HER DESTINY
"DESTINY KO!!"
d-__-b
Napahinto ako sa pagbukas ng pinto ng sasakyan at nilingon siyang tumatakbo papunta sa akin.
Ano naman ang kailangan ng babaeng 'to?
"Ang ganda ng kotse natin ah! Pwede pasabay? Hehehe.."
dO__Ob
Saan ba talaga 'to kumukuha ng lakas ng loob? Mukhang hindi uso ang salitang hiya sa kanya. Pakapalan ng mukha ang uso sa lahi niya.
Agad akong pumasok ng sasakyan at pinaharurot 'yon!
Ano bang problema sa akin ng babaeng 'yon at ako ang pinagdiskitahan?
Napailing ako. Mukhang hindi ko madala sa deadmahan ang babaeng 'yon. Tsk!
Kinuha ko 'yong cellphone kong nagri-ring.
"Bakit?" Sagot ko.
"Hyung! Bakit nauna ka na namang umalis? May problema ka ba sa amin? Lagi ka na lang nagso-solo. Wala na ba kaming halaga sa'yo? Hindi mo na ba kami kailangan?"
d>__<b
Lokong Tao 'to..
"Pasensya na." May iniwasan lang ako.
"Iba na kasi 'pag may admirer! Bwahahahaha!!" Narinig kong sigaw ni Chen sa kabilang linya at nagtawanan pa sila.
Napatingin ako sa cellphone ko. Ano ba 'to, conference call? Tsh!
"Admirer? Stalker 'yon."
"Oo, magandang stalker!" Narinig ko pa ang panunukso ni Luhan sa boses niya.
"Crazy and stupid stalker." Pagtatama ko.
"You're so mean, oppa! Bwahahahaha!"
Napangiwi ako. "Shut up, Chen."
"Ano? Tutuloy pa ba tayo mamaya?" Tanong ni Lay.
May bar sina Chen, well sa kuya niya. Doon kami madalas tumambay. Noon, mga NBI agent lang ang makakapasok sa bar nila. NBI kasi ang kuya niya noon, pero ngayon ginawa ng open bar.
"Uuwi na ako."
"Bad mood ka ba?" Natatawang tanong ni Luhan sa akin.
Napatiim-bagang ako. Sino namang hindi ma-bad mood sa baliw na babaeng 'yon? Ang totoo, kanina pa ako na-bad mood sa kanya. Sinira niya ang araw ko.
"Kanina pa, Luhan." Mariing sagot ko na ikinatatawa nila. Tsh!
"Siya nga pala, tumawag sa akin ang mommy mo. Sagutin mo raw tawag niya."
Huminga ako ng malalim. Alam ko, sampung missed calls lang naman galing sa kanya.
"Bakit hindi mo na lang kasi sundin ang mommy mo para hindi ka na guluhin?" Biglang sabat ni Kris na kanina pa nakikinig sa usapan namin at ngayon pa naisipang magsalita.
"Kaya ko ang sarili ko." Walang ganang sagot ko.
"Hindi ka marunong magluto, hyung." Paalala ni Lay sa akin.
"Maraming restaurant ang pwedeng kainan."
"Wow, nagtatapon ka ng pera dahil restaurant taga kain? Seryoso, hyung?" Pang-aasar ni Tao sa akin. "Saka, walang maglalaba ng damit mo."
BINABASA MO ANG
His Crazy Stupid Stalker
FanficYoon Iby Trisha-- She's crazy. She's stupid. She's super annoying. And a crazy stupid stalker of HIM. Stalking him? Excuse me, of course not! I'm just...erm..I'm just interested to him! Nagkataon lang talagang siya yung hinabol ko nung gabing nala...