Kinagat-kagat ko yung dulo ng ballpen habang nakatitig sa maliit na notebook na nakapatong sa centertable. Mm?
Nag-angat ako ng tingin at tinignan siya. "Favorite color?"
"Blue? Black..it depends?"
"Favorite food?"
Tiningnan niya ako ng masama. "Do I need to answer that?"
Ngumisi ako at nagsulat ng 'siopao' bilang sagot sa favorite food niya.
"Favorite movies?" Tanong ko ulit.
"Marami. Many to mention."
Gusto kong umirap dahil sa mga walang kwentang sagot niya.
"Favorite perfume?"
"Seriously?" Naiiritang asik niya sa akin.
Ngumuso ako. Gusto ko talaga kasing malaman kung ano ang gamit niyang pabango. Ang bango niya kasi!
"O sige, eto na lang. Maganda 'to." Ngumisi ako. "Anong toothpaste gamit mo?"
Ang puti kasi ng ngipin niya at pantay na pantay pa!
Mas lalong tumalim ang tingin niya sa akin. Napakamot ako ng ulo.
"Paano kita matutulungan kung ayaw mong makipag-cooperate sa akin?" Inis ring asik ko sa kanya.
Nandito na kami sa condo niya at nakatambay sa sala. Nakaupo siya sa couch at nakaupo naman ako sa sahig at nakatingala sa kanya. Nasa harapan ko ang center table.
"Do you really have to ask me that kind of questions?""Siyempre, para mas makilala kita!" Bulalas ko at namimilog pa ang mata just to proved my point.
He rolled his eyes. "Why don't you give me a slum book? Sasagutan ko na lang."
Padabog kong inilagay ang ballpen sa center table at itiniklop ang notebook. "Fine!"
Itinukod ko ang siko sa ibabaw ng table at humalumbaba habang nakatitig sa kanya.
"Magsimula ka na. Tell me everything."
Unti-unting naglaho ang iritasyon sa mukha niya at napalitan ng blangkong ekspresyon. Sumeryuso din ako at mariin siyag tinitigan.
"Tell me everyting about her." Wala sa sariling usal ko habang nakatitig ng deretso sa mata niya. Hindi ko alam kung bakit ang bilis ng tibok ng puso ko. Parang kailangan kong ihanda ang sarili sa maaring maririnig ko.
"Can I trust you?" He stared back.
"Yes." Deresto at walang alinlangan kong sagot.
Bumuntong-hininga siya. "Alright."
Nagulat ako nang bigla siyang tumayo. Napakurap-kurap ako habang sinundan siya ng tingin papasok sa kwarto niya.
Anong nangyari dun?
Napatitig ako sa kawalan. Hindi pa ba siya ready? Ganun ba siya nasaktan at parang ang hirap sa kanyang magkwento? Alam kaya ng mga kaibigan niya ang tungkol dito?
Bumuntong-hininga ako. Malamang siguro. Alam na nila kahit ang likaw ng bituka nila isa't-isa. They're not just friends, they are brothers.
Napaayos ako sa pag-squat nang makitang lumabas ulit siya sa kwarto niya. Pinagmasdan ko siya habang hinintay na makalapit sa akin.
Umupo ulit siya sa couch at tinignan ako. "Sit beside me."
Agad akong tumayo at lumipat sa tabi niya. Narinig ko ang malalim na buntong-hininga niya.
BINABASA MO ANG
His Crazy Stupid Stalker
FanfictionYoon Iby Trisha-- She's crazy. She's stupid. She's super annoying. And a crazy stupid stalker of HIM. Stalking him? Excuse me, of course not! I'm just...erm..I'm just interested to him! Nagkataon lang talagang siya yung hinabol ko nung gabing nala...