Stalker 18

66 7 0
                                    

"GO DESTINY KO! KAYA MO YAN! I-GOAL MO! GOOO!!" Iwinagayway ko pa yung dala-dala kong malaking poster.

Narinig ko rin ang ibang sigawan ng mga manunuod. Iba-ibang pangalan ng school ang isinisigaw. May game kasi ngayon ng soccer, kalaban namin ang Gangnam University. Magaling ding maglaro at ang higpit ng depensa.

One minute and thirty seconds na lang 'yong natirang time at lamang pa ng isang puntos ang kalaban. Ano ba 'yan!

"Mukhang matatalo na naman ang school natin. Konting oras na lang ang natira oh!"

Inis kong tiningnan si Jian. "Ano ka ba? Kanina ka pa ah! Puro na lang negative ang mga pinagsasabi mo! Mananalo tayo, magtiwala ka sa mga players natin."

Bumaling ulit ako sa soccerfield. Nakita kong pinasa ni Tyrone ang bola kay Luhan.

"GO LUHAN! I-GOAL MO BILIS! GO!GO!GO!"

Mukhang hindi nakahanap ng chance si Luhan kaya ipinasa niya kay left-footed player na si Yves. Dini-dribble naman ni Yves at sinipa papunta kay Cloud na isang center-footed player. Mukhang naghahanap naman ito ng tsansa para maipasa kay Luhan kaya lang ang higpit talaga ng depensa ng mga defenser player sa kabilang team. May dalawang kalaban ang nakaharang sa kanya at may planong kunin ang bola.

Biglang umikot si Cloud at nailusot niya ang bola at sinipa agad papunta kay Luhan. Luhan quickly swifted and kicked the ball and then...boom! The goal keeper didn't have a chance to defend the ball kaya nai-goal ni Luhan. Napasigaw ako dahil sa saya at tumalon-talon na rin si Jian sa gilid ko. Tie na yung score pero one minute na lang ang natira.

Kinabahan ako dahil nasa kalabang team ang bola. Kagat-kagat ko yung labi habang pinapanuod ang pagpasahan ng bola sa kabilang team. Napatingin ulit ako sa time.

50 seconds left! My God!

Pagbaling ko ulit sa field ay nasipa na ng center middlefield player ng kabilang team ang bola. Napapikit ako dahil para akong nawalan ng pag-asa kung mai-goal nila 'yan panalo na sila!

"YESS!"

Napamulat ako ng mata ng biglang sumigaw si Jian.

dO__Ob

Nasa kay Cloud na 'yong bola. Huh? 'Diba nai-goal? Mukhang napigilan nga ng goal keeper nila ni DESTINY KO.

Cloud dribbled the ball at naghahanap ng mapapasahan. Nakalapit sa kanya si Clyde na isang wing forward kaya agad niyang binigay ang bola. Clyde dribbled the ball quicky and then he directly passed it to the center forward which is DESTINY KO! Sinulyapan ko ulit yung time..

20 seconds left! Ipinasa ni DESTINY KO ang bola kay Mark at tumakbo siya papunta sa open sidelines.

10 seconds left!

Naghahanap ng mapapasahan si Mark.

5 seconds left!

Sinipa niya yung bola papunta kay DESTINY KO. Tumakbo ng mabilis si DESTINY KO para salubungin yung bola. Malapit na sana siya sa soccer ball nang may biglang humarang na defender ng kabilang team. Oh no!

Two seconds left!

Bigla siyang nagpadulas kay lumusot siya sa paanan ng defender. Kasabay ng pag-slide niya ay agad niyang sinipa yung bola gamit ang naka-stretch na paa.

*GULP!*

Parang slow motion yung pagtingin ko sa bola habang gumugulong ito patungo sa net at sa nakaabang na goal keeper. Bigla ring natahimik ang mga nagsisigawang tao.

Pinagsalikop ko yung daliri ko dahil sa kaba. Para akong malalagutan ng hininga. Unti-unting nanlaki ang mata ko nang hindi naharangan ng goal keeper ang bola at..

His Crazy Stupid StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon