Stalker 41

37 6 5
                                    

HER DESTINY

Tinitigan ko siya habang nakangusong kinalikot ang cellphone niya. I already followed her instagram and she followed me back. I only followed thirteen accounts including her. Eleven of them are my friends.

Tuwang-tuwa pa siya dahil pangalawa daw siyang babaeng pina-follow ko. Of course, Yeo Shan was the first. She also amazed that I have almost four million followers. And now, she's stalking my account.

"Ano ba naman 'to DESTINY KO..puro pagkain at lugar lang ang pinost mo. Wala ka pang selfie mo kahit isa." Kunot noo niyang sabi.

"Not my thing na ibalandra ang mukha ko." Malamig kong sagot.

"Bakit? Kapag ako may ganyan ka-gwapong mukha, talagang ipagmamalaki ko! Pero ayos na rin 'yon. At least ako lang ang palaging makakakita sa gwapo mong mukha. Live pa!" Humagikhik siya.

Tsh. Ang daldal niya talaga.

"Teka, kunan mo nga ako DESTINY KO. Pang profile pic ko lang. Hehe.." She handed me the phone. Kunot-noo ko yung tinanggap at kinunan siya ng picture. She posed and pouted her lips while having a mini hearts sign with her fingers. Pagkatapos ay binigay ulit sa kanya ang cellphone.

"Ay, ang cute ko dito!" She blurted out.

Nag-open rin ako ng account ko at tiningnan ang post niya. Nagsalubong ang kilay ko nang makitang pinalitan niya ng name ang account niya na ginawa ko. I hearted it. Nag-angat siya ng tingin sa akin at ngumisi.

She posted the pic and made it as her profile picture. With a caption of  "woke up like this." And her account's name is.. iamhiswife. At tuwang-tuwa pa siya nang agad nag-follow sina Chen sa kanya.

"Luh. May mga nag-follow pa sa akin! Tingnan mo, DESTINY KO." Ipinakita niya sa akin ang cellphone niya.

Napataas ako ng ng kilay nang makilala kung sino ang mga ito. Our friends. They even hearted it. And of course, except for Sehun. He never followed anyone.

"They're our friends."

Tumango naman siya at nagpatuloy sa pagkalikot ng cellphone. Nakatitig lang ako sa kanya nang may biglang naisip. Napatingin ulit ako sa cellphone ko. I chatted someone on instagram.

Ako:

Hey, can we talk?

Sigurado akong hindi niya masasagot agad 'yon dahil masyadong busy ang schedule niya. At least, mababasa niya and I will wait for her reply.

Mag-log out na sana ako nang makitang nag-heart ang katabi ko sa lahat ng posts ko. And I have almost two thousand posts already.

"What's with the flood hearts?" Untag ko sa kanya.

Nag-angat siya ng tingin sa akin at ngumisi. "Siyempre, para maipakita sa'yo na ganyan kita kamahal." She even playfully winked at me.

Natulala ako saglit sa kanya. Nang makabawi ay tumikhim ako at pinisil ang ilong. Tinuloy ko na ang pag-log out ng account at binalingan ulit siya.

"Enough with that. It's already past 9. We still have class tomorrow."

Tumango lang siya at parang hindi inintindi ang sinabi ko. Her attention was all over her phone. Napailing ako.

"Go to sleep now. Matutulog na rin ako."

"Wait lang, DESTINY KO. May tiningnan pa akong mga pictures. Ang gwapo naman ng kaibigan mong 'to!"

Napakunot ako ng noo dahil sa sinabi niya at inagaw ang cellphone niya. Napasinghap siya dahil sa biglaang ginawa ko.

"Tsh." React ko nang makitang account ni Sehun ang ini-istalk niya.

His Crazy Stupid StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon