Stalker 27

55 6 0
                                    

"Uy babe, magkwento ka naman sa first day at first night niyo ng destiny mo! Bilis!"

Humikab ako at humalumbaba habang nakatingin sa white board na punong-puno sa mga nakasulat na formula at equation. Ang sarap na talagang humilata sa kama at matulog.

Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa kakaisip sa mommy ni DESTINY KO (na magiging mommy ko rin balang araw. Hehe..). Peste kasi 'tong bibig ko eh! Hindi man lang muna inalam kung sino ang kausap. Ayan tuloy, nagka-problema na ako ngayon. May bad record na ako sa mamanugangin ko. Baka ayawan na ako 'nun. Chos! Advance talaga akong mag-isip.

"Babe, ano bang nangyari? Puyat na puyat ka oh! Pinapahirapan ka ba ni Umin oppa?"

Umiling ako at bumuntong-hininga. "Hindi naman."

"Eh bakit ganyan ang mukha mo?"

"Hindi ako nakatulog ng maayos." Nakangiwing sagot ko.

"Bakit namamahay ka?"

Umayos ako ng upo at napatitig sa kanya. "Nope. May problema ako, babe."

Namilog ang mata niya at interesadong mas lumapit pa sa akin. "Ano 'yon?"

Napakunot ako ng noo nang makitang sobrang seryoso niya. Naghihintay sa sasabihin ko at kitang-kita ang pag-alala sa mukha niya.

"Trish." Untag niya sa akin.

"Kasi.."

"Kasi?"

"Ano.."

Napataas siya ng kilay. "Ano?"

"Buntis ako."

Nalaglag ang panga niya at mas lalong nanlaki ang mata. Gusto kong humagalpak ng tawa dahil namumula ang pisngi niya. Luminga-linga siya sa paligid bago bumaling ulit sa akin.

"Gusto mong masapak?"

Humalakhak ako. Akala ko naniniwala siya sa akin base sa reaksyon niya. Sino bang tanga ang mabubuntis sa isang gabi lang? Ta's imposible pang may mangyari sa amin ni DESTINY KO. Siyempre, hindi ako papayag 'no! Dapat pagkatapos na ng kasal namin gagawin ang ganyang bagay. Ehehe..

"Huwag kang tumawa! Seryoso ako, bruha! 'Yang mga ganyang topic ay hindi dapat dito pinag-uusapan! Mag-usap tayo mamaya sa bahay namin." Tapos sumulyap siya sa tiyan ko. "Marami din akong itanong tungkol diyan."

dO__Ob

Anak ng--

*BOINK!*

"Ouch!" Sigaw niya at napakamot sa ulo na binatukan ko.

Anong klaseng utak meron ang babaeng 'to? Napaka-abnormal! Akalain mong naniwala? Ibang klase!

"Ano bang problema mo? Hormones ba 'yan ng pagiging buntis?" Asik niya sa akin.

"Baliw ka na ba? Sineseryoso mo talaga?"

Napakurap-kurap naman siya. "Ay, hindi ba?"

"Ikaw nga ang nagsabi noon na paano ako mabuntis kung wala naman akong boyfriend!" Napairap ako.

Ngumiwi siya. "Aba, malay mo! May destiny ka na!"

"Sa tingin mo posibleng mangyari 'yang iniisip mo?" Sarkastikong tanong ko sa kanya.

"Bakit hindi? Babae ka at lalaki siya. Tapos kayong dalawa lang nasa condo niya." Nakangising sagot niya.

Agad akong umiling-iling na may biglang lumitaw na iba't-ibang imahe sa isip ko. Nararamdaman ko agad ang pag-iinit ng pisngi ko. Nakakainis ang babaeng 'to! Mas lalong dinumihan ang utak ko.

His Crazy Stupid StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon