Stalker 19

45 5 0
                                    

HER DESTINY

Nang makalabas ako ng clinic ay nakita ko agad ang mga kasama ko. Kitang-kita ang pag-alala sa mga mukha nila, lalong-lalo na sa bestfriend niya.

Katangahan talaga ng babaeng 'yon, ang daming pini-perwisyong tao. Ang hilig magpapa-alala ng mga tao.

"Kumusta si Trisha, hyung?"

"Ano, okay na ba siya hyung?"

Tumango ako. "Wala naman daw problema, nahihilo lang siya."

"Asan siya?" Tanong ni Jian sa akin.

Bahagya akong lumingon sa loob ng clinic. "Susunod na 'yon."

"Ba't mo iniwan?" Asik ni Tao sa akin.

Napakunot ako ng noo. "Makakalakad pa siya."

d-__-b

Tiningnan niya naman ako ng masama na parang ako 'yong may kasalanan sa nangyari. Tss.

"Hyung, pinatawag tayo ni coach." Untag ni Luhan sa akin.

Tumango ako at binalingan si Chen. "Pakihatid silang dalawa. Hintayin niyo siyang makalabas."

Sinenyasan ko si Luhan kaya napasunod na rin siya sa akin.

"Hihintayin ba namin kayo?" Pahabol na tanong ni Tao.

"Huwag na! Mauna na kayong umuwi at baka matagalan pa kami." Sagot ni Luhan. "Mag-ingat kayo."

Habang papunta kami pabalik ng soccerfield kung nasaan ang ibang mga kasama naming mga players at si coach ay luminga-linga ako sa paligid. Umaasang makikita ko 'yong babaeng bumato ng bola.

"Ang lakas ng pagtama ng bola kay Trisha. Dumudugo talaga 'yong ilong niya! Para bang sinasadyang ini-spike." Usal ni Luhan.

"Binato talaga siya ng bola." Umigting ang panga ko.

Marahas siyang napalingon sa akin. "Huh? Paano mo nasabi 'yan?"

"I saw it."

Napatigil siya sa paglalakad at pinahinto rin ako. Mariin niya akong tiningnan. Tumango ako kaya napamura siya.

"Sinong nagbato?"

Nag-iwas ako ng tingin at naglakad ulit. "Babae."

Hindi ko alam kung anong rason ng babaeng 'yon. Pero parang ang laki ng galit niya dahil pagkatapos niyang ibato ang bola ay ang laki ng ngiti niya. Na para bang matagal na niya talagang gustong gawin 'yon.

"Hyung, kilala mo ba ang babaeng 'yon?" Tanong ulit ni Luhan sa akin. Bahagyang nagsalubong na ang kilay niya.

"Yeah. Sa mukha." Sagot ko.

"Kaklase niyo?"

Umiling ako. "Hindi, kabilang section. O baka kaklase niyo 'yon."

Napailing siya at mukhang iniisip kung anong hitsura ng babaeng 'yon.

Nang makita kami ng mga kasama namin ay agad silang nagsilapitan sa aming dalawa at naghahalakhakan. Lumapit rin si coach at tinapik kami sa balikat habang nakangisi.

"Kumusta na si Trisha?" Tanong nito.

"Okay naman po siya. Wala namang masamang nangyari." Sagot ko.

Tumango ito. "Mabuti naman kung ganun."

"Pare!" Sigawan ng mga kasama namin at nag-aapiran. "Congratulations sa ating lahat! Ang galing natin! Wooohh!"

His Crazy Stupid StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon