"Hmm.." Ungol ko nang maramdaman ko ang maliliit na halik sa leeg ko.
"Hey baby, wake up." Someone whispered on my ears. Hinarap ko siya at yinakap ng mahigpit.
"I'm still sleepy." Inaantok kong sagot. Naramdaman ko ang pagsuklay niya sa buhok ko.
"Kailangan mo ng gumising dahil may mga bisita tayo." Rinig kong sabi niya. Napakunot ako ng noo. Huh? As this early?
"Sino?"
"Our friends."
Unti-unti akong nagmulat ng mata at nakasalubong ko agad ang titig niya. He smiled.
"Good morning, baby."
I smiled. "Good morning DESTINY KO."
Ang sarap talaga ng gising mo kapag ganitong mukha ang bubungad sa'yo tuwing umaga. Hinalikan niya ako sa noo, sa pisngi at sa labi. Mas lalo akong napangiti.
"Sarap naman 'nun. Isa pa." He smirked and gave me a peck.
"Isa pa." Hirit ko ulit. He kissed me again but this time it's more intense and I couldn't help myself but to respond to his kisses. Ang lambot talaga ng labi ng mahal ko. Hindi nakakasawa. Ang sarap kagatin.
Kapwa kami hinihingal nang maghiwalay. He caressed my bare shoulder and gave me a peck for the last time.
"Come on, take a shower now. Kanina pa sila naghihintay sa baba." Untag niya sa akin. Bumangon naman ako at kinipkip ang kumot para itakip sa hubad kong katawan.
"Ang aga-aga namang mambubulabog ng mga taong 'yon." Nakasimangot kong sabi. Tumawa siya at tumayo na rin sa kama.
"I'll just wait for you downstairs. Kanina pa putak ng putak 'yong buntis."
Tumango ako at napansing nakaligo na pala siya dahil basa 'yong buhok niya. Nang lumabas siya sa kwarto namin ay pumasok na rin ako sa banyo para maligo. Mabilis akong nagbihis lalo ng marinig ko ang malakas na pagtawag ni Jian sa akin sa baba.
"Hoy! Buntis ka na nga't lahat ang lakas pa rin ng boses mo!" Asik ko sa kanya nang makababa. Kung hindi nga lang siya buntis ay masasabunutan ko na talaga siya.
"Ang tagal-tagal mo kasi! Kanina pa kami gutom ng baby ko." Usal niya at hinimas ang medyo may kalakihan na niyang tiyan. She's already six months pregnant. Akalain niyo 'yon? Last year pa lang sila kinasal at ngayon buntis na agad. Naunahan pa ako. Hulaan niyo kung sino 'yong napapangasawa niya. Magugulat talaga kayo.
"Hey, Trisha." Nakangiting bati ni Camille sa akin at hinalikan ako sa pisngi. Ngumiti ako sa kanya.
"Hi, congrats nga pala." Natatawa kong sabi at kinindatan rin si Chen na nasa likuran lang niya. He proposed to her last week lang. Ang sweet nga nung proposal ni Chen kaya lang nakatikim muna siya nang isang suntok galing kay Tao.
Para lang noong una. Muntik na siyang mabugbog ni Tao nang malaman nitong nililigawan niya si Camille. Buti na lang napigilan agad ito ni Kris. Ang laki talaga ng utang ng loob ni Jongdae kay Kris.
"Thanks, Trisha." Humagikhik si Camille at lumapit ulit sa fiancee niya. Nakita ko ang masamang titig ni Tao sa kanila kaya natawa ako. Hirap maka-get over ng loko. Saka akalain niyo 'yon? Ito na lang ang single?
"Nasaan sina Kris at Luhan?" Tanong ko nang mapansin na wala ang dalawa.
"Sinundo ang mga girlfriend nila. Susunod na rin ang mga 'yon." Sagot ni Lay kaya napatingin ako sa kanya. Nakita kong inalalayan niya si Jian paupo sa couch. Agad namang yumakap ang bestfriend ko sa kanya at naglalambing.
BINABASA MO ANG
His Crazy Stupid Stalker
FanfictionYoon Iby Trisha-- She's crazy. She's stupid. She's super annoying. And a crazy stupid stalker of HIM. Stalking him? Excuse me, of course not! I'm just...erm..I'm just interested to him! Nagkataon lang talagang siya yung hinabol ko nung gabing nala...