HER DESTINY
Kalmante akong naglalakad sa hallway ng eskwelahan nang marinig ko ang nakakairitang boses ni Tao na tinatawag ako. Nauna akong pumasok sa kanila dahil wala pa rin ako sa mood ngayon para hintayin sila ng matagal.
"Hyung! Hyung! Umin hyung!"
Inis akong napahinto sa paglalakad at liningon sila. "Ano?!"
Nakangisi silang nagsilapitan sa akin. Napasulyap ako sa mga estudyanteng babae na huminto pa talaga sa paglalakad para tingnan kami.
"Hyung, ang aga-aga pa mainit agad ulo mo! Mababawasan ka-gwapuhan mo niyan! Gumaya ka sa akin, palaging fresh!"
Tiningnan ko ng masama si Chen. Alam niyang mainit ang ulo ko, dinagdagan pa niya.
"Umin hyung, ano bang ginawa mo kay Trisha kahapon?"
Napakunot ako ng noo dahil sa tanong ni Tao. "Wala!"
Ano bang ginawa ko?
"Wala? Eh inis na inis 'yon sa'yo! Bakit mo siya sinabihang desperada? You hurt her feelings, hyung!"
Naiinis sa akin? At bakit naman siya pa yung nagagalit? Siya yung may kasalanan sa akin! And yeah, she's desperate! Desperate for my attention! Nasasaktan siya dahil alam niyang totoo ang sinasabi ko.
"Hyung, mali ang pagkakilala mo sa kanya. Hindi siya ganun! Sana pinakinggan mo muna ang paliwanag niya." Kalmang sabi ni Lay.
Hindi siya ganun? Gaano na ba nila kakilala ang babaeng 'yon? Hindi pa sila ganun ka-close para depensahan nila ang babaeng 'yon.
Napailing ako. "Tsk! Wala kayong alam."
"Nakapag-usap kami kahapon. Sinabi niya sa amin ang totoo." Singit naman ni Luhan.
"Naniniwala naman kayo?" Malamig kong tanong.
"Ganyan na ba talaga kasama ang tingin mo kay Trisha?"
"You're being judgemental. Tss.."
Umigting ang panga ko dahil sa sinabi ni Kris. Bakit ba ang aga-aga yung babaeng 'yon agad ang topic namin?
"Mauna na ako." Paalam ko sa kanila at nauna ng naglakad. Narinig ko pa ang pagtawag ni Tao sa akin pero hindi na ako nag-abalang lumingon.
Bago pa ako makapasok sa pintuan ng room namin ay may humarang na babae sa akin bigla. Napakunot ako ng noo nang hindi ko naman siya kaklase.
"Bakit?" Tanong ko sa kanya.
May inilabas siya mula sa likuran niya. "O-oppa, I..I made this for you."
Napatingin ako sa chocolate cake na nasa harapan ko. May narinig na rin akong bulung-bulungan at tawanan.
Tinanggap ko 'yon at nginitian ng tipid 'yong babae. "Salamat."
Parang natulala naman siya sa akin. Narinig ko pa ang pagsinghap ng mga estudyante sa paligid.
"M-masarap 'yan, oppa!" Excited at nakangiting bulalas nung babae.
Tumango ako. "Salamat ulit."
"W-welcome.." narinig ko pa ang pag-buntong hininga niya bago ako tumalikod at pumasok sa loob.
Hindi pa ako nakaupo ay may tunawag ulit sa akin.
Lumingon ako sa tumawag. "Bakit?"
Napabuga ako ng hangin nang makita kong bestfriend pala ng baliw na babaeng 'yon ang tumawag sa akin.

BINABASA MO ANG
His Crazy Stupid Stalker
FanfictionYoon Iby Trisha-- She's crazy. She's stupid. She's super annoying. And a crazy stupid stalker of HIM. Stalking him? Excuse me, of course not! I'm just...erm..I'm just interested to him! Nagkataon lang talagang siya yung hinabol ko nung gabing nala...