap.
"Thank you, attorney."
Tinapik niya ako sa balikat. "Anyway, I have to go first. I have some appointments for today."
"Sure, sure."
Sinundan ko siya ng tingi nang lumapit siya kina mommy para magpaalam. Matapos makipagkamayan sa mga magulang ko, kay Tita at kay Trish ay umalis na ito ng tuluyan. Lumapit ako sa girlfriend at hinawakan ko siya sa beywang. Napabaling siya sa akin at binigyan ako ng matamis na ngiti. She looks happy today. I'm happy for her too.
"Thank you talaga, DESTINY KO." Usal niya. I smiled at her.
"Don't mention it. I am your boyfriend, so it's my duty to help my girlfriend in times of needs."
Yinakap niya ako. "I'm so lucky to have you. Buti na lang talaga at pinagtiyagaan talaga kita. Basta may tiyaga, talagang may nilaga."
Humalakhak ako. Kabaliwan na naman niya. Hinalikan ko siya sa ulo. "Mas maswerte ako sa'yo, may libre akong clown."
Pabiro niyang hinampas ang dibdib ko. Natawa ako.
"Anyway, let's celebrate our today's victory. Kumain tayo sa malapit na restaurant." Rinig kong sabi ni daddy. Napalingon kaming dalawa ni Trish sa kanila.
"Oh my, that's a good suggestion hon. Tara, let's have a lunch guys!" Segunda naman ni mommy.
"Hindi naman sila mahilig mag-celebrate sa bawat may mangyayaring maganda, ano?" Rinig kong pabulong niyang tanong. Tumango ako at kinindatan siya.
"Naku po, Mr. and Mrs.Kim, nakakahiya naman po." Angal ni Tita. Naramdaman ko rin na sesegunda si Trish sa mama niya pero pinisil ko ang baywang niya at inilingan siya.
"Naku, sinabi ko na sa'yo Mrs.Yoon na huwag ka ng mahiya. Magiging mag-kumare na rin tayo in the future kaya masanay ka na." Nakangiting sabi ni mommy dito. "And let's stop being formal now. Mag-practice na tayong mag-tawagan ng mare. 'Diba mare?"

BINABASA MO ANG
His Crazy Stupid Stalker
FanfictionYoon Iby Trisha-- She's crazy. She's stupid. She's super annoying. And a crazy stupid stalker of HIM. Stalking him? Excuse me, of course not! I'm just...erm..I'm just interested to him! Nagkataon lang talagang siya yung hinabol ko nung gabing nala...