Stalker 54

27 3 0
                                    

Gusto kong magmura. Gusto kong manapak. Gusto kong sumigaw ng malakas hanggang sa mailabas ko lahat ng galit ko. Ano bang mali sa akin? Bakit ba lagi na lang akong nasasaktan? Maging masaya lang ako ng konting panahon ta's babawiin rin naman kaagad. Is there something wrong with me? Or is there something wrong with the people around me? Bakit 'yong ibang tao simple lang naman ang mga buhay nila? Bakit sa akin napaka-kumplikado?

Tinitigan ko ang taong nasa harap ko ngayon. He's staring at me with so much regret on his eyes. Was he guilty? Sobrang laki ba ng kaalanan ko sa kanya ?

"Ganyan mo ba pinandirian ang nararamdaman ko para sa'yo para magpanggap kang nagkabalikan na kayo?"

His eyes widened a bit. "W-what?"

"Ginawa mo ba 'yon dahil ayaw mong umasa pa ako at mas lalong maghahabol sa'yo kapag
malaman kong hindi kayo nagkakabalikan?"

"Ofcourse not! No..that's not the reason." Natataranta niyang sabi sa akin.

"Then why?! Kasi wala akong maisip na ibang rason! May matinong pag-iisip pa naman ako Kim Minseok! I know my limitations at alam ko kung kailan ititigil ang kabaliwan ko! Pwede namang pag-usapan ng maayos 'diba? Why did you chose to pretend and hurt me like this?! I don't f-cking deserve this!" My tears fell again. Tumango-tango siya at pinilit na hawakan ang kamay ko pero mariin akong
umiling. He looks so hurt right now. And this is the first time I saw him like this. He looks so guilty, frustrated, mad and hurt. For what? I don't know.

"Of course, you don't deserve this. But it's not what you think." Halos pabulong niyang usal.

I sarcastically smiled. "Oh, ano ngang rason mo?"

Now, he looks so embarassed and more frustrated. "Just...lame reasons."

Natawa ako ng bahagya. "Lame? Edi, potek! Nasasaktan ako ng bongga dahil lang 'yan sa mga walang kwenta mong rason! Congratulations!"

"Let me explain, please."
Tumayo na ako at nakita ko agad ang gulat sa mukha niya. "Nevermind. I don't need your explanation. Save it to yourself."

Hindi ko na siya hinintay na magsalita pa dahil tinalikuran ko na siya at lumabas na sa lugar na 'yon. Parang hindi na kasi ako makahinga. Marahas kong pinunasan ang mga luha ko at alam kong pinagtitinginan na ako ng mga taong nakakasalubong ko. But I don't care, I'm hurting right now.

Wala sa sarili akong umupo sa bus station at naghihintay na may dumaan na bus. Kinapa ko ang cellphone sa bag para matawagan si Mama na medyo matatagalan ako sa pag-uwi. I need to relax and collect my minds. Hindi akong pwedeng umuwi ng ganito ang hitsura. Pero natigilan ako nang ma-realize na wala akong bag na dala. Naiwan ko doon sa restaurant! Napapikit ako ng mariin. Dammit!

Dumilat ako at kinapa ang bulsa ng pantalon na suot. Napahinga ako ng maluwag nang may nakapa pa akong pera sa bulsa para pamasahe sa bus. Pati kasi ang wallet ko nandoon sa bag. Agad akong tumayo nang may huminto na bus.

Bumuntong-hininga ako nang maramdaman ang malakas ng paghampas ng hangin sa mukha ko. I want to go somewhere. Yung tahimik na lugar. Gusto kong mag-isip ng matino at malinaw. Kasi hindi ko alam kung anong iisipin ko ngayon. I'm a complete mess and I don't want my mother will see me like this.

Luminga-linga ako pagkababa ko ng bus. Hindi ko alam kung anong lugar 'tong binababaan ko. Sumunod lang ako sa isang matandang babae. But all I can see is a clear water of the blue sea in front of me. I inhaled the fresh air. Nilingon ko ang bus na sinakyan ko at hindi ko na nakita pa. Napatingin rin ako sa magkabilang dulo ng kalsada. Walang ka tao-tao, ni wala halos na sasakyan na dumaan. Sa kabilang side ng kalsada ay gubat. Bumuntong-hininga ako at bumaling ulit sa dagat. Humakbang pa ako para makalapit na ng tuluyan sa dalampasigan. Umupo ako sa buhangin, yung hindi maabot ng alon. I will wait for the sunset.

His Crazy Stupid StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon