"Babe, hintay naman diyan!" Narinig ko sigaw ni Jian kaya inis ko siyang nilingon.
"Bilisan mo nga! Gusto ko ng makita ang DESTINY KO!"
"Langya naman! Excited masyado teh?"
Napangisi ako. "Kapag siya ang dahilan, palagi talaga akong excited. Kyahahahaha!"
"Seryoso ba 'yan?" Nakangiwing tanong niya at inayos ang strap ng shoulder bag niya.
"Oo naman! Gusto ko siyang makita araw-araw!"
"Ayeeeiii...so inspired ka na?"
"Sinabi mo pa!" Proud na sabi ko.
"Uhuy! Lumandi na siya oh! Dalaga ka na, Trish! Nyahahahaha.."
d.__.b
Anong bang lumandi ang pinagsasabi niya?!
"OH MY GOODNESS! KRIS OPPPAAA!"
Nagulat ako nang bigla na lang siyang tumakbo papunta sa pinagkaguluhan ng mga babae. Not that na pinagkakaguluhan na parang hina-harass. Pinagkaguluhan para magpa-picture.
Wow, artista lang ang peg?
Kahit ignorante 'tong mga estudyante dito, hindi naman sila umabot na sapilitang magtulakan para lang makalapit at makayakap sa taong iniidolo nila. Ni wala ngang lakas loob na humawak sa kanila. Hanggang tingin, sigaw at picture lang talaga.
Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad papunta sa room namin. At dahil excited talaga akong makita ang DESTINY KO ay tumakbo na talaga ako papunta roon. Pagkapasok ng pagkapasok ko ay agad akong sumigaw.
"GOOD MORNING CLASSMATES!"
Napatingin ang mga kaklase ko sa akin at umiling-iling.
"DESTINY KO, GOOD MORNING!" Nakangising sigaw ko habang nakatingin sa kanya na prenteng nakaupo sa upuan niya at pinalilibutan ng mga kaklase kong babae at parang tinatanong siya ng kung anu-ano. Huh! Goodluck na lang nila kung sasagutin sila.
"DESTINY KO I'M HERE!" Lumapit ako sa kanila kaya napatingin yung mga kaklase kong babae sa akin at tinaasan ako ng kilay.
"Ang ingay mo, Trisha!" Saway ni Tiffany sa akin. Class vice-president namin.
Sinamaan ko siya ng tingin. Problema niya? Hindi pa naman nagsisimula ang klase namin.
"Matagal na akong maingay, huwag ka ng magtaka!" Asik ko sa kanya.
Napangisi naman siya. "Ayos nga eh, ikaw lang yung class president na sobrang ingay. Madalas pang sinasaway."
Pakialam ko? Sinabi ko sa kanila na ayokong maging class officer, binoto pa talaga akong maging class president. Bahala sila!
"Bakit kayo nandito? Hindi dito ang mga upuan niyo ah!" Tanong ko sa mga babaeng nakapaligid kay DESTINY KO.
"May tinatanong lang kami kay oppa." Sagot ni Seohyun.
Napakunot ako ng noo. "Gaya ng?"
"Kung may girlfriend na siya!"- Yuri.
Napahagalpak ako ng tawa kaya nagtataka silang lahat na nakatingin sa akin. Matalim rin ang titig ni DESTINY KO sa akin.
"Grabe, hindi niyo alam? May girlfriend na kaya siya!" Bulalas ko.
Nanlaki ang mata nila. "T-talaga?"
Halos mapahagalpak ulit ako ng tawa nang makita kong para silang binagsakan ng langit.
d^__^b

BINABASA MO ANG
His Crazy Stupid Stalker
FanfictionYoon Iby Trisha-- She's crazy. She's stupid. She's super annoying. And a crazy stupid stalker of HIM. Stalking him? Excuse me, of course not! I'm just...erm..I'm just interested to him! Nagkataon lang talagang siya yung hinabol ko nung gabing nala...