CHEN
Nakakainit talaga sa ulo kapag hinila-hila ang ka-gwapuhan ko. Sarap manapak!
"Ako'y naiinis na sa'yong babae ka ha! Ano na namang kailangan mo sa akin?" Asik ko sa kanya at iwinaksi ang braso kong hawak-hawak niya. Ang lakas ng loob manghila! Pero siyempre, ang mga gwapong katulad ko hinihila talaga ng mga babae. Kaya hindi na masyadong ipinagtataka 'yon.
Huminto siya sa paglalakad at humarap sa akin. Napaatras ako ng konti nang makita ang pangingilid ng luha niya. Anong ginawa ko at umiyak 'to bigla?
"Panget, hindi ko na kasi alam ang gagawin ko." Usal niya at yumuko.
Napakurap-kurap ako. "A-ano bang nangyari?"
Tae, ayoko talaga malagay sa ganitong sitwasyon. Yung iiyakan ka ng babae. Nakakapanliit sa ka-gwapuhan 'yan eh. Kaya ang gusto ko talaga ay pasayahin yung mga babae.
"Gustong makipagbalikan ni Harem sa akin."
Natigilan ako at napakunot ng noo. Biglang nag-init ang ulo ko. "Yung unggoy mong ex na hindi ko maatim ang kapangitan?"
Inirapan niya ako at nag-iwas ng tingin.
"Oh, nakakadiri pala ang taong 'yon! Yung sinuka na niya, isusubo niya ulit?" Parang nandidiri kong sabi. Walang backbone pala ang lalaking 'yon! Pagkatapos saktan yung babae at itapon ay babalikan niya ulit? Bakit, gwapo ba siya? Kupal nga lang siya!
Napangiwi ako nang bigla niya akong binatukan. "Panget ka! Talaga bang ihalintulad ako sa sinuka? Sapakin kita diyan!"
"Binatukan mo na ako. Psh! Saka, nasaan ang girlfriend ng gagong 'yon?"
Umiling siya. "He broke up with her. Anong gagawin ko?"
"Bakit? Gusto mong makipag-balikan sa kanya?"
"Hindi ko nga alam! Naguguluhan ako. Saka, hindi pa ako naka-get over sa sakit na binigay niya sa akin." Bumuntong-hininga siya.
"Nagdalawang isip ka pa! Alam mo, dalawa lang 'yan eh. Ang daling sabihing hindi kung ayaw mo na talaga. Pero dahil naguguluhan ka, gusto mo ring makipagbalikan sa kanya. Pero ito ang tandaan mo, sinaktan ka niya 'diba? Saka, ganun ba kadali para sa kanya ang hiwalayan ang girlfriend niya at makikipagbalikan sa'yo? Pwes, ito tandaan mo. Kung nagawa niyang saktan ka at nagawa niya rin 'yon sa girlfriend niya, hindi imposibleng gagawin niya ulit 'yon sa'yo!"
"Mahal ko pa kasi kahit nasasaktan niya ako." Mahinang usal niya.
"Edi katangahan 'yan! At ang pinakaayaw ko ay ang makikipag-usap sa mga taong tanga!" Akmang tatalikuran ko siya nang hinigit niya ako pabalik.
"Chen, ano ba!"
Naningkit ang mata kong tinignan siya. Walang hiya talaga ang babaeng 'to. Kaya niya naman palang tawagin ako sa pangalan ko. May nalalaman pa siyang panget at at camel. Psh. Kung alam ko lang, nagu-gwapuhan rin siya sa akin. Nahiya lang magsabi. Naku ,okay lang naman kung tapatin niya ako, gwapo kasi ako kaya ganun.
"Hoy babae, hindi kasi puro puso ang gamitin. Binigyan rin tayo ng utak ng Diyos kaya gamitin mo!" Asik ko sa kanya.
"Hindi mo pa kasing naranasang magmahal!"
Napabuga ako ng hangin. Walang hiyang buhay naman talaga 'to oh. Ginawa pa talaga akong taga-advice ng katangahan niya. Sa gwapo kong ito, ganito lang ang papel ko? No way.
"Oo, hindi pa nga. Kaya wala akong maitutulong sa'yo." Usal ko at nagkibit-balikat.
Tiningnan niya ako ng masama. "Wala ka talagang kwenta."
BINABASA MO ANG
His Crazy Stupid Stalker
Fiksi PenggemarYoon Iby Trisha-- She's crazy. She's stupid. She's super annoying. And a crazy stupid stalker of HIM. Stalking him? Excuse me, of course not! I'm just...erm..I'm just interested to him! Nagkataon lang talagang siya yung hinabol ko nung gabing nala...