Stalker 28

46 7 1
                                    

HER DESTINY

I yawned and messed my hair as I went out from my room. Dumiretso ako sa kusina. Pero napahinto ako nang  makita ang wirdong babae na nag-mop ng sahig sa sala habang nakaupo si mommy sa couch at binabantayan siya.

Pawis na pawis siya at dumikit na nga 'yong ilang hibla ng buhok sa pisngi niya. Sumulyap ako sa LED clock at nakitang alas sais pa ng umaga.

"Sa ilalim ng couch." I heard mom demanded her. Walang imik naman siyang sumunod.

Tumikhim ako kaya sabay silang napalingon sa akin.

"Oh, good morning 'nak!" Bati ni mommy sa akin.

Tumango ako. "Morning, mom." Sumulyap ako sa isa. Pinunasan niya 'yong pawis sa noo niya gamit ang likod ng kamay at ngumiti sa akin.

"Good morning, DES--Umin oppa! Hehe.."

Bumuntong-hininga ako. "That's enough. Magluto ka muna ng almusal."

Natigilan siya at lumingon kay mommy. Tinaasan siya nito ng kilay.

"Uh..magluluto na po muna ako ng almusal."

"Go ahead. Sarapan mo ah?"

Agad naman siyang tumango at tumalikod. Halos patakbong papuntang kusina.

"Mom." Saway ko kay mommy. Why did she act childish sometimes?

Lumingon naman siya sa akin at kinindatan ako.

"I really like that girl. And I did this because she needs to know how to do the household chores properly. Dapat magiging mabuti siyang asawa sa'yo bal--"

I huffed. "Mom, kaibigan ko lang siya."

"Friend is the beginning of love, son." Ngiting-ngiting sagot rin niya.

What's wrong with my mom? Now, she's acting like a hopeless romantic teenager. At kagabi pa siya umakto na parang isang strict mother sa harapan ng babaeng 'yon. Pero kapag kaming dalawa lang naman ang mag-uusap ay iginigiit niya na malapit ang loob niya sa babaeng 'yon.

"She likes you." Untag niya ulit.

"I know but she's just a friend for me."

Umiling siya. "Na-uh, I know you'll like her."

Nag-iwas ako ng tingin at bumuntong-hininga. "I won't."

"You will." Giit niya pa rin.

"How can you be so sure of that?" Naiiritang tanong ko sa kanya. Para kasing siguradong-sigurado siya na magugustuhan ko ang weird at baliw na babaeng 'yon.

"Well, mother knows best."

Tinalikuran ko agad siya para hindi na humaba pa ang usapan namin.

She's just a friend. Nothing more, nothing less. That's what I feel right now. She likes me, I know that. Paano ko hindi malalaman kung ipamukha niya sa akin kung gaano niya ako kagusto. Psh.

Pagpasok ko ng kusin ay agad akong sinalubong ng mabangong amoy ng niluluto niya. Nakita ko rin ang isang tasang kape na nakapatong sa mesa.

Umupo ako at kinuha ang kape. I sipped the hot coffee while staring at her back. Masyado siyang focus sa ginagawa niya at mukhang hindi niya napansin na pumasok ako.

Nakapameywang ang isang kamay niya habang ang isa ay may hawak na sandok at may hinahalo. May nakasabit na tuwalya sa balikat niya. Her hair tie into a bunned kaya kitang-kita ko ng pagkintab ng pawis sa leeg niya.

His Crazy Stupid StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon