Stalker 31

59 5 0
                                    

Napaungol ako nang may naramdamang liwanag na tumama sa mukha ko. Dahan-dahan akong dumilat at unang sumalubong sa akin ang nakabukas na bintana. Nilipad ng hangin ang kulay pink na kurtina. Lumipat ang paningin ko sa malaking walk in closet na kulay violet. Jian's room. Tsh.

Bumangon ako at bahagyang napangiwi. Fudge! Ang sakit ng ulo ko. Teka..

Agad akong napatayo sa kama at patakbong pumasok sa banyo at doon sumuka. Ugh! Hangover sucks.

Pinunasan ko ang luha sa gilid ng mata ko at inayos ang sarili. Nagmugmog ako at naghilamos na rin. Pagkatapos ay lumabas ako ng banyo. Sakto ring bumukas ang pintuan at pumasok si Jian.

"Gising ka na pala. Ano? Nagsusuka ka na naman? Lasinggera ka kasi!" Bungad niya sa akin.

Ngumuso ako at napakamot ng ulo. Sumulyap ako sa orasan at nakitang alas nueve na ng umaga. Napamaang ako. Holy mother of cow!

Si DESTINY KO! Mapapagalitan ako 'nun! Sinabi ko pa naman sa kanya na babalik ako ng maaga.

"Hoy, anong ginagawa mo?" Tanong sa akin ni Jian nang makitang nagkukumahog ako sa pagkuha ng bag at mga gamit ko.

"Uuwi na ako. Patay ako kay Kim Minseok ngayon!"

"Teka--"

Humarap ako sa kanya at marahan siyang yinakap. "Sorry sa abala kagabi at maraming thank you!" Hinalikan ko siya sa pisngi.

May sasabihin pa sana siya pero tumalikod na ako at agad lumabas sa kwarto niya. Narinig ko pa ang pagtawag niya sa akin. Nadaanan ko sa sala si Tita na inayos ang necktie ng asawa.

"Trish, saan ka pupunta?" Tanong niya sa akin.

"Uuwi na po ako! Salamat po sa inyo! Bye po!" Kumaway lang ako sa kanila at kumaripas ng takbo papuntang gate.

Fudge! Ba't ba kasi ang tagal kong nagising?!

Napahinto ako sa paglakad-takbo ko nang may nakita akong pulang sasakyan na nakaparada lang sa labas ng gate nina Jian. Teka, huwag mong sabihing sinundo niya ako dito?

"Oh, sinundo ka ng destiny mo? Sosyal, babe?" Rinig kong sabi ni Jian sa likuran ko.

Nilampasan ako ni Jian at siya na ang nagbukas ng gate.

"Good morning, oppa!" Bati niya kay DESTINY KO nang lumabas ito ng sasakyan. Tumango lang ito at binalingan ako.

"Let's go." Malamig niyang sabi.

Naglaglag ang panga ko at 'di makapaniwalang itinuro siya. "Ba't nandito ka?"

Napakunot siya ng noo. "What?"

"Anong ginagawa mo dito?"

"Sinundo ka." Sagot niya na at tinaasan ako ng kilay na parang ang bobo ko dahil sa tanong ko.

Mas lalo akong napamaang. "Ba't mo naman ako sinundo?"

Ano? Sobrang miss niya ba ako at hindi na makapaghintay kaya sinundo niya talaga ako?

Wow! Ang assuming ko, grabe! Pss.

"I told you last night that I'll fetch you."

Napakurap-kurap ako. Iniisip kung anong nangyari kagabi. Napakunot ako ng noo nang wala akong ibang naalala kundi ang pag-iinuman namin ni Jian at ang paglabas ko saloobin. Ang naalala ko ay hanggang doon lang sa pagtawa at pag-iyak ko dahil lasing na ako.

Liningon ko si Jian. "Anong nangyari? Wala akong maalala, babe!"

Ni hindi ko alam kung paano kami nakalabas ng bar at kung paano kami nakauwi.

His Crazy Stupid StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon