Inilibot ko yung paningin ko sa loob ng condo ni DESTINY KO. Kakarating lang namin dito sa condo niya. Si Jian, sumabay kay Kris at tuwang-tuwa ang bruha dahil natupad na daw yung pangarap niyang makasakay sa sports car ni Kris. Ewan ko kung sino ba talaga ang gusto niya, si Kris ba o ang mamahaling sasakyan nito. Mahilig pa naman sa mamahaling kotse ang babaeng 'yon.Kami pang dalawa ni DESTINY KO ang nandito. Hinintay pa kasi ng iba sina Chen at Lay dahil may practice pa daw ang dalawa para sa musical play nila. Kaya nauna na lang kami ni DESTINY KO dito para makapagsimula na kami sa practice namin. Ire-revise pa kasi 'yong song na napili namin dahil gagawin ngang acoustic version.
Malinis ang condo niya. Mukhang malinis rin naman siyang tao kaya pareho kami. O 'diba? Nakatadhana talaga kami para sa isa't-isa! Hehe..
"Magbibihis lang ako sandali. You can watch TV if you want." Untag niya sa akin.
Agad akong napatingin sa kanya at ngumisi. "Saan ka ba magbibihis, DESTINY KO?"
Tiningnan niya ako ng masama. "Sa kwarto ko, alangan naman sa harapan mo."
"Ay, bet ko 'yan! Hindi naman ako sisilip, promise!"
Hindi ako sisilip, titingin talaga ako! Nyahaha...
Mas lalong tumalim ang tingin niya sa akin. Bumuka ang bibig niya na parang may sasabihin sana pero tinikom ulit at napailing na lang bago ako tinalikuran. Sinilip ko siya kung saang kwarto siya papasok. Tatlong pintuan ang nakita ko. Magkatabi ang dalawang pintuan sa kanang bahagi at nasa tapat naman ang isang pintuan na nasa kaliwang bahagi. Doon siya pumasok sa isa sa magkatabing pinto. Sino kaya ang kasama niya dito?
Inilibot ko ulit 'yong paningin ko. Malaki at maaliwalas 'yong condo niya. Black and white lang ang nakikita kong kulay dito sa loob ng condo niya.
May malaking couch sa sala at may center table. Napataas pa ako ng kilay nang makita ang napakalaking LED TV niya. Wow!
Pumasok ako sa kusina na kadugtong na rin ng dining room. Napangiwi ako dahil parang wala man lang nagalaw na kagamitan. Meaning, hindi ginagamit. Ano ba 'tong mga kitchen utensils niya, pang-display lang? Hindi ba siya nagluluto?
Binuksan ko 'yong cabinet na nasa itaas ng lababo niya. Mga canned goods at cup noodles lang ang nakikita ko. May mga sachet rin ng kape.
Humalikipkip ako habang tinitigan ang mga 'yon. Ito lang ba ang mga kinakain niya? Sobrang healthy ah! Tsk!
Binuksan ko rin yung ref niya. Konti lang din ang laman. Pizza, ice cream, juices, may konting junk foods, bacons, hotdogs at mga vitamins lang ang nasa loob. Kumuha ako ng isang slice ng pizza bago isinara ulit yung refrigerator. Nag-crave ako bigla ng pizza eh.
Bumalik ulit ako sa sala at umupo sa couch. Kinuha ko ring yung remote ng tv at binuhay 'yon. Inilagay ko sa tabi ang bag ko. Sarap na sarap ako habang kumakagat sa hawak-hawak kong pizza. Pero halos mabilaukan ako nang bumungad sa akin ang mukha ni Kim Yeo Shan na nakangiti. Yung favorite model ko!
Oh my God! Pakiramdam ko naghugis-puso yung mga mata ko. Ang ganda-ganda niya talaga! Hindi talaga nakakasawang titigan ang mukha niya. Kapag naging lalaki pa ako, gagawa talaga ako ng paraan maligawan lang siya! Sh-t!
"Kim Yeo Shan, sana bigyan ako ng pagkakataon na magkita tayo. Huhu.." usal ko sa sarili.
Manghihingi ako ng kahit isang hibla lang ng buhok niya at itatago ko. Kung hindi lang talaga ako maka-Diyos, baka siya na 'yong sinasamba ko eh. Diyosa nga kasi ng kagandahan eh. See? Ang galing pang rumampa!
Nakatitig lang ako sa TV habang kumakain ng pizza. Napangiti rin ako sa tuwing ngumingiti siya sa camera. Ang gondo! Nagsalubong ang kilay ko nang biglang namatay 'yong TV. What the heck?
BINABASA MO ANG
His Crazy Stupid Stalker
Fiksi PenggemarYoon Iby Trisha-- She's crazy. She's stupid. She's super annoying. And a crazy stupid stalker of HIM. Stalking him? Excuse me, of course not! I'm just...erm..I'm just interested to him! Nagkataon lang talagang siya yung hinabol ko nung gabing nala...